Gusto.
Ako ang huling hinatid. Buong byahe'y tahimik ako pero kahit paano'y nakakangiti na ako pabalik... Sa kanya.
"Gustong-gusto mo talaga siya 'no?" Nagsalubong ang makapal na kilay."Yeah." Tipid nitong sabi.
Ngumiti ako. Umawang ang labi nito't hindi na rin napigilan pa ang pananahimik. "Bakit nagagawa mong ngumiti ga'yong sinaktan kita? Hindi lang isang beses... Marami."
Tumingin sa kanyang mata. "Kasi po, hindi mo ako tinatanong!" Ngumiwi ito ng maalala. "Sa t'wing nagkikita kasi tayo'y 'yon ang unang mong sasabihin mo sa akin... Kaya 'yon, medyo napapaisip ako kung anong next mong itatanong at kinakailangang may maisagot ako kahit papaano dahil baka madissapoint kita?"
Tumahimik muli ito.
Awkward ang sunod na nangyari. Parehas lamang kaming nakatayo't walang salitang gustong ilabas. Wala na kasi akong sasabihin kaya't hindi ko alam kung paano sisimulan muli? Gustuhin ko mang makasama siya nang matagal, alam kong kabaligtaran 'yon ng gusto niya.
"Hindi--" Hmmm?
Muli na namang namayani ang katahimikan sa amin. Napahawak ito sa batok kaya't napuna kong may gusto nga itong sabihin pero hindi siya makatyempo kaya't inunahan ko na."Sabihin mo na?"
Agad din itong umayos ng tayo. "About sa deal natin?" Kinagat ko ang ibabang labi't pinanatili ang ngiti sa mga mata kahit pa nasasaktan ako.
Ang hirap magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga.
"Naayos na natin 'to, hindi ba?"
"Yeah but, hindi mo pa naririnig 'yong side ko?" Yumuko ako't pumikit. Hinayaan s'yang magsalita't hindi ako pumapel. "I admit, hindi ako umaasang magagawa mo 'yon."
Ouch!
Pinanatili ko ang pagyuko.
"I'm sorry. I'm really really sorry! Not too late pero sa umpisa palang ay hindi na talaga ako umasa pa." Sa pag angat ko nang ulo'y muli na namang nag init ang aking mata. "Napakaimposible talaga nang bagay na 'yon."
"I-Iyong alin ba do'n? 'Yong maging valedictorian ako?" Maging ako'y sumang-ayon. "Tama ka, napakaimposible nga. Paano nga ba magiging valedictorian ang isang taong galing sa pinakulelat na section?" Wala! Walang maniniwala! Maging siya'y hindi rin naniwala sa aking kakayahan. Sino nalang ang maniniwala sa akin kung pati mga kamag-anak ko'y hindi rin? Kaibigan, I don't think so."Hindi lang 'yon." Pag amin niya ulit.
Hinanda ko na ang aking sarili sa pinakamasakit na katotohanan.
"Napakaimposibleng maging tayo."
Pinaglaruan mo lang ba ako? Dahil ba sa tanga ako? Ha? Kaya ba ang dali lang sa'yong bilugin ang ulo ko dahil sa umpisa palang ay walang alam ang tingin mo sa akin? Ha? Ha? He can't understand no matter how I explained it, he's not gonna listen neither kahit pa ubod na siya ng talino.
"Floyd Montecarlo..."
"I'm sorry!" Itigil na kaya natin 'tong laro na 'to? Kung pinaglalaruan mo man ako'y panako ka na. Suko na ako. Ayoko nang magpakatanga. Siguro'y ito na 'yong tamang oras para magising sa katangahan."I hate you."
We say or act something faster than we think... One should forgive and the other should learn from it.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
MizahWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...