Hate

5 0 0
                                    

"MONTECARLO~" Damn!

Tumakbo silang lahat na bitbit 'yong papel na nasagutan ko't pinagpasa-pasahan pa. Great! Hindi naman talaga 'yon big deal, actually. Masyado lang talaga akong selfish para sa bagay na pinag-isipan ko't hindi nanggaling sa utak ng iba. Hindi ko man pinaghirapang sagutan, bakit kailangan ko silang bigyan ng aking aanihin, ika nga? Kailangan nilang maghirap, at ang hirap naman sa kanila'y mas pinapairal nila kanilang mga kabobohan! Mas magaling kang mam-bully, papasa ka. Damn them! Damn those stupid people! Damn those bullies! I admit, kumukulo talaga 'yong dugo ko sa mga bobo, Idiots! Tatanga-tangahan! Nag aaral nga pero walang pumapasok sa kokote kahit isa. Naka-graduate na tanging pagbasa lamang ang alam pero hindi alam ang ibig sabihin ng kanilang mga binasa. Nagmamalaki kahit wala pa namang napapatunayan.

Lalong-lalo na 'yong mga nananadyang kabobohan.

"Bakit ka ba kasi tatanga-tanga?!" One look from her, alam ko nang isa siya sa kanila. Estupida. Cute nga pero walang laman ang utak. "Hindi ko tuloy nasalo!"

Ang liit-liit niya. Para s'yang elementary student, sa laki niya'y sapat na para isako't itapon sa tambakan ng basura dahil sa kawalang silbi niya, Ultimo utak, kailangang itapon! Hard akong mag salita pero mas hard akong mag isip.

Kaya may mga times na gusto kong manahimik.

Kung kaya ko'y mananahimik ako. Dahil sa oras na bumuka ang aking bibig... I can ruin someone's life.

"Nakuha ko na!" Stupid! Stupid!

I'm getting mad again.

Tinapik nito ang aking balikat. Hindi pa rin naalis ang aking tingin sa nakakairitang linggit na ito, sarap tapakan. Sarap ring tirisin. "Salamat dito ha? Hulog ka ng langit " I did nothing, kundi tanggapin 'yong pambu-bully na natanggap ko.

Syempre, not always.

Mapapakalma lamang ako sa oras na makaganti ako. Sa ibang tao...

"Kasalanan mo!"

It was wrong, but this kind of wrong felt so right.

"Damn! 'Yan tuloy ay nakakuha sila ng kodigo!"

And from the moment I talk to her, I knew she was a bad idea. Our love story begins with a bad idea but it doesn't end there.

"Hindi ko... Sinasadya." Nobody is perfect and to expect them to be faultless is ridiculous. I know. She just mess with me and I'll take her down.

"Sana nga'y stupidity lang 'yon. I'll go."

Hey, Man. She deserve the same respect everyone wants and deserves. Floyd! Don't underestimate the power of words it can shatter hearts too.

"Ganda talaga ni Tel 'no!" Maganda?

See?

Ang mga babae, bumabase sila sa mukha.

Tiningnan ko rin ang babaeng tinutukoy nila't para s'yang langgam sa paningin ko dahil nasa pinakamataas na floor kami. Pero iba ang nakahakot ng aking atensyon. Kung sila'y parang mga langgam sa aking paningin, para s'yang dagang hinahabol ng pusa. Ang bilis n'yang tumakbo!

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon