Kabanata 3

7 0 0
                                    

Akin.
    

Lumipas ang linggo ng hapon at ngayon ay maggagabi na. Gigising na naman nang maaga bukas para pumasok. Hay, buhay.

  

Amber Montecarlo blah blah blah... Like.

   

Like ulit. Isa pang like. Sinunod-sunod ko na para wala s'yang masabi sa akin. Mautak din ang isang 'yon dahil hindi niya kinalimutan na may utang akong five likes sa kanya?

  

Amber Montecarlo blah blah blah...

   

Shit! Ang gwapo! Nawili ako sa kaka-stalk ng timeline niya kaya't hindi ko namalayang lumagpas nang five likes ang isinukli ko. Sa una'y iritang-irita ako sa mga post niya subalit ng usisain ko ito'y hindi naman pala nakaka-boring. Napapangiti ako sa kababasa ng comments. Ang daming humahanga kay Amber. Hindi ako mabilis magkagusto sa mga artista, at mas lalo naman sa may kinalaman sa sports. Ngayon lang! Nagwa-gwapohan talaga ako sa basket bolistang ito. Ang tangkad! 'Yong height, Letsi! Yummy, Bes! May picture pa na kita 'yong abs, iba ang dating kung ikukumpara sa ibang ka-team mates niya. Pwedeng mag artista! 😍😍😍
 

Simula ngayon ay manonood na ako ng basketball.

  

Para s'yang koryano. Attracted pa naman ako sa mga mapuputi... Speaking of maputi, maputi din si Zion, 'di ba?
 

Ibig sabihin ay attracted din ako sa kanya?

 

'Di bale na nga.

  

Ni hindi ko namalayang inubos nito ang bakanteng oras ko kaya't nakatulog ako. "GUMISING KA NA!"

   

Umungol ako.

  

"GISING, LATE KA NA? ANONG ORAS NA?!"

"Ma! Ano ba? Natutulog 'yong tao e!"

"E KUNG HINDI KA BA NAMAN NATULOG NANG GABING-GABI?!"

"Matutulog nang maaga, tapos gigising ng maaga! " Gano'n nalang ba lagi? Ha?

"TAMA NANG ARTE'T MAG ASIKASO KA DO'N!"

  

Aga-aga.

   

Kahit mabigat ang aking katawan ay nag asikaso ako. Humihikab na lumabas sa aming bahay, at sa pagdilat ng mata'y nawindang ang diwa ko't nagising dahil sa pagsulpot ni Zion sa harapan ng aming bahay.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?"

"Fetching you."

"Ha?" Ano daw? Lalim e?

Sinamaan ko siya ng tingin. Humigpit nang hawak sa aking palda. 'Di kaya'y nandito siya para kunin ang aking panty?

"Ah. Sige... Una na ako." Sabay ngiti.

"Saba---"

"Ah. May kukunin ako sa sampayan."

Tumango ito't umalis sa dadaanan ko. "Tumalikod ka muna." Sinunod naman nito ang gusto ko.

Dali-dali kong tinalon ang sampayan at nakanang! Nahulog pa talaga sa sampayan 'yong panty ni mama! Tiningnan ko ito't nabahiran ng ilang dumi, pinagpag ko ito't wala na. Isinilid sa aking bulsa't sumabay sa kanyang paglakad.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon