Cute.
Nagmartsa sa gitna 'yong mga kaibigan ni Dandreb. Halos lahat sila'y naka-itim na shade para magmukhang cool. Pwe! Mukhang mga adik! Kumulo ang aking dugo ko't bumalik sa alaala ang galit na naramdaman ko sa kanila. Hindi pa ako nakakaganti! Hindi ko pa sila nakukunyatan, pero nag bago na ang isip ko... Ayoko na silang kunyatan... Gusto ko silang bayagan. Lahat. Hehehe.
"Tumatawa ka?"
"Hindi ah!"
Tumango-tango ito. Sisiguraduhin kong matitikman nila ang ganti ko. Bawat isa sa kanila! Subukan lang nilang sabihin na ako 'yon ay hindi na sila makakalabas pa ng buhay. Hehehehe. Idawit lang nila ang pangalan ko'y magkakaalaman kami.
"May naririnig ka ba?"
"Wala ah!"
"Tumatawa ka?"
Edi tumawa.
"Cute po siya sa malayuan pero pag natitigan mo po nang matagal ay maganda po pala!"
"Ano pa?" Tanong ng head teacher habang may hawak ng mic. "Traumang-trauma ang mga batang ito't naawa ako."
"Taga-last section po!"
Lahat nang schoolmates namin ay napatingin sa pila namin. Nagtago ako sa katangkaran ni Zion. Susugudin ko 'yang mga mokong na 'yan! Makikita nila! Mga sumbungero!
Rinig kong sabi ng mga kapwa namin estudyante. "Wala namang cute sa kanila e?" Sinuri ang mga classmate ko. Sumiksik akong lalo sa kanya. "Magaganda lahat."
"Hindi. May cute d'yan pero pagnatitigan mo raw nqng malapitan ay magagandahan ka! "
Umingay ng kaunti ang tahimik na misa.
Sasabat na sana ako nang bigla akong mapatinghala kay Sau. Maging ang mata nito'y nasa akin lamang.
"Kaibigan po nang nasa hospital naming kaibigan na si Dandreb Montecarlo!" Sigaw habang naka-mic ang pa-cool na mukhang ewan ang mukha.
Lahat nang classmate ko'y napatingin sa akin. Nanlaki ang mata ko.
"Basta po cute!"
Lumunok ako. Ako naman ang nakaramdam ng takot. "Si Bash lang naman 'yong cute sa klase natin ha? Kasi nga 'di ba... Lahat tayo'y magaganda't siya lang 'yong cute sa unang tingin?" Ang kakapal ng mukha! Pinandilatan ko sila. Sunod-sunod silang umirap. Pinaypayan ko ang sarili. Hello?! Ako lang kaya ang beauty and brain sa klase natin? Si ma'am pa nga ang nagsabi e! Hindi lang daw dapat beauty, ibig sabihin ay maganda ako. Si ma'am nagsabi pa nga ang nagsabi no'n.
"Mga traydor." Mahina kong sabi.
Mahinang natawa si Zion. Sumiksik ako sa kanya't nagngitngit pa lalo sa galit ang mga classmate kong babae. Naiingit sila sa akin kaya nila ako nilalaglag! Bleeh! Dinilaan ko sila!
Sa ganoong eksena'y naabutan ako ni Floyd.
Tinuro ako. Napahiwalay ako kay Zion, maging siya'y nagtaka at tumingin sa tinitingnan ko.
Tinuro ko rin ang aking sarili. "Ako... Traydor? " Tinaydor kita, kaya ka nag effort na pumunta rito sa pinakahuling pila. Nasaktan ka dahil ibang lalaki ang niyakap ko imbis na ikaw, mas masakit pala na tinarydor mo ang taong gustong-gusto mo. Tapos ay madadatnan ka pa sa ganoong eksena... "Bobo. Tinuturo kita dahil ikaw ang nanakot sa mga estudyante kahapon dito sa court "

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...