Galing sa puso.
"What occurs once in a year, twice in a week but never in a day?" Tanong niya habang hawak ang sabitan ng aking bag. Langya! Kahit hindi ko kita'y alam kong doon siya nakahawak!
Sinubukan kong lumakad pero hindi ako makaalis sa kanyang paghila. Tumigil ako't humarap sa kanya dahil baka tuluyang masira 'yong bag pack ko.
"Once in a year?" Ulit ko sa tanong niya.
Siya naman ang tumuloy sa iba. "Twice in a week but never in a day?"
Tumango-tango ako't hindi ata inabot ng 60 seconds 'yong paghihintay niya dahil nasagot ko naman.
"E!"
Umangat ang kilay nito't sinubukan kong magtakip ng bibig, Nang bigla n'yang pigilan. Noon pa man ay gigil na gigil ata siya sa pagtatakip ko ng bibig.
"Mind to explain your answer para sa isang gaya mong boba?"
"Oo na po, Crush." Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya. Sinundan ito ng mata niya't mabilis n'yang iniwas. Arte! "Syempre sa aming mga BOBA'Y uunahin namin 'yong nakikita namin, 'yong spelling mismo! Nabanggit 'yong twice, eh dalawa 'yong ibig sabihin no'n? Dalawa 'yong 'E' sa week! Kaya 'yon... Tapos sa year, isang 'E' lang. E may once? Tapos nagkataong wala pa sa day! Ang galing ko!" Kahit magulo kong paliwanag.
Namangha ito sa aking paliwanag. Para bang ang galing-galing ng ginawa ko gayong nabasa ko lang naman 'yon sa post sa facebook.
"You're pretty impressive." Natigilan ako.
Gulat na gulat akong napatulala sa kanya't hindi makapaniwala sa aking narinig. Mas namangha pa nga ako sa unang compliment na natanggap ko mula sa kanya. Just wow! Ito ang kauna-unahang beses na pinuri niya ako! At dahil lang sa facebook ay sinagip niya ako sa mapanghusgang tanong ni crush.
Bagamat may daya, malawak na ngiti ang aking ipinakita.
Nahuli kong bumaba ang tingin nito sa aking kamay, marahil ay iniisip n'yang magtatakip muli ako ng bibig para itago ang kilig... Pero hindi ko ginawa.
Nang muling tumaas sa akin ay mabilis s'yang umiwas at iniwan na naman akong pinagpapantasyahan ang lahat sa kanya. Sa totoo lang ay ako pa nga ang mas na-amaze sa aming dalawa! Hindi ako makapaniwalang kinompliment niya ako! My gas! Nang tuluyan s'yang mawala'y saka ako tumili ng malakas.
"AAAAAHHH!" Nagtata-talon sa tuwa.
Hindi ko maitago ang aking kilig. Wala itong mapaglagyan at para akong timang na nagpaikot-ikot.
Para akong nanalo sa lotto!
"Okay ka lang?" Lutang akong tumingin kay Zion.
"Alam mo ba 'yong pakiramdam na nakakakita ka ng mga puso?"
Napakamot ito sa ulo. "Floyd M, na naman? Maiintindihan siguro kita kung literal na si Amber M. ang makikita ko pero hindi e... May mixed si Floyd at 50% lang ng mukha niya ang hawig kay Amber."
Kunot ang aking noo't umayos na.
Babalik na sana sa classroom nang makarinig kami ng mga tilian! Bakit tila may tilian?
"Damn!" Napatingin ako kay Zion. "Sinabi ko nang hindi kailangan!"

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...