Himatayin.
Napuno kami ng kantyawan. Ang tahimik na lugar ay napuno ng katatawanan dahil sa aking nagawa. Hindi lang 'yon, seneryoso pa ng ilan ang aking kalokohan... Isa na doon si Floyd.
Ibinalik ang cellphone ko pagkatapos makita ang post na ginaya ko. "Ginaya mo dahil maraming natawa?"
Nanatili akong nakayuko. Nahihiyang mag angat ng tingin. "Oo. Binasa ko rin 'yong comments... Lahat sila natawa, pero bakit ikaw ay hindi? "
"Gusto mong tumawa ako?" Pekeng halakhak galing sa kanya kaya't napatinghala na rin ako ng tingin sa kanya. "Bukod sa hiwang naiisip ko... Ano pa bang hiwa ang alam mo? Ha?"
"Ano?" Nag isip.
Nabura ang ngisi sa kanyang labi kaya't muli akong yumuko.
"Ako din! 'Yong hiwa ko, masakit! Parang inu-ulo!" Muling tumawa ng peke kahit may tonong galit sa boses. "Gagawin mo pa akong tanga? Kami?!"
Pumikit ako sa pagtaas nito ng boses. "Anong tingin mo sa amin? Bobo? Syempre, naisip din nila ang naiisip ko ngayon. Isipin mo ha, hindi lahat ay kayang tumambay sa library nang matagal at 'yong mga natitira'y malamang, Matatalino dahil nga nag aaral!"
Sinalubong ko rin ang galit nito.
Nagkatinginan kami. Inis itong tumalikod sa akin. "Fuck! Argh! Pasalamat ka't babae ka." Ilang minuto itong naglabas ng galit.
"HAHAHAHA! Vinirginan na ata ni Montecarlo ang isang 'yan?" Sabi ng dumaang lalaki sa kasama nitong babae.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Vinirginan?! Duh! Virgin pa ako't pure!
Nakapameywang na itong humarap sa akin. Mas lalong nagalit dahil sa narinig. "W-Wala akong kinalaman sa pagpapakalat n'yan!" Marahang pumikit at inihilamos ang mukha gamit ang dalawang palad. "Maniwala ka?"
"AAHHH! Nanggigigil ako sa'yo! Bakit ang tanga mo! Ah!" Hanggang sa inis niya akong nilayasan.
Anong nangyari do'n?
Napamura ako nang may humawak sa balikat ko. E ku-kung fu ko sana, nang gwapong mukha ni Zion ang bumungad. Pawis na pawis at namumutla. "Totoo ba?" Ipinikit ang isang mata dahil natuluan ng pawis ang isa. Pinunasan niya ito't ipinagpatuloy ang sasabihin. "Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Montecarlo?"
Biglang sumingit si Dandreb sa amin at hinawakan ang balikat ni Zion. Biglang napatalon sa gulat si Zion, ang pamumutla'y nawalan ng kulay. Mas takot na takot pa ito kaysa sa ginawa kong pananakot sa kanya.
"Linawin mo..." Hinihingal na para bang tumakbo nang napakalayo. "Maraming Montecarlo?"
"Don't touch me!" Sabay tulak kay Dandreb.
Umiling ako. "Wala 'no! Wala talaga! 'Yong lips lang namin 'yong na-virginan pero virgin pa ako sa baba! Promise!"
Gustuhin man akong pagtuunan ng pansin ni Zion, ipinagkibit balikat niya 'yon. "Kasalanan mo pa rin 'to!" Sabay duro sa akin. Namutla't kumaripas ng takbo palayo sa amin.
Bakit?
Nagkatinginan kami ni Dandreb. "Ang bango ng pawis! Hmmm!" Muli na namang nagtaasan ang aking balahibo. Nanlalaki ang mata habang natutunghayan kung paano niya lamutakin 'yong patuyong pawis ni Zion sa daliri.
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...