Kabanata 50

4 0 0
                                    

Healing powers.
   

"She suffers major emotional issues?" Rinig kong boses ni Floyd habang nakapikit ang aking mata't gising naman ang diwa.

"Natatakot ako para sa ipinagbubuntis niya ngayon. Hindi niyo lang naitatanong... Isa siya sa mga patient namin na nakakaranas ng matinding depression noon." 

  

Ang boses na 'yon.

  

"Patient noon?"

"Yes, Mr. Montecarlo. Nagkaroon siya ng ilang suicide attempt noon at natatakot akong bumalik lahat ng 'yon ngayon?"

Tumulo ang luha sa aking mata. "Ngayon pa na buntis siya." At nang idilat ko ito'y galit na mukha ni Floyd ang nakatingin sa akin ngayon. Tahimik akong pinagmamasdan habang ang mga tao sa paligid namin ay gulat na gulat sa nalaman.

"May mga times noon na wala talaga s'yang emosyon, nahirapan kaming makitaan siya ng emosyon. Isa lang ang alam ko, malungkot siya. Ang mga taong nagbabalak na magpakamatay ay mga taong malulungkot, hindi lang isang beses n'yang ginawa, Marami pa. She was the saddest patient i had, Mr. Montecarlo. I saw her crying and trembling inside! Inaantay ko 'yong luha sa mga mata niya pero hindi talaga lumabas? Walang lumabas ni isa. Silently she started to hate, everything. Everything. Naalala ko pa nga, I'm feeling helpless as her doctor before."
 
"Suicide attempt?" Malamig s'yang umiwas ng tingin. "How? Bakit wala akong makitang mga peklat, like nag laslas?"
 
"Scan her head, Floyd Montecarlo."
 
Umawang ang kanyang labi't muling ibinaling sa akin ang tingin. Inaantay ko na titingnan niya ang aking ulo subalit nagpigil ito. Ang adams apple nito'y sunod-sunod na gumalaw at marahang pumikit.

"W-Why, Bash?" Nabasag ang boses niya kaya't 'yon lamang ang kanyang nasabi.
 
Dumilat ito't sinagot ko siya gamit ang tingin. Alam mo ang sagot sa tanong mo Floyd. Nagsimula akong ma-obsessed sa mga bagay na makakapagpatalino sa akin para lang makuha ka. Pero anong ginawa mo? Pinaasa mo ako. Iniwan. Nawalan ng saysay lahat.

Pinaniwalaan ang sarili. "For me." Yumuko ito't tumayo sa pagkakaupo sa aking kama.

Sinubukan kong umupo subalit pinigilan ako ng ina ni Floyd. Nakahawak ito ngayon sa aking t'yan kung saan ay may kumirot. Naiiyak akong tuminghala kay Floyd. "H-Huwag mo akong iwan!"
 
"Kung sakali bang mas natagalan ako... B-Bash, May babalikan pa ba ako?" Kumirot ang aking puso.
 
Pinilit ko pa ring makaupo para maabot siya't tumulong na rin ang magulang para ilapit sa akin ang kanilang anak. Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit, sobrang higpit.

 

Aaminin ko, wala.
 

 

Pero hindi mo ako iniwan, Floyd. Sa halip ay sinuklian mo pa 'yong bagay na matagal ko nang inaasam-asam.

  

Tuminghala habang ang mukha'y naglalagkit dahil sa luha. "What more?"
 
Kausap ang doctor imbis na sa akin. "Do you really wanted more?"

"Yes, please, 'cause i want to take her pain away. Paano ko 'yon matatanggal kung hindi ko alam kung gaano kasakit 'yong mga pinagdaanan niya?"

Bumuntong hininga ito't nangibabaw ang hikbi ko sa buong silid. "Tumakas siya sa ospital at hindi ko na siya natulungan pa." Isinubsob ko na lamang sa kanya ang mukha dahil sa matinding sakit.

"T-Tama na! Ayokong marinig 'yan!"

"Again. Please?"

"And then one day, bumalik siya."

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon