Kabanata 24

2 0 0
                                    

Magazine.
   

"Ang liit-liit mo pero ang bully mo?" Galit man ang tono nito sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang pagsisisi dahil sa sinabi nito.

"Kasalanan ko bang takot sila sa akin?" Hindi ito sumagot.

Namula ang pisngi't nakatingin sa hawak kong card. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki't ipinaypay sa kanyang harapan. Sinundan niya naman ito ng tingin na parang putaheng takam na takam.

"Ayaw mo talagang mag pa-picture kay Zion?"

Bumalik sa huwisyo at sinamaan ako ng tingin. "Ayoko!" Asus! Nag inarte pa, e halata naman sa boses n'yang napilitan lamang s'yang aminin 'yon.

"Pero bakit?"

Sumeryoso ito. Tumigil ang pang aasar ko. Hindi na muli pang tiningnan ang card, Sa halip ay sa lupa lamang ang tingin.

"Mahahalata mo sa isang lalaki kapag inlove siya sa'yo o sa iba, Sundan mo ang dulo nang kanyang tinitingnan... At saka mo mare-realize na gano'n ka rin pala tumingin sa kanya."

Tinangay ako ng kanyang mga salita. Pakiramdam ko'y nakikipagusap ako sa hindi namin ka-level. Muntik ko na ring makalimutan na mas matalino nga pala siya kaysa sa akin...

  

Akala ko ba'y pag matalino ka'y bobo ka sa pag-ibig?

  

At kapag bobo ka sa academics ay bobo ka naman sa pag-ibig?
 

Hindi siya mahina sa pag-ibig, Sa halip nga'y binibigyan niya nang mas malalim pa na kahulugan ang pag-ibig na kahit crush lang ay masasabi mong true love na. Sadya lang na ang malas niya dahil hindi siya crush ng crush niya. Ouch! Ako kasi 'yong crush ng crush niya.

"Ipapakita mo ba sa akin 'yan kapag sinabi ko 'yong grades ni Montecarlo?" Oy! Enebe! Walang ganyanan!

"Grades ni Floyd?" Lumunok ako ng tumango ito.

Nag aalinlangan. "Asan 'yong card niya... Exchange tayo?"

"Nakita ko 'yong card niya"

"E wala ka naman palang hawak e!"

Tinuro ang ulo. "Memorize ko pa naman 'yong mga nakuha n'yang grades."

"Talaga? E bakit alam mo na kaagad, Aber?"

"Kasi po... Balak ko po sanang makipagpalitan ng information sa'yo about sa grades ni Zion." Tumaas ang kilay. "Lugi pala ako kung sakaling wala kang hawak ng card ngayon... Kasi nga boba ka!"

Oy! Si Floyd lang ang may karapatang magsabi sa akin n'yan! Pasalamat ka't hindi ko maamin-amin sa 'yong si Floyd lang ang nagsasabi sa akin n'yan dahil kung aaminin ko'y mapapahiya ako, lalo pa't galing sa crush ko 'yong panlalait.

"Sige ba. Una ka!"

"Una ka! Mas gusto kong maunang malaman 'yong grades ni Zion kaysa mauna 'yong sa'yo 'no!"

Bumuntong hininga ako. "Pasalamat ka't mabagal 'yong process ng utak ko."

"Pero pagdating kay Floyd Montecarlo, ang bilis." Bulong niya sa hangin na narinig ko.

"89 sa english si Zion!" Aakma itong tingnan ng mabilis kong yakapin. Ngumiti't para bang kinikilig.

  

Yeah, goodnews, Besh.

  

"O, Bakit may payakap-yakap ka?"

"Sabihin mo muna 'yong kay Floyd bago ko ipakita kung nagsasabi ba ako ng totoo?"

"Oo na po!" Tumalim ang tingin sa card ni Zion. "82." Nawala sa yakap ko't saka lamang ito ngumiti.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon