Kabanata 32

7 0 0
                                    

Siya.

Nanlaki ang mata ko nang hilahin ako ni Floyd para mapaharap sa kanya. "Ano 'to?" Sabay taas nang listahan ng mga mag e-exam para sa ranking.

Bukod kay Zion ay naroon din ang pangalan ko. Buong tapang ko s'yang tiningnan, kaming dalawa lamang ni Zion ang makikipagsapalaran sa mga higher section at ang mas nakakaloka pa sa lahat ay kami lamang sa mga lower section ang pambato!

Malalalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ako masusulat sa listahang 'yan kung wala lang! Isa lamang ang ibig sabihin nito... Matalino ako! May ibubuga ako! Kaya kong lumaban! May pag-asa pa ako!

Maging ito'y lumalim na rin ang pag hininga. Pumikit na animo'y may iniindang sakit at natutunghayan 'yon ng aking mata ngayon. Ang magkatapatan naming mukha ang s'yang naging daan ko para subukang basahin muli si Floyd base lamang sa mukha, nang dumilat ay nakita ko ang tumakas na emosyon. Kumirot ang aking puso't nakaiinda na rin ng kirot na gaya nang nararamdaman niya ngayon. Hindi ko lubos maisip na makikita ko ito sa kanyang mukha ngayon... May bahid ng pagsisisi at pagka-guilty.

Isang mainit na luha ang tumakas sa aking pisngi.

Nasasaktan ako sa emosyong nakikita ko sa kanyang mata kahit pa pilit niya itong iniiwas sa akin. Hindi ka naniwala, hindi ba? At ngayon, ngayon na kaya ko pala'y nagsisisi ka na sa ginawa mong pagpapaasa sa akin? Bakit kailangang humantong sa ganito? Ikaw at ako, hindi magiging tayo.

"Huwag kang makaramdam ng ganyan." Saka lamang tumingin sa akin.

Nag tagpo ang aming mata.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay para bang kaya ko s'yang pasukin. Naiintindihan niya ang nararamdam ko! Naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya.

"Kaso wala na e!" Tinulak ko siya, Nagpatangay siya. "Girlfriend mo na siya! M-May girlfriend ka na!"

Alam ko namang nag sorry na siya sa akin e, ilang beses pa nga pero hindi ko talaga maiwasang hindi manghinayang. Muli akong napupuno ng galit sa t'wing naiisip ko 'yon. Malalalim na hininga't humawak na lamang ako sa aking dibdib. Nasasaktan ako!

Pwede ko na bang ilabas 'yong mga hinanakit ko, Floyd?

Muli itong pumikit, dahilan kung bakit hindi niya nakita ang sunod-sunod na pagragasa ng aking mga luha. Mabilis kong pinunasan at sa pagdilat niya... Sa pagdilat niya'y namumulang mata na rin ang nasisilayan ko. Nahigit ko ang aking hininga. Hindi ko lubos maisip na magpapakita siya ng emosyon sa isang gaya kong wala lang naman sa kanya. Akala ko ba'y hindi ka nag e-expect na magagawa ko? I'm confused, Montecarlo! I'm confused!

"G-Gusto kong maging valedictorian, Floyd." Paos kong sabi.

Gustong-gusto ko.

"Ano nang gagawin mo, kung magawa ko nga?" Isa na namang luha. Mabilis kong pinunasan, Pero letse! Hindi lang isa. Dalawa. Sunod-sunod. Walang tigil! Pare-parehas maiinit at masasagana! Bunga ng aking galit at panghihinayang.

Yumuko ito't nasaktan ako kaya't muli ko s'yang tinulak. Wala, great. Hinintay ko 'yong sagot niya pero wala naman talaga akong inasahan. Nagdilim ang paningin ko't hinampas ko siya sa dibdib. "Gumanti ka! Saktan mo ako! D'yan ka naman magaling e!" Kumuyom lamang ang kamao nito. Hindi ako kuntento. Galit na galit ako! Gusto kong may mapaglabasan... Kailangan kong ilabas. "H-Hindi 'yong ganito! 'Yong pinaasa mo ako sa wala! Galit ako sa'yo pero mas nananaig 'yong pagkagusto ko sa'yo, Floyd!"

Ilang beses na paghampas sa kanya'y nanghina ako.

"A-Akin ka lang dapat e?" Puno ng pagkadesperada kong sabi. Maging ako'y hindi nakilala ang sariling boses. "Tingin mo ba'y ayos lang sa akin 'yon, Ha? Fuck you! FUCK YOU! HINDI 'YON AYOS SA AKIN! HINDING-HINDI 'YON MAGIGING AYOS SA AKIN!" Pinanlisikan ko siya ng mata.
Ang sunod n'yang ipinakita'y hindi ko matanggap. Walang emosyon itong nakipagtitigan sa akin. Dinaig pa nito ang hanging habagat sa sobrang lamig nang kanyang pakikitungo. Ang tigas ng bungo mo! Napakasama mo!

"Ano pa?" Maangas n'yang tanong.

Bukod sa nasaktan ako'y nagtaasan pa ang aking mga balahibo. "Gusto kitang patayin." Walang takot kong sabi sa kanya. Tumango-tango ito na para bang kuntento na sa sinabi ko.

Ito na 'yon, 'Yong komprontasyong inaantay ko.

"Mali ka. You may die stupid for love."

At ako pa talaga?! Ha?

Kinagat ko ang ibabang labi. Huminga ng maayos, maging ang aking tindig ay umayos na rin. Chin up and our eyes met again.

"Ito na 'yong huli. Hindi ko na papangarapin pang maging akin ka kahit kailan. Magiging valedictorian ako... M-Magiging valedictorian ako na hindi ka kasama sa mga dahilan. Kahit imposible sa una. H-Hindi ko ito gagawin para sa ibang tao't lalong-lalo na sa'yo. Gagawin ko 'to p-para sa sarili ko."

"Good for you." Malamig niya akong tinalikuran.

Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang likuran n'yang palayo ng palayo sa akin. Tanga na kung tanga, Inaamin kong nasasaktan ako sa t'wing umaalis siya. Para bang hindi ko kakayanin kapag may umaalis dahil nasasanay akong ako ang umaalis at hindi sila.

At si Floyd Montecarlo lamang 'yong nag iisang tao na nagparamdan sa akin no'n ng maraming beses.

Akala ko'y 'yon na 'yong huli pero hindi pa pala... May mas masakit! Mas makapangwasak! Pumikit at sa pagdilat ko'y bumalik ang angas sa aking mukha.

"Bakit po wala ang pangalan ni Floyd Montecarlo sa listahan?" Bumilis ang tibok ng aking puso.

Hindi ko hinintay 'yong sagot ng magpapa-exam sa amin ngayon sa tanong ni Zion. Deri-deritso akong pumasok sa loob kahit pa kabastusang maituturing 'yon.

Ang presensya niya sa buong room ay hindi ko naramdaman.

Hindi ko siya nakita. H-Hindi ko na siya nasilayan pa. Sunod-sunod na pagkawasak ang ipinaramdam sa akin ng iisang tao. Para bang pinaglaruan niya ako ng maraming beses pero heto pa rin ako't umaasa sa pesteng kasunduan!

Muli na naman niya akong pinaasa sa wala. Montecarlo, I passed it with flying colors!

Umiiyak habang umaakyat sa stage. Sa harapan kung saan ay kailangan kong mag bigay nang mensahe para sa lahat ng mga makakarinig, kapwa ko estudyante man o hindi.

At ngayon sa harapan nilang lahat, ang dating pa easy-easy lang sa pag aaral ay nagpursige para makuha ang pinakamataas na rango sa ekwelahang aking napili. Lahat sila'y nakatingin sa akin. Lahat sila'y nag hihintay nang sasabihin ko. Maging ang mga taong hindi ko in-expect na susuporta sa akin ay narito't pinanonood ang tagumpay ko.

Sa pagtatapos nang mensaheng ito... Siya lang ang bukod tanging hindi nanood.

"Nakamit ko ang gusto n'yang mangyari sa akin. Isa lang ang hindi ko nakamit... Siya " Isang luha ang tumulo. Binago ako nang pagmamahal na ito.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon