Gustong-gusto.
Mas lalong tumindi ang tensyon ng sabihin 'yon ng Don. Akala ko'y sabi-sabi lamang 'yong balita na ubod ng sama 'yong Don, hindi ko napaghandaang totoo pala 'yong sabi-sabi lang.
Kaya niya akong ipakulong sa bilangguan, Habambuhay! Kung gugustuhin niya lang!
Binantaan na nila ako pero hindi ako nakinig. "Ito na ba 'yon?" Tuminghala kay Addis, Naghalo ang pawis naming dalawa dahil sa pagtatanggol na ipinaparamdam nito. "Kaya ba masama ang kutob mo?"
Pawis na pawis ito't namumula na rin ang mata. Pati din ba siya'y iiyak para sa akin?
Parang ang sarap tuloy umiyak, kahit hindi ko na alam kung paano?
"Lumabas na lang muna kayo?" Sabat ng isa pang matanda, hindi nga lang mas matanda pa sa Don.
Tumango si Addis at nagsimula akong hilahin habang yakap-yakap. Naramdaman ko rin ang kamay ni Belo sa aking likuran. "Gusto ko kayong makausap in my office, tomorrow."
"Masusunod po, Mr. Tent Sepe."
"IPAKULONG NIYO ANG BABAENG 'YAN!"
Yumuko na lamang ako't tanggap ang gusto n'yang mangyari sa akin. Hindi ko naman itatanggi e, para saan pa? May mga ebidensyang makapagtuturo sa akin at hindi ko rin naman dedepensahan ang aking sarili... Sadya lang na gusto ko na talaga ng katahimikan.
"Pa? Ang blood pressure niyo po?"
"Huwag na huwag n'yong patatakasin ang isang 'yan kung ayaw n'yong mabalitaan sa dyaryo na isa na s'yang bangka---"
Napahinto kami sa paglalakad nang may marinig na pagkabasag.
Naalarma ang dalawang pulis at naglabas ng baril. Itinutok sa lalaking nagbasag ng bote sa kabila ng humuhupang tensyon...
Napatakip ako ng bibig.
Biglang nakilala ng manhid kong puso ang lalaking kadarating pa lamang. Lahat kami'y napatingin sa kanya't hindi nakapagsalita.
"Floyd? "
Lumapit ang isang matangkad na lalaking hawig na hawig kay Floyd. Matured at gaya niya'y nagtataglay rin ng makapal na kilay, Ang asset niya nga lang ay parang may eyeliner na gamit gayong sa tingin ko'y totoo 'yon at hindi peke.
Inakbayan ang tahimik na lalaki't bigla na lamang nagbukas ng isa pang wine glass.
Inagaw ng kapatid. "What?"
"Tapos babasagin mo na naman? Isa ka ring panira e?"
"I'm not kuya, Aj!"
Hindi siya nito napigilan at biglang na lamang isinubo sa bunganga ang isang bote ng mamahaling alak.
May isa na namang lumapit sa amin. "Put your gun down, Cousin din namin siya. Ang mabuti pa'y umalis na kayo?" Tumingin sa akin at muli na naman akong yumuko.
Yumuko ako't nagsumiksik kay Addis. Pilit nagtatago sa malaking bulto nito para hindi ako tuluyang masaktan sa matinding pagkawasak.
Oo, Matinding pagkawasak.
Ayoko ng masaktan pa. Last na 'yong highschool pa kami. Matagal na 'yon! B-Baka nakalimutan niya na 'yon? Lalayo ako kung kinakailangan. Kung kinakailangan naman na ipakulong ako'y ngayon pa lamang ay susuko na ako. Hindi ako lalaban. Hindi na rin ako mangugulo.
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...