#HeartOverHate.
Inaasahan ko na galit ang mananaig sa aking kalamnan sa muli naming paghaharap.
"Sinong Montecarlo ang gustong makipagkita sa kanya?" Addis.
Hindi siya sinagot ni Belo Horizonte.
Maging ako'y hindi rin nakapagsalita. Nanatiling tikom at nakikinig lamang sa mga salitang lalabas sa kanilang mga bibig.
"Si Don Sepe at ang isa raw sa apo niya sa mga Montecarlo ang gustong makipagkita sa kanya?" Tumingin sa aking mata't nakipagtitigan.
"Hindi ba dapat ay sa precinct natin sila pagharapin?"
"I don't know?" Tumingin kay Addis. "Mayaman sila hindi ba? Hindi naman siguro sila dirty family?"
"Wow! Dirty? E halos lahat ata ng mga kabaryo ko'y patay na patay sa bawat lalaking myembro ng pamilya nila."
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Kilala ang pamilya nila bilang isa sa mga kinatatakutang pamilya sa bansa... Ito 'yong second time na humingi sila ng tulong sa ating mga pulis?" Napaisip silang dalawa.
Sa totoo lang ay hindi ako natakot, walang dahilan para matakot ako. At kung iniisip mong magsisisi ako sa aking mga kasalanan... Hindi. Hinding-hindi ko pagsisihan ang aking mga katarantaduhan.
"Kailangan muna ng appoinment bago makipagkita sa akin. Lalo na kung wala namang mahalagang dahilan."Ipakulong niyo, kung gusto n'yong ipakulong, wala akong paki! Kayo na mismo ang nagsabi na matalino ako, hagawin ko ba ang lahat ng ito kung hindi ko alam ang mga maaring maging kaparusahan ko? Alam ko! Kung ilang taon ang pagkakabilanggo ko, kung magkano ang aking multa, alam ko lahat 'yan. Hindi ako 'yong tipo nang tao na putak lang ng putak at hihingi ng kapatawaran sa bandang huli. Alam ko ang mga maaring maging epekto ng lahat ng ito't handa na ako.
Inaantay ko na lamang 'yong moment na mabubuking nila na ako nga 'yong taong matagal na nilang pinaghahanap.
Ang pagbagsak ko na lamang sa lahat ang aking pinakahinihintay - 'Yon lang at hindi ang ibang tao.
"Masama ang kutob ko." Mahinang bulong ni Addis. "Isa pa. Tama siya. Kung hindi nila dinaan sa atin at sa..."
Hanggang sa matanaw na nga namin sa 'di kalayuan ang isang nakatalikod na lalaki.
Napahinto ako sa paglalakad.
Mas lalo pang sumama ang aking timpla. Pinakiramdaman ang aking sarili kung apektado pa rin ba ako sa kanyang presensya pero wala? Wala akong maramdaman! Wala 'yong excitement na nararamdaman ko sa t'wing nakikita lamang siya. Wala na 'yong dating pakiramdam. Gano'n na ba talaga ako kamanhid?
Nasaan na 'yong galit na kani-kanina lamang ay ipon-ipon ko? Nasaan na 'yon? Hindi ko mahugot, wala talaga akong madama.
Nagsimula akong mataranta.
"Hindi tama 'to." Muli na naman akong natangay sa aking malungkot na mundo.
Walang paki sa paligid at mas inintindi ang tunay kong kalaban. Hindi ba dapat ay galit ka sa kanya? Hindi ba dapat ay pinapatay mo na siya sa iyong isipan? Nand'yan na siya! Fuck! Wala akong maramdaman! Gusto kong magalit! Fuck!
Nang makabawi'y tumingin silang dalawa sa akin. Malalalim na buntong hininga. Naalarma ako dahil wala akong maramdaman.
"Natatakot ka ba?" Tumingin kay Ms. Horizonte. Umangat ang labi nito dahil sa emosyong napuna niya sa akin.
Ni hindi ko man lang napansin na pawis na pawis na pala ako.
Asan na 'yong tapang?
Nawala na rin ba? Huminga ng malalim. Pinakalma ang sarili't walang emosyong tumingin sa kanya. "Mas natatakot ako sa aking sarili."
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...