Chapter 24

5K 163 6
                                    

"DOLPHIN?"

Napangiti si Dolphin nang makita sina Philsia at Jam na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya, na tila ba hindi makapaniwala na siya na nga ang kaharap ng mga ito. "Hi, Phil, Jam."

Biglang tumili sina Philsia at Jam saka siya niyakap.

"I missed you, girl!" sabi ni Philsia.

"Luka ka, muntik ka na namang hindi nakilala!" sabi naman ni Jam. "You cut your hair short, at kulay-burgundy pa 'yang buhok mo ngayon, ha? Bagay sa'yo, girl!"

Ngumiti lang uli si Dolphin. "I missed you, too, girls." Lumingon siya sa paligid. "Nasaan si Peanut?"

Tinuro ni Jam ang buffet table. "There."

Nilapitan ni Dolphin si Peanut na kausap sina Antenna at Crayon na karga ang dalawang taong gulang na first born nina Peanut at Bread na si Baby Custard – ang birthday boy. Nakisalo na si Dolphin sa kuwentuhan ng tatlo, puring-puri niya ang ka-cute-an ni Baby Custard.

"Ang bilis ni Pareng Bread," nakangiting sabi ni Antenna. "Nasundan agad si Baby Custard."

"At in fairness, ang galing ni Pareng Bread pumosisyon. Baby girl naman ngayon," biro naman ni Crayon.

Nag-init ang mga mukha ni Dolphin. Wala pa siyang asawa kaya hindi pa siya sanay sa gano'ng usapan. Natawa tuloy ang tatlong babae sa kanya.

"Nag-blush tuloy si Dolphin," nakangiting sabi ni Peanut, pero maya-maya ay napahawak sa malaking umbok ng tiyan.

"Honey?"

Napalingon si Dolphin kay Bread. May pag-aalala sa mukha ni Bread nang lapitan ng lalaki si Peanut.

"What's wrong, Peanut?" nag-aalalang tanong ni Bread, saka kinulong ang mukha ni Peanut sa mga kamay nito. "Namumutla ka."

Ngumiti si Peanut. "I'm okay, Bread. Na-pa-praning ka na naman."

Hindi pa rin napanatag ang mukha ni Bread. "Baka naman pagod ka na, hon. Umuwi na kaya tayo?" Masuyong hinaplos nito ang malaking umbok ng tiyan ni Peanut. "Or dumaan sa ob-gyne mo para ipa-check kayo ni Baby Muffin?"

Hindi mapigilan ni Dolphin ang mapabungisngis sa kanyang narinig. "Baby Muffin? Iyon na ba ang magiging name ng baby girl niyo?"

Nilingon siya ni Bread na tila ba no'n lang siya napansin. Bahagyang umaliwalas ang mukha nito. "Yes, Dolphin. Iyon nga ang ipapangalan namin ni Peanut sa baby girl namin."

Bumalik na ang kulay sa mukha ni Peanut. Nangislap ang mga mata nito. "It's cute, isn't it?"

Nakangiting tumango si Dolphin. When she was a child, she got teased because of her weird name. But she realized along the way that common names were boring, maybe because she had a unique one. But anyway, she has always been a fan of creative names ever since. "Of course, it's cute! I'm sure din na sing-cute ng name niya si Baby Muffin."

Bread and Peanut looked proud because of her comment.

"Basta ninang ka, ha," nakangiting sabi ni Peanut.

Mabilis na tumango si Dolphin. "Magtatampo ako kung hindi ako magiging ninang ni baby Muffin."

Naputol lang ang pakikipagkuwentuhan ni Dolphin sa mag-asawa nang makatanggap ng tawag si Bread.

"Oh, Connor. Papunta ka na? Don't worry, mahigpit ang security dito. Hindi ka pagkakaguluhan ng paparazzi," paniniguro ni Bread kay Connor na kausap ng lalaki sa cell phone.

"I have to go na, Peanut," paalam ni Dolphin bigla. "Dumaan lang talaga ako to see how you're doing."

"Huh? Pero halos kadarating mo lang," dismayadong sabi ni Peanut.

Humalik na si Dolphin sa pisngi ni Peanut, saka sa noo ni Baby Custard. "Pasensiya na talaga, Peanut. May lakad din kasi ako today." Binalingan niya si Bread. "I'll go ahead."

Nakangiting tumango lang si Bread.

Hindi na nagpapigil si Dolphin. Lumabas na siya ng restaurant. Hindi na kailangan ni Dolphin magpaliwanag sa mga kaibigan kung bakit nagmamadali siyang umalis.

Akala ni Dolphin kaya na niya, pero naduduwag pa rin pala siyang makaharap si Connor.

Sasakay na sana si Dolphin sa kanyang kotse nang makuha ng maliit na establisyemento sa pagitan ng isang bookstore at souvenir shop ang kanyang atensiyon. May nakasabit na "For Sale" sa nakasarang rolling door. Katapat iyon ng restaurant.

Umiling-iling si Dolphin. Hindi ito ang tamang oras para d'yan, Dolphin. You need to get away from here.

Nahirapan si Dolphin na ipasok sa keyhole ng kanyang kotse ang susi dahil nanginginig ang kanyang kamay. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Sa bawat dumadaan na kotse sa kanyang likuran ay lalong nagpapataranta sa kanya. Isa sa mga iyon, lulan si Connor.

Kailangan nang makaalis ni Dolphin para hindi sila mag-abot ni Connor.

Natigilan si Dolphin nang may pumaradang coaster van sa katabing parking space kung saan nakaparke ang kanyang kotse. Hindi niya alam kung bakit napatitig siya sa bintana ng backseat. Nalaman lang niya ang dahilan nang unti-unting bumaba ang tinted na bintana.

Sa dahan-dahang pagbaba ng bintana ng coaster van ay ang tila pagbagal din ng mundo ni Dolphin. Bigla-bigla ay parang walang limang taon na lumipas. Ang mukha na iyon – iyon pa rin ang guwapong mukha na minahal niya sa loob ng napakahabang panahon. The past years must have been really good to him for him to look that good.

Connor...

He May Fall For Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon