Mangha.
Nagmamadali man, hindi halatado sa aking lakad ang malalaki nitong hakbang gamit ang maliliit na binti. Nasa kalagitnaan pa lamang ng daan patungo sa pila'y bigla na lamang nagsimula ang pambansang awit.
Naghintuan kami.
Sayang! Hindi ako nakaabot! Inilagay sa dibdib ang kanang kamay at nakisabay sa pag awit ng lupang hinirang.
Nang matapos ay hindi ko na naitago pa ang pagmamadali. Hinihingal akong nakipila sa huling linya dahil kami nga ang huling section, Kaya't nasa tamang lugar lamang ako.
Bukod sa late ako, iniisip ko talagang malas ang simula ng linggo ko... Kung hindi lang dahil sa pagsulyap sa akin nang maputing Montecarlo, aakalain ko talaga.
Nanlaki ang mata niya't mabilis na umiwas. "Fuck!" Kung ano-ano pang sinasabi nito subalit hindi ko na marinig dahil nasa linya siya ng mga lalaki habang ako'y nasa pangbabae. Gayunpaman, Magkatapat lamang kami.
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki habang nakatingin sa harapan, kung saan ay himno ng lungsod ang kasalukuyang kinakanta. Ang saya ko'y damang-dama dahil maging ang ilan naming schoolmates ay napapatingin sa lakas ng pagkanta ko. Panakaw-nakaw na tingin, inis itong bumaling sa kabila kung saan ay wala nang estudyante dahil kami nga ang last section. Buong flag ceremony'y doon lamang siya tumingin.
Nang magsimula nang mag martsa ang section 1 ay saka lamang siya humarap sa amin dahil makakasalubong niya ang mga classmate niya.
"Late ka din 'no?" Ngumiti ako.
Umirap ito. "Pero mas late ka." Abah. Napapadalas ata 'yong sagutan namin? Iniisip kong magiging cold, snob at distant ang mga gaya n'yang crush ng bayan, nagkamali ata ako.
Pfft!
"Para ka talagang tanga!" Bulyaw niya habang ang mata'y hindi mapakali na inaabangan ang pagdaan ng mga kasamahan niya.
Hinawakan ko ang kamay nito na ikinalaki ng mata niya. "Pakiramdam ko'y abot kamay na kita." Sabay bungisngis ng ngiti.
Inalis ang aking kamay. "Hindi ko gustong hinahawakan ako ng kung sino-sino."
"Kahit hawak na nga lang, ipinagdadamot mo pa?"
Nagtaray ang kilay. Napatakip ako ng bibig.
"Sa susunod... Itago mo 'yang kilig mo sa akin, nagmu-mukha ka talagang tanga!"
Huling irap at sumunod sa pila ng huling classmate niya bago mag section 2.
Bago tuluyang mawala sa paningin ko'y sumulyap siya.
Napatulala ako.
"Malala na kayong dalawa." Dandreb.
"Ang gwapo niya!" Kinikilig kong sabi.
"Kailangan may tulala talaga?" Inis akong bumaling sa kanya, ngumuso ito sa lalaking tumabi sa akin.
Kagaya ko'y nakatulala rin ito.
Sinubukan kong tusukin ang braso, tanging sagot lang ang isinukli. "Magkahawig nga sila ni Amber..." Wala sa sarili n'yang sabi. Ako naman ang umirap. Mukhang bumabalik na siya ha? Amber Montecarlo na ang bukambibig niya. "Fuck! Bakit ngayon ko lang napansin 'yon?! Name sa account niya! "
"Malamang, magkapatid e." Sabay iwan sa amin ni Dandreb.
Huli kaming nag martsa papasok sa klase. Mabuti na rin at ilang minuto din ang nasayang.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...