Kabanata 8

3 0 0
                                    

Sumpa.

Huhuhu! Masakit! Sobrang sakit. "Hindi nga sabi ako papasok! Nakikita mo ba 'to? Namatayan ako ng tuta!"

Nagkatinginan silang dalawa ni Zion. Hindi ko sila kinibo. Muli kung ipinasok sa bunganga ng tuta ang padodot nito na dating lagayan ng vitamins syrup. "Asan ba 'yong nanay nila?"

"Namatay."

"Anong nangyari?"

"May isang tuta na hindi nakalabas kaya't nalason 'yong katawan niya. Kung nakita niyo lang, may lumabas na itim na dugo sa pekpek niya kaya't namatay siya. Hindi kasi nakalabas 'yong inunan?"

"Buti nalang pala't pula 'yong lumalabas sa inyong mga babae 'no?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Maging si Zion ay sinamaan din siya ng tingin. Nang huminto sa pagpipigil ng tawa si Dandreb ay saka niya lamang ibinalik sa akin.

"Hindi sila mabubuhay, Bash. Believe me."

At dahil nga din sa sinabi niya, kinabukasan ay may namatay na namang isa. Hayop! May sumpa atang binitawan si Zion kaya't nabawasan na naman ng isa. Dalawa nalang tuloy? Muli kung isiniksik sa bunganga nito ang padodot. Inubos naman nila kaya't kampante ako na may matitira kahit isa lang.

"Mas okay na 'yong absent kaysa sa cutting, Mojico."

"Hindi nga sabi sila magtatagal." Sambit nito na ikina-init ng ulo ko.

Bigla s'yang hinila ni Dandreb palayo sa aming bahay. "HUWAG NGA SABI E!" Umuusok ang aking ilong sa galit. Sa t'wing sinasabi niya kasing hindi sila magtatagal ay may namamatay na tuta kinabukasan! Pahamak 'yang Zion na 'yan, Anong akala niya? Hindi ko sila kayang alagaan? Ganern?

Muli na namang nasaktan ang aking puso. Sa ikalawang pagkakataon ay nabawasan na naman ng isa.

Ziiiiooonnn!

Galit ako! Galit na galit ako! Hindi ako naniniwalang nakulangan ako nang pag aalaga! Pinapakain ko sila ng 3 beses kada araw, pinaliliguan at binibilhan ng gatas kahit pa hindi na ako nagka-kape. "Sa tingin mo... Saan ako nagkulang?"

Pero sa t'wing sinasabi 'yon ni Zion ay may nababawasang isa. May sumpa s'yang ibunubulong sa mga alaga ko't kasabwat niya si evil step mother niya, sigurado ako do'n!

Mugto ang mata nang humarap ako sa kanila.

"Pfft! Hulaan ko... Nabawasan na naman 'no?" Bawas. Naiiyak akong tumingin sa dalawang natirang tuta.

Wala akong ganang makipag-usap sa kanila. Nasa punto ako nang buhay ko na, ang bawat buhay ay mahalaga, mapa aso man o hindi.

"Hindi ka na naman papasok?" Pagod akong tuminghala sa kanya.

Hindi siya natatawa gaya ni Dandreb. Seryoso ang tingin sa akin at hindi man lang kumurap. "Hindi sila magtatagal."

Ta... Tarantado siya!

Padabog kong isinara ang pinto. Rinig na rinig ko sa bintana ang malakas na tawa ni Dandreb. "BWAHAHAHAHA!"

"Bakit ka tumatawa?"

"HAHAHAHA! SINONG 'DI MATATAWA E HALOS KINABUKASAN MAY NAMAMATAY! SUNOD-SUNOD!" Na tuta. "ANG MA-PFFFT! MA-LAS NIYA! HAHAHAHA! ANG SAKIT NG T'YAN KO! HAHAHA!"

Tinakpan ko ang aking tainga. Habang ako dito'y umiiyak ay tatawanan lang nila? Hindi nila alam ang hirap ko maalagaan lamang sila't pag nakakain na ay saka ko sila ipapamigay para mabigyan ng magandang buhay! Hindi nila alam ang pakiramdam na ito dahil mga wala silang aso! Masakit sa aming mga dog lover ang mawalan ng bestfriend, kung hindi lang sana namatay si Akura, kumpleto pa sana sila.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon