In the courts.
"Kung talagang nagsisisi ka sa nagawa mong kasalanan sa akin ay payagan mo akong makita ng personal si Sabrina Samniego?" Nakipaglaban ng titigan sa kanyang mata.
"Hindi maganda 'yang gusto mong mangyari." Alinlangang sabi ni Addis. "Masama ang kutob ko?"
Hindi ko siya pinansin at mas tinapangan pa ang aking loob. "Buo na ang pasya ko. Gusto ko s'yang makita ngayon din."
Katahimikan ang sagot na natanggap ko sa kanilang dalawa. Hindi sila naniniwalang titigil na ako sa pambu-bully. Tumango-tango ako't tinanggap ang kanilang tingin sa akin kahit pa hindi naman nila ako lubos na kilala. Hindi ko rin maaring ipilit sa kanila na maniwala dahil inabot ng taon ang aking katarantaduhan, hindi lang 'yon basta bullying, May pinaghuhugutan ang lahat ng ito.
"Sabihin mo lang sa akin na ayos ka lang... Pupuntahan natin si Sabrina Samniego."
Umangal si Addis. "Alam mong ayaw ni Amber Montecarlo na mapahamak ang asawa niya!"
Kumirot ang aking puso... Ipapahamak? Iniisip n'yang ipapahamak ko si Sabrina?
"Nagawa mo na?"
Nagkapalit ata ng sitwasyon? Kung dati-rati'y si Addis ang madalas na umiintindi sa akin, sa pagkakataong ito'y siya ang kumukontra.
Hindi ako natinag dahil sa katotohanang 'yon. Natatakot silang mas maging agresibo pa ako kaya't hangga't maari'y iniiwas niya ako sa biktima na maaring magdala sa akin sa bilangguan. Hindi ako manggugulo na walang dahilan lalo pa't nalaman na nilang wala akong kaugnayan kay Sabrina Samaniego. Mas gugustuhin ko pang isipin nilang trip-trip lang pero halos lahat ng nambu-bully, may dahilan. At 'yong ibang wala... Adik 'yon.
"Maniwala ka rin sana sa akin?" Tanong ko kay Addis.
Natahimik si Addis. Tumango naman si Belo Horizonte. Naniniwala s'yang hindi ko sasaktan si Sabrina! Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kanyang pagtanggap. Akala ko'y siya 'yong tipo na mahirap magpatawad?
Nagsuot ako ng bonet.
Tininghala ang isang mamahaling building. Labas palang ay mapapaatras kana dahil mukha itong expensive sa loob, at mas lalo pa akong namangha sa loob. Nakakaliit. Kami lang ata 'yong mahirap sa lugar na ito?
"Amber Montecarlo."
"I'm sorry ma'am pero hindi po kami maaring magpapasok ng kahit sino. Maliban nalang po kung may escort kayo kahit isa sa myembro ng pamilya?" Napatingin sa akin si Addis, maliban lang kay Belo.
Belo, Sasanayin ko na ang aking sarili na tawagin s'yang walang miss.
"Si Sabrina Samniego po ba'y nariyan?"
"Ah! Yes po, Ma'am. Kasabay niya pong pumasok ang mga magkakapatid na Montecarlo."
Saka lamang nagising ang aking diwa. Dali-dali akong lumapit sa receptionist.
"Sino-sino pong Montecarlo ang dumating?"
Tiningnan nito ang computer. "Aj Sepe Montecarlo, Henry Sepe Montecarlo at..." Nanlamig ang aking pawis habang hinihintay ang sagot nito. Kung nandito siya'y... Kung nandito siya'y... Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Hindi nga ata maganda na pumunta pa ako rito't nagpumilit, hindi dapat, Sa umpisa pa lamang. "Bukod po kay sir Amber ay may isa pa po silang hinihintay."
Nanghina na lamang akong bigla.
Hinawakan ako ni Addis. "Okay ka lang? Namumutla ka?"
Huh?
"Masama ba ang pakiramdam mo?" Umiwas lamang ako ng tingin. Muli na namang naglakbay ang aking isipan.
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...