Kabanata 11

3 0 0
                                    

Deal.

Napahinto ako sa paglalakad. Tumingin sa pagawaan ng tv. Nakuha ni Amber Montecarlo ang atensyon ko dahil naalala ko sa kanya si Zion. Walang ibang bukambibig noon si Zion kundi puro Amber Montecarlo. Lahat nang may kinalaman kay Amber Montecarlo ay updated siya.

Iniisip na sa mga oras na ito'y baka parehas siguro kaming nanonood nang kapapasok lamang na balita tungkol sa iniidolo n'yang basketbolista.

Puro pictures ni Amber at ang sinasabi nilang girlfriend daw kuno niya ang laman ng balita.

Hanggang sa sumulpot si Amber Montecarlo sa video... Sa unang tingin lamang, ang buong atensyon mo'y mapapadpad kay Amber pero kung mata-linaw ang iyong mata'y may makikita ka pang iba pa. Bumilis ang aking pagpintig ng aking puso nang mahagip din ng camera si Floyd. Wala nang bahid ng pasa't ang gwapo sa camera.

Pinalibutan siya ng mga reporter.

Pero ang mas nakakawindang sa lahat...

"It is how he or she deals with them that gets my admiration. What's also important is how you respond to hate when it's thown at you, especially when it's unjustified and undeserved. Hindi maiiwasan ang mga basher lalo na sa mga sikat. Just respect each other with grace and dignity despite all the undeserved hate being thrown at them. Sabrina Samaniego is a friend... She's special because she's a girl. Isipin din sana nila na babae ang binabastos nila. Sasalamin kasi 'yon sa pagkatao ng isang tao kahit na hindi naman nila ito kilala. They totally forgetting about values and manners. Kung ano man 'yong namamagitan sa kanila ni kuya Amber. It's a personal matters, thank you! " Floyd.

KAPATID NIYA SI AMBER MONTECARLO!

FOR REAL?!

FOR REAL?! Napanganga ako. Hindi makapaniwala sa balitang napanood. K-Kapatid niya si Amber Montecarlo! Y-Yong idol ni Zion! OMG!

Hindi ako makabuo ng salita. Wala akong masabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ang daming Montecarlo sa mundo't isa pa talaga siya sa mapalad! Kung nandito lang si Zion ay sa tingin ko'y magseselos 'yon! Selos? Siya, magseselos? Baka nga mainggit pa siya. Humanga?

Agad kong inilabas ang aking cellphone. Tumungo sa wall ni Zion at active siya ngayon!

Walang kahit anong post about Amber Montecarlo, siguro'y dahil si Floyd ang nagsalita kaya hindi siya interesado, pero imposible! Lahat nang may kinalaman kay Amber ay affected siya! Ultimo OOTD ni Amber ay pino-post niya rin.

Hindi ako naniniwalang hindi niya 'to napanood.

Alam kong alam niya 'to!

Magtitipa sana ako ng mensahe sa messenger nang mag calling ito.

Nag alinlangan pa nga akong sagutin ito dahil wala talaga akong masabi dahil sa nalaman. Gayunpaman sinagot ko pa rin.

"Bash?" Lumunok. "Gusto kita." Pumikit ako. Alam ko, Zion. Kasasabi mo lang kahapon at iniisip ko pa ngang may sama ka pa rin ng loob kaya ka umabsent sa kauna-unahang pagkakataon. "P-Pero mas gusto ko si Amber Montecarlo."

Pwede ba 'yon?

"Tuwa ang naidudulot ng pagmamahal ko kay Amber, habang 'yong sayo'y kabaligtaran."

Hindi pa rin ako sumagot. Pinaypayan ang sarili dahil naloloka talaga akong kausap 'tong straight guy na ito pero baliw na baliw sa kapwa lalaki. "S-Sana'y naging Montecarlo nalang ako? Sana'y naging kapatid ko rin siya? Sana'y ako nalang siya?"

Inggit?

"Lahat ng may kinalaman kay Amber Montecarlo, gusto ko rin, Bash. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon akong hindi nagustuhan... Bakit siya pa? Bakit sa kanya ka pa nagkagusto?"

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon