Kabanata 13

5 0 0
                                    

Ginamitan ng utak.

Tamad akong pumasok sa room pero bigla akong nabuhayan nang wala akong makitang mga lalaki bukod sa kasama kong si Dandreb at Zion.

"Anong meron?" Inosenteng tanong ni Dandreb kaya't tumingin din sa amin ang mga kaklase naming babae. "Argh! Huwag n'yong sabihin na P. E. pala ngayon at required ang mga lalaki?"

Hindi sila sumagot subalit itinuro nila ang labas.

Mahinang palo ang ginawa ni Zion kay Dandreb. "Baka tayo nalang ang hinihintay?"

"Malas!" Pagalit na sambit ni Dandreb.

Lumabas na nga ang dalawa't hindi ako sumunod. Saktong kau-upo ko pa lamang ay biglang pumasok si ma'am.

Nagtaka ako.

Kumunot ang noo nito't sinuri ang klase namin. "Nasaan ang mga boys?"

"Sa labas po, Ma'am."

"Labas? Anong ginagawa nila sa labas?" Hindi ako umeksena. "Mag ka-cutting?"

Lumabas ito at sumilip sa ibaba habang nakahawak sa bakal na harang. Walang pasabing umalis si ma'am, Marahil ay bababain ang mga kaklase naming lalaki. Nagtaka ako na maging ang mga classmate namin ay tumingin sa labas. Para bang nakakita ng artista kung maghabol. Ako ang huling lumabas, pero laking gulat ko nang makita ang mga classmate naming lalaki na nagpupulot ng kalat! Kalat na si Floyd ang may pakana!

Anong nangyari?

Bakit nila pinupulot 'yong kopya ng grades ko?

At isa pa'y dapat si Floyd 'Nagtataray na kilay' Montecarlo ang maglinis no'n at hindi sila!

"Babain natin!" Nagpaunahan sila sa pagbaba.

Masyadong pabebe ang mga galaw nila kaya't naunahan ko silang lahat na ikinagulat nila.

Ilang minuto lang ay nasa baba na ako. "Sabi sa'yo e!" Humarap na rin si Zion. "Ang liit-liit niya pero ang bilis tumakbo!"

Silang dalawa lang ang hindi nagpupulot.

"Bakit sila ang naglilinis n'yan?" Tanong ko kay Zion na kanina pa tahimik.

Si Dandreb ang sumagot. "Napanood nila 'yong interview kay Floyd sa t. v."

"Ah! Kaya sila naglilinis ay dahil nalaman nilang kapatid siya ni Amber Montecarlo!" Tumango-tango ako. Ang talino ko talaga.

"Hindi lang dahil sa kapatid niya si Amber, Bash." Sambit ni Zion.

"Buti naman at nagsalita ka na. Pero bakit nga?"

"Kalat na kalat na sa buong school ang balitang Sepe pala si Floyd."

"Sepe?"

"Floyd Sepe Montecarlo, facebook name niya. Ngayon ko nga lang nalaman na Sepe pala si Floyd at dahil magkapatid sila ni Amber, Sepe din pala si Amber Montecarlo."

"Hindi ko maintindihan?" Ipinatong ang dalawang balikat sa akin.

Ibinaba naman ni Zion.

"Alam kong bobo ka sa mga bobo, Bash. Pero hindi mo talaga kilala ang mga Sepe?"

"Ang sama nito! E ikaw nga, napagkamalan mong P. E. ngayon, 'yon pala'y math subject!"

"Seryoso na."

"Sino bang nagloloko rito?"

"Ultimate crush mo, hindi mo alam? Para kang si Zion, 'Yong una'y nagulat nang malamang magkapatid pala si Amber at Floyd... Tapos ngayon ay Sepe pala siya, na mas nakakagulat sa lahat "

"Bakit sino ba sila?"

"Isa sila sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa bansa, Bash. Kilalang-kilala ang angkan nila rito dahil sa matandang si Don Sepe, na lolo pala ni Floyd. Si Don Sepe ang may pinakamalaking shares sa school na ito. Hindi man tumakbo bilang politiko, mas malakas ang kapit niya kaysa sa presidente basta't yaman ang pinag-uusapan. In short, Langit si Floyd, Lupa ka!"

Tumalim ang tingin ko.

"First section sila habang last section ka naman, ang layo-layo 'di ba?"

"Tigilan mo na 'yan, Dandreb. Para mo na ring sinabi sa kanya na malabong maging sila."

"Talaga? 'Yon ba ang ibig n'yang sabihin?"

"Ang ganda mong tanga. Pfft!"

Tinadyakan ko siya subalit nakaiwas siya.

"Mayaman siya. Mahirap ka."

"HU U KA SA'KIN KAPAG TUMALINO AKO!" Sigaw ko.

Nagtawanan ang mga nasa paligid ko. Mahirap ba talagang paniwalaan? Ha? Mas malakas pa kayo maka-down e! Ipinagpatuloy nila ang paglilinis. Saglit nalang 'yon dahil sa dami nila at tumulong na rin 'yong iba kahit labag sa loob nila para lang makapag-umpisa na ulit ng klase.

Imbis na tumulong, tumalikod ako.

Umuusok na ilong habang mabibigat ang paa palayo sa kanila. "Hoy, Bash! Tumulong ka dito!"

"AYOKO! "

"GRADES MO PURO PALAKOL! BWAHAHAHAHA!" Nagtawanan sila.

Nakakahiya dahil halos buong sambayanan ng school na ito'y alam na alam ang grades ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagustuhan ko ang pangalang Bash Tucson, dahil halos karamihan nang hindi kilala ang mukha ko, Iniisip na LALAKI AKO! Yes! Lalaki ang pagkakaalam nila kaya't para bang hindi na big deal 'yon, 'yong iba'y pinagtatawanan sa magandang paraan ang mga grades ko.

Nakakaloka raw.

Ang talinong bata.

Na alam ko namang kabaligtaran, pero kahit papaano... Naibsan nito ang balak kong pagmumukmok sa bahay kaysa mag cutting.

"Present!" Sabay taas kamay.

Tumawa ang ilan. "Bakit ka kaya 75 e pumapasok ka naman?" Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay at ngumuso. "Wala ba talagang pumasok kahit isa? Ha, Ija?"

"My gas." Mahina kong angal.

"My gas? Baka 'My gosh'?" Mahinang tanong ng katabi ko.

"E gusto ko, My gas. Pake mo ba?" Palihim itong tumawa.

"Hindi lang dapat ganda, Bash Tucson. Alam mo bang maraming nagtatanong sa'yo kung sino ka?" Pagle-lecture ni ma'am.

"Oh my gas! "

Tumawa silang lahat. Nahiya ako't yumuko dahil mali pala ang nakalap kong impormasyon. Hindi ako na-inform na tinutugis na pala nila ako. My gas, Talaga.

"Saan gas?" Mahinang singit ni Dandreb. "Wala namang amoy gas ha?" Umirap ako.

"Ano pong meron sa kanila, Ma'am?" Tanong ni Zion kay ma'am. Siya lang ang may lakas na loob na tanungin si ma'am. Ayos lang din kay ma'am dahil si Zion ata ang favorite student niya sa room namin.

"Interesado sila." Hala! "Tapos nang makita siya nila, gandang-ganda sila sa kanya."

Uminit ang pisngi ko.

"Damn!" Mahinang mura ni Zion.

"Ang liit-liit mo raw? Cute. Pero sayang ang ganda mo. Ang tunay na maganda'y meron dapat nito." Sabay turo ni ma'am sa ulo niya.

May ulo din naman ako ha?

Anong meron sa ulo niya na wala ako? Parehas naman kaming may buhok? May utak? Ang pinagkaiba lamang namin ay maganda ako, kasasabi niya lang, habang siya'y... Ah? Matandang dalaga? Chos.

"8 x 8? "

Bigla kong inilabas ang dalawang kamay. Ipinagdikit ang parehas na hinlalaki. Binilang ang mga daliri sa ilalim nang magkadikit na daliri, kasama na 'yon syempre... Bilang tig-10 ang value ng bawat isa. Bale 60 sa ibaba habang may natirang 4 na daliri sa itaas. Pinag-times ko naman ang magkabilaan hanggang sa lumabas ang 4 (2 x 2 = 4), So bale 4 + 60 is equal to 64. 64 ang tamang sagot sa 8 x 8!

Ngumiti ako.

"Hindi ko ginamitan ng calculator 'yan!" Proud kong sabi.

"At hindi mo rin ginamitan ng utak."

Ouch.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon