Every part.
"Anong nangyari d'yan?" Tukoy niya sa sugat ko sa ulo. Habang salubong ang makapal nitong kilay. Umiwas ako ng tingin habang hindi pa sumasabog sa inis.
"Anong pake mo?"
"Pake?" Nahuli ko s'yang ngumisi. "May naalala lang ako."
See? Wala s'yang pake! Inangasan ko pa lalo ang mukha't hindi tumingin sa kanya, ramdam ko ang titig nito sa akin kahit pa maingay sa loob ng restaurant nitong hotel. Favorite place, E?
Kung sakaling magkaanak ako'y sasabihin ko sa kanyang ginawa ka namin sa five star hotel ng tatay mong kakilay ni angry bird, 'yong pula mismo. Makapal kilay no'n e at palaging salubong na animo'y galit na galit sa mundo.
"Ano naman 'yon?" Sabay nguya sa steak na inorder niya.
"Nasapol kita ng bola sa ulo noong highschool pa lamang tayo..."
Ngumuya ako't tumingin sa kanya. Abala na ito sa paghihiwa ng steak ngayon sa aking plato't kinuha niya pa ang sa kanya at inilipat sa plato ko.
"May magic atang nangyari kaya't bigla ka na lamang tumalino?"
"Baka naman kasi matalino talaga ako?" Sabay tusok sa hiniwa niya. "O baka kulang kalang sa tiwala sa akin?"
Huminto ito.
"Paano kaya kung sakaling ma-bobo ka ulit?" Aba't tarantado 'to!
Padabog kong kinuha ang buong plato sa kanya. Itinabi naman nito ang kutsilyo sa ibabaw ng blankong pinggan niya. Inis kong nilamtakan ang mga kapiranggot pero mamahaling putahe. "Kapal mo! Hindi mangyayari 'yan! Matalino na kaya ako ngayon!" Doon ko nalang ibinuntong ang galit, Kahit na siya naman talaga 'yong kausap ko.
"Sabi mo e." Nagkibit balikat. "Mukhang bumabalik na 'yong babaeng patay na patay sa akin ha?"
Nabulunan ako sa pagkain. Mabilis n'yang kinuha ang tasang may laman ng wine. Sumalakay ito sa aking lalamunan at nang makaluwag ay sinamaan ko siya ng tingin, Imbis na mag thank you.
"Ha!" Pekeng tawa ko. "'Yan ang pinakahindi mangyayari sa lahat! Ha! Alam mo, Floyd. It's too late for you. Nag aaksaya ka lamang ng oras sa kakasuyo sa akin gaya nang pagsuko ko sa'yo." Hindi ito natawa. Nawala rin ang humor sa aking sistema't naiiyak na bumaling sa kanya. "You leave." May panghihinayang sa aking boses. Umigting ang panga nito't sumandal sa upuan. "And i wake up na galit na galit pala sa'yo." Pumikit dahil hindi nagustuhan ang aking sagot.
Nawalan ako ng gana sa pagkain. Inayos ko na lamang ang aking bonet at iniwan s'yang nag iisa sa may malaking mesa subalit dalawang upuan lamang ang makikita.
Imbis na dumiretso sa trabaho'y tinungo ko ang lugar na hindi ko na nadalaw pa sa napakahabang panahon.
Pumikit ako't narinig ko ang tinig ni Addis sa parehong salita...
"Sa loob ng ilang taong pagmatyag namin sa'yo... Ni minsan ay hindi ka pa namin nakitang umiyak?" Kumirot ang aking puso't bumuhos na naman ang mga masasaganang luha. Imbis na mainis dahil wala itong tigil ay natuwa pa ako.
Dumilat at humakbang papalapit sa kanilang dalawa.
"Kahit noong mawalan ka nang magulang ay hindi ka man lang umiyak? Ni... Isa."
Ipinangako ko sa aking sarili na babalik ako rito pero inabot ng mga taon, at 'yon ay dahil sa naging manhid ako nang napakahabang panahon. Hindi ako humarap sa kanila, Ngayon na lamang din. Tiniis ko sila dahil hindi ko pa rin nababawi 'yong bagay na ipinagkait sa akin ni Floyd at nagawa niya pang bitbitin sa ibang bansa... At 'yon ay ang kakayahan kong umiyak. Hindi ako umiyak noong kamatayan nila. Ni isang luha, Walang pumatak! Doon ko napatunayan kung gaano na nga ako kamanhid noon.
Sinubukan ko pa ngang saktan ang aking sarili, hindi lang isang beses! Maraming beses pa! Na-depressed ako't naging uhaw para maging valedictorian noon at naging suki na rin ng hospital. Nakulitan na nga sila sa akin e, Pero sa huli, hindi ako 'yong nakaratay sa dating hinihigaan ko noon. Sila.
Nanghina ako't sunod-sunod ang pagpapakawala ng mga luha. "Ma... Pa... " Hindi ako umiyak noon at hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi naibubuhos sa kanila kung gaano ako manghihinayang at pinatagal ko pa ang pagbalik "N-Nakakaiyak na po ako ngayon."
Maging ako'y nasaktan sa tono ng aking boses, mahina't nasasaktan.
"Nakakaiyak na po ako ngayon." Nabasag ang boses ko't hindi ko na kinaya pa't nagpatirapa na rin sa kanilang tabi. "K-Kasi po... Bumalik na po siya."
Humikbi. "Bumalik na po 'yong lalaking mahal na mahal kom" Pumikit at tinakpan ang mukha. "Gustong-gusto ko po siya. Sa paglipas po nang panahon... Hindi po totoong mas nangingibabaw 'yong galit sa akin, Ma, Pa. Sa halip, mas minahal ko pa po siya. Mahal na mahal ko siya. A-Ano pong gagawin ko? D-Dalawang beses ko po s'yang tinanggihan?"
Ang hikbi ko sa tahimik na lugar ay lumakas. Mas lumakas pa lalo din ang aking loob para humagulgol dahil gusto kong ilabas 'yong mga bagay na hindi ko masabi-sabi ng harap-harapan kay Floyd.
"Ano pong gagawin ko?" Panay din ang ginawa kong pagpunas na hindi idinidilat ang mata. "P-Paano kung sumuko na siya? Paano kung... Paano kung hindi niya talaga ako mahal?"
Sa bigat ng loob ko'y padapa akong humiga. Ginawang unan ang dalawang braso't nagpatuloy sa pag emote.
"Gusto ko siya, Ma, Pa. Gustong-gusto ko po siya pero hindi ko po alam ang gagawin? Nagbla-blangko po ang aking isipan. Hindi ko po alam kung saan magsisimula, natatakot po ako."
Nakarinig ako ng yakap na huminto sa aking tapat.
Hindi ko muna ito tininghala sa halip ay itinigil ko muna ang pagpapakawala ng mga hikbi. Pinipigilan ang sariling huwag maka-distract sa iba pang dadalaw.
"Don't be quick to draw conclusions. And Bash, I am here." Kumirot ang aking puso.
Mugto ang aking mata nang tinghalain ko siya.
Nag alok ng kamay. Nasasaktan na naman ako sa aking naiisip. "K-Kailan mo ba ako sinalo noong hulog na hulog ako sa'yo, Floyd?" So unfair! Bakit kailangang ako 'yong pinakanasasaktan sa aming dalawa? Dahil ba sa ako lang 'yong patay na patay sa kanya? "Ni minsan... H-Hindi mo sinalo ng mahigpit 'yong kamay ko?" Aangat pa lamang ang aking kamay ay sumuko ka na, Palagi mo 'yong pinaparamdam sa akin at hindi ka man lang pumalya.
Nag igting ang panga nito.
"I'm sorry." Sinampal ko ang kamay niya sa ere.
Kita sa mata n'yang uminda rin siya ng sakit, 'Yong sakit na malalim at hindi ng physical pain.
Buong tapang na pinunasan ang luha kahit sa loob-loob ko'y ikamamatay ko kung sakaling mawala ka pa ulit sa aking paningin. Iwan mo ako, Dahil sinisiguro ko sa'yong wala ka nang babalikan pa kahit kailan. "Even if i know that it's going to hurt me, I am more than willing to wait for someone who'll make all the pain worth it. Sasaktan mo ba ulit ako?"
"Then do the same thing over and over again and we will deserve something that we keep on doing, Linggit. This is me giving you a favor?"
Pakiramdam ko rin ay ang dumi-dumi ko sa kanyang harapan kaya't ang hirap paniwalaan na inaalok niya ako ng bagay na matagal ko nang gustong makuha.
"I'm giving you the right to own every part of me." Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi makapaniwala sa aking narinig.
"Every part of you? Blankong expression ang sunod kong ipinakita sa kanya. "Kung gano'n? "Hirap na tuminghala bago pakawalan ang pasabog. "Makipagtalik ka ulit sa akin? Let me feel that you're mine tonight. Feel and taste every part of you because... Every. Part. Of. You. Is. Mine."
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
MizahWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...