Kabanata 21

12 0 0
                                    

Friday.

•Tomorrow is neither Wednesday nor Thursday.

•Yesterday was not Friday or Saturday.

•Today is neither Thursday nor Monday nor Sunday.

What day is it today?

"Friday!" Mahina subalit paulit-ulit kong sagot.

Muli akong nagtago ng tahimik. Alam kong narinig niya 'yong sagot ko kaya't iginihan ko pa ang pagtatago.

Muli akong sumilip. May ilang kababaihan na naghahagikgikan habang nakatingin sa kanya, hindi niya ito binigyan ng pansin at sa halip ay napatingin lamang sa akin. Shit! Muli akong nagtago with matching hawak-hawak pa sa dibdib na grabe na ang kaba. Nakita niya ako! Anong iisipin niya? Iniiwasan ko siya? 'Yong tibok ng puso ko'y sobrang ingay lalo na nang magtagpo ang aming mata!

Huminahon ka! "Hihinahon ako!" Dahil kung hindi ako hihinahon ay baka himatayin ulit ako.

Ilang minuto't may iba na namang lumapit sa kanya. Nakangiti pero ang mukha niya'y nakasimangot. Ni hindi nga bumuka ang bibig nito, kaya't kampante akong hindi siya interesado sa kahit sino sa mga 'yon.

Siniko ako ni Zion. Hindi na ako nakaramdam nang pagkailang sa paglapit naming dalawa, Mas apektado pa nga ako sa presensya ni Floyd kaya't nasisiguro kong si Floyd ang gusto ko't attracted lamang 'yong sa kanya. "Bakit ka ba nagkikitago rin?"

"Ako ang nauna rito."

"Para namang may pinagtataguan ka?" Nangisay ito.

"Baliw na baliw siya sa akin at kasalanan mo 'yon!" Namumula ang mukha sa pandidiri. "Alam mo bang gandang-ganda siya sa akin? Ha? Mukha ba akong papatol ng kapwa ko lalaki ha?"

Ay, hala! Akala ko'y type mo rin si Floyd dahil gusto mo si Amber, at kapatid naman siya ni Amber. Lahat ng mabuti kay Amber ay gusto mo?

"Nai-stress na ako sa kanya! Hindi ako makapag-concentrate, Bash. Pakiramdam ko'y nariyan lamang siya sa tabi't inaalam ang lahat ng tungkol sa akin, daig niya pa ang stalker! Kinikilabutan ako! Ano bang pwede kong gawin para tantanan niya ako?" Napangiwi ako dahil do'n.

Sa akin niya pa talaga tinanong ha? "Ano..." Seryosong tumingin sa akin. "I-Distract mo ang atensyon niya." Tumango-tango na parang tanggap ang aking suggestions.

Nag iisip ba siya? E mas matalino pa nga siya sa akin e? Nakakita ka na ba ng isang matalino na humingi ng tulong sa isang walang alam?

"Sa'yo?"

"Sa akin?" Napaisip. Nang makabawi'y bigla ko s'yang tinulak. "Loko kang bata ka ha! Syempre sa ibang girl!" Para bang tagos sa tainga ang aking sinabi't tumingin na lamang sa aking likuran. Hindi ako naabala sa pagbaling niya sa iba, mas gusto kong sa iba siya nakatingin dahil ilang na ilang akong tumingin lalo na sa mata ng mga lalaki, maliban kay Floyd, syempre.

"To make things right? Kasi nga 'di ba, gusto mo s'yang mainlove sa ibang babae. Which is, right. Pero... Paano kung boy ang gusto niya't hindi girl?"

"Oy, ano ka ba naman! 'Di nag iisip!"

Kumunot ang noo't muling tumingin sa likuran. Nag patuloy naman ako sa gusto kong sabihin.

"Wala ka bang pwedeng ireto na girl bestfriend or kakilala?" Umiling ito't tinuro ako. So ako lang talaga 'yong girl bestfriend niya? "Totoo?" Napatakip ako ng bibig. Oh my gas! Hindi ko alam na pinagpala pala talaga ako! Ang ganda-ganda ko na, ang cute-cute ko pa. Edi wow! "As in? Ako lang?"

"Never pa akong nagka-girlfriend." Ay, oo nga pala. Tuminghala ako sa kanya. Para bang ang laki ng problema niya't hindi siya nagkamali nang natanungan dahil alam ko ang pakiramdam ng hinahabol. To the point na hindi mo na gusto ang atensyong ibinibigay sayo't mahirap talagang magkaroon ng mahabang hair. I feel you, Bro.

Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya. Nanlaki ang mata nito't takot na tumingin sa aking likuran. "Tama ka ng taong napagtanunganm" Lumunok ito't hindi nagsalita.

Luminga-linga ako sa paligid at senenyasan ko s'yang lumapit pa lalo. Nakahanda nang bumulong. "Wala kang girl bestfriend bukod sa akin, wala ka ring girlfriend dahil NGSB ka 'di ba... Alam ko na!" Nagningning ang aking mata sa naisip kong ideya. "SA PINSAN MO! YE HE!"

Ang galing ko!

Ang takot na mukha'y hindi makapaniwala. Para bang napakaimposible ng tanong ko. Bakit? Babae 'yong cousin niya? Dalawa lamang sila't nag iisa niya lamang itong cousin, walang masama kung mainlove si Dandreb sa kanya dahil mas katanggap-tanggap 'yon kaysa sa katotohanang inlove na inlove si Dandreb sa kapwa niya.

Sumeryoso ito. "Kilala mo ang cousin ko, Bash. Nabanggit ko na sa'yo ang tungkol sa kanya..."

"Na isa s'yang...." Ako naman ngayon ang nagulat. Hindi maituloy ang sasabihin dahil sa babaeng nasa isip.

"Yes! Cousin ko si Chloe Mojico, the best actress. Hindi ako nagsisinungaling sa sinabi kong pinsan ko siya kahit pa niloko niyo ako ni Dandreb. Si Chloe Mojico ang ate Clo'ng tinutukoy ko. Ang unang babae sa buhay ko." Kung gano'n... Nahabag ang aking puso. Napakatotoo niya't nagawa namin s'yang linlangin sa unang kita pa lamang. Napakasama ko dahil naisipan ko pa s'yang husgahan dahil ang bobo-bobo n'yang hindi makadama na nagbibiro lamang kami ni Dandreb nang time na 'yon. Napakasama ko. Hindi ko man lang inisip na maaring magkatotoo 'yon, lalo pa't marami silang pagkakatulad. Sa balat, sa height, ngayong alam ko na... Walang duda. Magkamag-anak nga sila.

Ginulo nito ang aking buhok dahil natagalan ang hindi ko pag imik.

"Good job. Susubukan ko pa rin 'yong sinabi mo." Ngumiti sabay ngiti rin sa aking ulunan.

Mabilis akong napaharap at halos bawiin ang aking hiningang naibuga sa kanyang mukha.

"Kabayong bundat!"

Bigla akong napaatras at hindi ko inaasahan na hindi niya na naman ako sasaluhin! Shit! Hindi niya talaga ako sinalo? Pangalawang beses na 'to ha? "My gas, ang hirap mainlove sa taong hindi ka sasaluhin gayong fall na fall ka na."

Nagtaray ang kilay.

Hindi ako tumayo... Hinihintay ang kamay niya. Pero langya! 3 minutes na ako dito sa lupa'y hindi niya pa rin ako inaalok ng tulong!

"Bakit Friday ang sagot mo?"

Masama man ang loob ay sinagot ko ang sa tingin kong hinula-hulaan ko lang. "Friday," Friday kasi madalas akong minamalas... Na sa tingin ko'y kokontrahin niya dahil hindi siya malas, never kong iisipin na malas siya. Isa s'yang, kinikilig ako e! Eto na nga, isa s'yang swerte sa buhay ko. "Friday kasi siya lang 'yong hindi nabanggit."

Umawang ang bibig.

"Alam mo ba 'yong kantang 'It's a joy to be a Christian, jt's a joy. Every monday, tuesday, wednesday, thursday~ "

"Enough!" Saka lang siya nag alok ng kamay.

Nanlaki ang mata ko.

Nanatili sa kamay ang tingin habang nagsasalita siya. "Naisip mo lang kaya gano'n?"

"Ay hindi ako nag isip, Hinulaan ko lang!" Totoo kong sabi.

Sabay bawi ng kamay.

Paasa ka! Anong problema ng isang 'to?! Aalukin ako tapos ngayon ay babawiin? Ni hindi ko pa nga nahahawakan 'yong kamay niya e! Napanganga ako sa kanyang ginawa, Hindi ko na pinansin pa ang kalagayan ko dahil umasa talaga akong tutulungan niya ako!

Wala talaga s'yang balak na sagipin ako!

Sabay walk-out. "The correct answer is Friday."

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon