Future.
"Montecarlo? Taga-section 1... Floyd nga? " Lumaki ang ngiti ko't nawala ang imahe ng takot sa sinasabi nilang terror teacher. "Si Floyd lang ang Montecarlo sa section 1?" Muling sinilip ang kapirasong papel.
Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa nagawa nito, na hindi ko makuha kung bakit dahil kahit si Zion ay gano'n din ang naging reaksyon.
Natauhan ako nang maglakad na ito paharap. Kaya't lahat kami'y umayos ng upo. Itinabing maayos ang kapirasong papel na inipit sa isang maliit na sa tingin ko'y personal notebook.
"Bakit mo sinabi?!" Galit na bulong ni Dandreb sa likod. "Ni hindi nga tayo sigurado kung si Floyd nga talaga 'yon?"
Gulat akong napatingin sa kanya. "Kilala mo si Floyd?"
"Sinong hindi makakakilala sa kanya e sikat siya sa mga babae?" Tumango ako. Sikat siya. Sa mga babae. "Kainis ka naman e!"
"You should be thankful Montecarlo..." Seryosong singit ni Zion.
"Ayon na nga ang problema, hindi porket Montecarlo ang apelyido niya'y mag kamag-anak na kami."
"So what's your point? Hindi ko maintindihan? "
Isinandal nito ang likod sa upuan niya. Parehas silang nanahimik na pero alam ko sa sarili kong may galit pa rin ang isa sa kanila. Kung humupa man 'yong kay Dandreb, sa tingin ko'y hindi ang kay Zion. Imbis na malungkot ay natuwa pa nga ako. Masaya ako! Masaya ako dahil sa wakas ay nalaman ko na rin ang pangalan niya.
"Mojico!" Tawag ni ma'am kay Zion.
Nakabusangot man ay gwapo pa rin. "Snow white, tawag ka!" Sabay siko ko sa kanya. Nawala ang busangot sa mukha nito't napatayo nalang bigla. Nagtaka ako sa biglaang pag iwas niya na para bang may nakakadiri akong sakit sa bilis n'yang pag tayo. Maging siya'y nagulat sa reaksyon niya't hindi nakaligtas sa akin ang pagpula ng tainga nito.
"Mojico..." Gulat na tumingin kay ma'am. "Solve this problem."
Tumingin muna siya sa akin bago pumunta sa harapan.
Inabangan talaga ni ma'am ang pagsagot nito at nang matapos nga siya'y namangha rin sa ginawang pagsagot ni Zion.
"Anong average mo sa card?"
"77."
"77? Are you sure?" Nagdududa sa sagot ni Zion.
Maging ako'y nagtaka. 77? Bakit 77 lang?
"Computation error? Hindi ka ba nag ka-cutting?"
"Never." Tumango-tango sa sagot nito.
"Absenero?"
"Nah. Never."
"Then why?" Tumingin kay ma'am. "Matalino ka Zion. Sa tingin ko'y magagawa mong makipagpalitan ng english sa akin? Hindi mo ba napapansin na ikaw lang 'tong englisero sa buong klase?" Humarap si ma'am sa kanya na para bang silang dalawa lamang ang tao sa classroom namin. "At 'yong tanong na ipinasagot ko sa'yo... Ramdom questions lang din 'yan na nakuha namin sa internet para sa mga genius?"
Tumingin si ma'am sa mahabang computation ni Zion at nakuha niya nga daw ang sagot.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...