Kabanata 2

6 0 0
                                    

Cutting.

Nakayuko ito't nakapikit. Makalipas ang ilang minuto'y muli s'yang dumilat. Sa ilang minutong pag shoot ay pinagpapawisan siya ng malagkit, na s'yang kataka-taka dahil hirap na hirap siya ga'yong ang dali lang naman para sa ilan ang pag shoot ng bola.

Ibinato sa kanya ang bola. Isang hingang malalim bago pakawalan ang huling tira sa limang tira... Sablay.

Nanlumo ito sa resulta. Maging ako'y nanlumo't dinamdam ang katangahan niya sa pag shoot ng bola. Akala ko ba'y idol niya si Amber Montecarlo e hindi naman siya maka-shoot kahit isa? Lahat sablay? Palpak kang fanboy. Paanong naging basketball ang favorite sports mo?

At dahil din sa pag iisip na 'yon ay hindi ko namalayang nakatingin na pala ito sa akin.


Teka?

Sa akin ba?

B-Bakit sa akin siya nakatingin?

Hindi pa rin maalis ang tingin nito sa akin kaya't ilang na ilang na ako. Maging ang ibang estudyante sa ibang section ay napapatingin na rin sa akin dahil ang tagal n'yang nakatitig.

"Ano bang meron sa last section at pinili 'yon ni Zion?"

Umiwas ako ng tingin at lumapit kay Dandreb, Katabi kong bisugo este Montecarlo. "Iba siya makatingin sa akin?" Pagsusumbong ko dito.

"Baka masama pa rin ang loob niya dahil niloko natin siya?"

"E kung hindi ba naman siya tanga-tanga!" Napalakas ang boses ko.

"Maka-tanga 'to." Bawi niya.

Sabay kaming sumulyap kay Zion. Humilera na ito sa amin pero ang tingin ay na kay Dandreb, masama. Masamang-masama.

Sinapak ko s'yang palihim. "Sana'y naghanap ka nalang sa ukay-ukay?"

"Bibili ako tapos ipapamunas ko sa pawis ko, tapos sasambahin niya 'yong pawis ko. Sisinghutin at araw gabi n'yang pagnanasaan, edi wow!"

"O, Edi sana'y sa akin mo pinampunas? Mas mabango naman ata 'yong pawis ko kaysa sa'yo?"

"Great idea! "

"Wow, English 'yon!"

"Tanga. Panty mo nalang 'yong ipapalit ko, e obvious namang may gusto siya sa'yo e."

Uminit ang tainga ko sa sinabi niya. Inulit niya pa kaya't tinakpan ko ang bibig niya. Ewan ko ba? Ayokong marinig 'yong sasabihin niya dahil kahit mahina ako sa pag aaral, ramdam ko kapag may gusto 'yong isang tao sa akin.

Muli akong tumingin. This time, mas madilim.

Lumunok ako. Ang haba naman ng hair ko kung magkagano'n?

"Montecarlo... Ikaw na!"

Inalis nito ang kamay ko. "Pait." Hayop!

Tumuwid ako ng tayo't tumingin sa pag shoot ni Dandreb. Mas lalo akong pinagpawisan ng malagkit nang mapuna ko ang papalapit na bulto ni Zion. Bakit siya lumalapit? Close na ba kami para lumapit siya ng ganyan? Ha? Ramdam ko ang titig nito kaya't pumikit ako. Kahit sa pagpikit ay hindi pa rin ako tinatantanan ng pakiramdam ko. Kinakabahan ako sa paglapit niya, sa dating niya ba namang 'yan, sinong hindi mai-ilang?

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon