Kabanata 47

6 0 0
                                    

Tipo.
 
 

"A-Ano bang tipo mo sa isang babae?" Nagsalubong ang makapal na kilay nito.

"Why?"

  

Yumuko na lamang ako't hindi na nag expect pa sa kanyang isasagot.

  

"Damn." Mahinang usal niya. "Stop thinking about the things you lack, okay? And one more important thing... Stay the same." Kinagat ko ang ibabang labi't hindi na umimik pa. Para lamang akong batang pinapagalitan sa tono ng boses niya kaya't minabuti kong maunang lumabas.

  

Hindi hinintay na matapos siya sa pagpa-parking.

  

Tuloy-tuloy lamang ako sa paglabas at nakita sa bukana ng pinto ng simbahan ang pagkaway ni Dandreb sa akin. Kumaway rin ako't tumakbo na para hindi makahabol sa akin si Floyd.

"Pengeng katangkaran!"

Napahalakhak ito't nakakuha ng atensyon ng mga papasok na rin. May ilan ring nakakakilala sa akin at narinig ko na naman ang mga pamatay nilang linya about my looks. Cute. Palagi nalang gano'n. Mas matutuwa pa ako kung galing mismo sa bibig ni Floyd na gusto niya ang mga babaeng cute at hindi lang matalino.

"Kapag ang babae daw umabot na ng dise-otso, Permanent height na raw nila 'yon." Ngumuso ako.

Maging ang mga kaibigan ni Dandreb ay naririto rin. Naging kabarkada na rin kasi nila si Zion at natutuwa ako dahil marami s'yang naipon na kaibigan noong highschool, samantalang ako'y puro lamang pag aaral ang inatupag. Weh, Bash? Marami ka ngang kalokohan kasama ang power rangers.

"Talon ka kada new year!"

"Mag cherifer ka, Liit!"

"Buti nalang at cute ka, Kung hindi'y ang sarap mong tirisin?" Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak sila.

   

"Sino kaya sa kanila?" Napatingin ako sa aking likuran at naroon na nga ang power rangers.

"Sana pala'y nagpula ako para kumpleto kayo 'no?"

"Ulol! Saling-pusa ka lang! Ang liit mo tapos sa gitna ka?"

Humalakhak ang mga kalalakihan sa likod. "Hi, Girls!" Nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha. Bukod sa mental problem, May social problem rin kaya 'yang mga 'yan. "Huwag 'yang mga 'yan, may sayad 'yan!" At agree ako d'yan.

    

Pumasok na ang magbabarkada't naiwan kaming anim. Maya-maya pa'y umingay ang pwesto namin dahil sa mga walang kwenta kong kaibigan.

"Joke!" Bigla na lamang nila akong niyakap. "Ang liit-liit mo pa rin, Bash! Ang cute ng height mo!"

"Ang sarap mo talagang iuwi sa bahay dahil ang liit-liit mo!"

Pinanggitgitan nila akong lima't hindi ako makahinga dahil sapol na sapol ko 'yong mga ma-foam nilang mga bra. Hiyang-hiya naman ako sa height ko at sa mga dibdib pa talaga nila sumakto. "Padedein niyo nalang kaya ako!" Tumawa na naman sila kaya't 'yong ilang mga nakakakilala sa kanila'y nagsipagtabihan na parang takot na takot.

"Asus!" Pinalo ang aking likod. "Improving kang bakla ka! Dati tsupon tapos ngayon ay lollipop na?"

"Hoy, Ano ba!" Tinakpan ko ang bibig niya.

"Nakatikim na 'tong linggit na 'to, buti nagkatsa sa bunganga mo?" My gas! Nakakahiya!

"Ano ba?!" Pinamulahan ako ng pisngi. "Tumigil nga kayo!"

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon