Na gets.
"Sa tingin ko'y naalog ata ang aking utak dahil na-memorize ko 'yong table of 9."
Ngumuso muna bago sumagot. "Kahit elementary student ay memorize ang multiplication table." Napanis ang pinagmamayabang ko.
"Bakit ba ayaw n'yong maniwala na tumalino na ako?"
Hindi siya naniwala. Walang naniwala sa akin kahit isa. Bakit ba ayaw nilang maniwala na na-memorize ko 'yong multication table line of 9?! E hindi ko naman talaga memorize 'yon e! Line of 5 at 10 lang kaya 'yong memorize ko sa multiplication table! 5, 10, 15, 20... Hanggang 50! Mahirap bang paniwalaan na na-memorize ko 'yon?
"Sa tingin ko talaga'y nabagok ang aking ulo e?" Pakiramdam ko talaga e?
Ngumisi si Dandreb, halatado sa mukha nitong hindi siya naniniwala. Sumulyap ako kay Zion, hindi gaya nang kay Dandreb, masaya siya.
"8 x 7? "
Itinaas ko ang dalawang kamay. Ipinagtabi ang hinlalaking daliri sa palasinsingan ng kabilang kamay. Bale ang lumabas ay lima sa baba at lima sa taas. Ang magkadikit na kamay ay binilang bilang sampu ang halaga ng bawat isa, basta't ilalim sa magkadikit kaya lima. Which means, 50. At 'yong natirang daliri naman ay pinagtimes, 2 sa kaliwa, 3 sa kanan... So 2 x 3 is equal to 6. At 'yong 6 naman ay ipa-plus lang sa 50 kanina.
... At ang sagot. "56! "
Tumango-tango. "Ang bilis ha? Akala ko'y inisa-isa mo sa utak mo? Matagal 'yon?" Lumawak ang ngiti ko.
"Pwede na ba akong maging valedictorian?"
"Nag compute ka gamit ang kamay pero hindi mo talaga alam kung hindi mo 'yon ginawa?" Nawala ang ngiti ko. "Kailangang gamitan ng utak para maging valedictorian, Bash."
Mahina kong hinampas ang kanyang muscle. "So anong gusto mong palabasin ha?" Kumunot ang noo nito.
"Na?"
"N-Na wala akong utak!"
Sumingit si Dandreb. "E wala ka naman talagang utak e! HAHAHAHA!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Aakma sana akong susugod nang harangan ako ni Zion. Ang galit ko'y mapapadpad sana sa kanya nang mapuna ang pagtinghala nito sa kalangitan.
Tuminghala din kami.
Maging ang mga taong babalik na sa klase'y tuminghala rin sa mataas naming building kung saan ay umuulan ng mga papel.
"Ang bobo naman nito? Pfft!"
Huh?
Napadpad sa amin ang isa. Si Zion ang unang dumapot. Lumapit ako subalit mabilis n'yang itinaas para hindi ko ito maabot.
"Ano ba 'yan?" Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nito. "Patingin nga din ako?"
Mas lalo n'yang itinaas na para bang takot na takot na makita ko.
"Bash Tucson." Sambit ni Dandreb.
Napatingin ako sa pag aakalang tinatawag niya ako, gayong binasa niya lang pala ang pangalan ko sa papel na napulot rin.
Bakit nabanggit ang pangalan ko?
Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Zion. "Huwag!" Mas lalo akong nagka-interes na tingnan 'yon dahil sa pagpigil niya.
Nagtama ang aming mata.
Sa katagalang titig ko sa kanya'y lumuwag ang hawak nito, senyales na hindi niya na ako pipigilan pa kaya't humakbang ako papalapit kay Dandreb.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...