Kabanata 40

4 0 0
                                    

Itakas.
   

 

"Mr. Floyd Montecarlo." Tumingin kaming lahat kay Belo Horizonte, seryoso ang mukha nito subalit may itinatagong ngiti sa labi.

  

Kumunot ang noo ko.

  

"I don't take sides but..." Inilabas ang hawak nitong posas. Sumama bigla ang kutob ko sa posas na 'yon kaya't napatingin ako kay Floyd. "Some people used their freedom irresponsibly."

  

Irresponsibly? Sino ako?!

 

Dahil ba 'yon sa pambu-bully ko? Bakit pakiramdam ko'y ipinagkakanulo nila ako? I feel betrayed! Oh my gas! My gas! Tinatraydor niya ako!

Takot akong tumingin kay Floyd, mabilis itong tumayo't bigla ba naman kinuha ang dalawa kong kamay at pinagdikit. "BITIWAN MO AKO! HINDI KA NAKAKATAWA, MONTECARLO!" Shit!

  

Tumingin kay Addis.

  

Binigyan daan niya lamang si Belo.

  

Habang nagpupumiglas ako'y para namang uto-uto si Floyd at naging masunurin!
 
  

Nang makalapit sa amin ay napapikit na lamang ako lalo na nang posasan niya nga kami ni Floyd. Tuluyan nga akong hindi nakawala sa kanyang paningin, dahil ngayon, Ngayong hawak niya ang aking kamay ay mas lalong wala akong nagawa when he intertwined our fingers together.

  

Tahimik na umupo sa kanyang tabi.

  

Muli kong pinagmasdan ang pintong pinaglabasan nila Belo at Addis, pumasok silang kasama ako subalit lumabas silang wala ako. Pumikit na lamang ako't pinakinggan ang paligid.

 

"Sigurado ka bang natikman niya 'yon?"

"Yah... Pero kaunti lang dahil binasag niya 'yong bote kaya't nasayang 'yong iba?"

"Damn, Gin! Bakit si Floyd pa?!"

"Hindi naman para sa kanya 'yon e, Kuya! Para kay kuya Teo 'yon!"

Tumalim ang tingin ko ng dumilat. Tumingin sa nakapikit na rin na si Floyd habang ang kabilang kamay nito'y sumasalo sa ulong inaantok-antok na...

"He could feel his beast excited!"

  

O baka nakikiramdam lang?

  

"Great!"
 
"It's not always pretty thoughts, Titus... Wake up the beast then?"

Kanina pa siya tahimik! Hindi ko alam kung anong problema niya? Inaantay ko 'yong mga sumbat niya't magkasakitan kaming dalawa para lumabas 'yong mga hinanakit niya! At kapag lumabas ang mga hinanakit niya'y ibig sabihin lamang nito'y may posiblidad na mag away kami't mahihirapan ng ibalik sa dati ang turingan! Mas gusto ko 'yon! 'Yong mag kaaway kami. Ayoko nang mainlove sa kanya, mas gusto ko pa 'yong katotohanan na ayaw niya sa akin... Na galit na galit siya sa akin, kaysa 'yong ganito!

   

Sa pagdilat ng mata nito'y tumapat sa akin ang mukha. Tumingin sa aking mata't lumukot lamang ang noo, umiwas ako ng tingin.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon