Kabanata 33

10 0 0
                                    

Matters.

"Hahanap ako ng ebidensyang isa ka ngang cyberbullies, Bash Tucson! " Belo Horizonte, Isang police woman.

Noon pa man ay mainit na talaga ang mata sa akin nang babaeng 'yan. Hindi ko alam kung bakit? At kung paano niya ako nakilala?

Basta't isang araw...

Pagkatapos na pagkatapos ng graduation ay nagpakilala siya. Simula no'n ay hindi na talaga naalis ang pagdududa niya sa akin.

"Bakit ko naman dudungisan ang pangalan ko?" Buong tapang kong tanong.

"Hindi ko alam? Sa ngayon. Pero malalaman at malalaman ko pa rin ang dahilan kung bakit ka nangugulo, Bata!"

"Maliit lang ako pero halos magkasing edad lang tayo."

Maangas niya akong tinalikuran. Hindi ininda ang pagkapahiyang aking natamo, wala din naman akong pakialam kung nasa watchlist nila ako... Hangga't wala silang nalalaman na ugnayan ko kay Sabrina Samniego'y mananatili ang tingin nila sa aking isa akong valedictorian, matalino. At kapag matalino ka'y hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mong mali dahil nga matalino ka. Sa sobrang taas ng expectations nila sa akin, ganoon naman kababa ang sa kanya. Hindi ko alam kung naiingit ba siya o ano? Wala din naman akong ugnayan sa kanya e? Basta't sumulpot nalang s'yang bigla na dinaig pa ang possesive na boyfriend.

Yuck!

"You deserves all the hate, Sabrina Samaniego! Sampalin kita d'yan e!"

"Guess what? Nakita kita sa mall kanina. Sa susunod na makita kita'y hindi na ako makakapagpigil pa't sisigurin kita!"

"Saksakin kaya kita d'yan? Ang landi mo! Hindi ka nararapat sa kahit kaninong Montecarlo!"

Mura dito. Mura doon.

Normal na kaganapan sa mga computer shop kung saan ang kadalasang mga suki'y mga batang kinain na nang sistema ng paglalaro.

Kung dati rati'y gusto ko nang katahimikan... Gusto ko na 'yong ganito. 'Yong mundo kung saan ay may sari-sarili kaming mga mundo. Walang makakapansin sa akin. Walang makakapuna sa kung ano-anu man ang aking mga pinaggagawa... Walang sisita.

"Siguro'y hindi mo na naalala pero nagawa na kitang saktan, Sabrina Samniego"

Ngumiti ako ng palihim ng mag reply ito. "Tantanan niyo na ako kung wala kayong magawa sa mga buhay niyo!"

"Hindi mo na siguro naalala pa pero tandang-tanda ko pa, sa isang palengke kung saan ay pinagbabato ka ng mga itlog. Hinagisan pa nga kita ng tubig at harina."

"NAPAKASAMA MO TALAGA! MALAKAS ANG LOOB MO DAHIL NAKA-DUMMY ACCOUNT KA, ILABAS MO 'YANG MUKHA MO'T HARAPIN MO AKO! HUWAG KANG MAGTAGO SA LIKOD NG COMPUTER?!" Nai-imagine ko na 'yong umuusok n'yang ilong sa galit kaya't mas lalo akong napapangiti.

Inutusan lamang akong bumili, hindi sinasadyang nakita ko siya ng personal. Imbis na mamangha'y nagdilim ang paningin ko't hinagisan siya ng tubig na gagamitin sa panlinis sa pwestong magsasara na. At 'yong harina... 'Yon 'yong pinabibili sa akin ni mama noon.

Noon 'yon... At ito na ako ngayon, na sa mga social sites para makapanira ng huwisyo nang isang tao. Isang taong walang kinalaman sa akin subalit may malalim na ugnayan sa aking nakaraan. Via email man 'yan, facebook, tiktok, youtube, any social account. Iba-ibang pangalan. Iba-ibang pagkikilanlan subalit mga walang mukha. Iisa ang nagpapagana. Kung ano-ano na ata naisip ko't kahit iyong mag se-send ka ng message sa tao with specific dates, nagawa ko na. Para lang hindi mahuli. Inaral ko lahat 'yon. Malaya kong nasasabi ang mga gusto kong sabihin! Malaya kong naipaparating ang aking mga hindi nagugustuhan nang walang makakaalam sa tunay kong pagkatao, nagagawa kong gawin ang mga bagay na hindi ko magawa sa real account ko, nagagawa ko na walang magdidikta sa akin. Sa mundong ako lamang ang nakadadama, nagagawa ko na ring iparamdam sa ibang tao 'yong mga naranasan ko kabilang na doon ang pangmamaliit. Kung dati-rati'y ako ang minamaliit, ako na ang nanghahamak ngayon sa pagkatao ng ibang tao. I am brave... Behind the screen. Tss. Bukod sa saktan siya ng personal, isa na siguro sa nagpabaliw sa kanya ay noong nagpanggap akong siya. Kinamuhian din siya ng ilan. Sa online world, pinaratangan siya't dinungisan ang kanyang pangalan. Nagawa. Nagawa kong lahat 'yon sa kanya. Naiparamdam ko.

Ngumisi ako't in-open ang original na account sa cellphone.

Nag post ng something copy-paste, yeah, copy-paste. D'yan kasi ako nabubuhay e. Noon pa man. Noong highschool pa lamang ako'y nakahiligan ko na ang pag copy-paste. Galawang pa-fame. Galawang pang-immature. At sinong mag aakala na ang isang gaya ko'y papatol sa mundong ito? Maging online bully.

May isa pa pala akong mundong nakakaligtaan. Sa mundo kung saan ay nakakatanggap ako ng mga likes and emoji. Sa mundo kung saan sikat ka basta't marami kang likers at followers. Hindi sumusweldo pero masaya sa t'wing nakakabasa ka ng mga feedback.

Sa mundo kung saan una nilang tinatanggap ang mga salitang nakapost kaysa sa kung sino ang nag post.

Muntikan ko nang makalimutan. May iniingatan akong pangalan.

Hindi nila ako ma tra-trace. Binalikan ang aking real account na s'yang alibi ko at nag post. Maya-maya pa'y narinig ko na naman ang yapak nilang dalawa. Tumayo ako at dahan-dahang humarap sa kanila. Sa pag angat ng aking tingin ay kasabay na rin ng aking dalawang kamay. Habang siya, ayon at galit na galit na naman.

"Bakit ba ang hilig mong mag computer kung saan-saan?! "

"Where's my privacy, Officers?"

Gigil na gigil man ay pinanatili ang pagiging professional. Nahuli kong bumaba ang kanyang tingin kaya't napangisi ako. "Someone feels so threatened by another's words. Again. Someone should be punished."

"They should be."

"You should be."

"Not me. At hindi 'yon ang punto ko. Akala ko ba'y we have the rights to express our freedom? Hindi ba't parang kalabisan naman ata 'yon? Ginigipit niyo ako't inaakusahan na naman. Kahit saan ata ako magpunta'y naroon kayo. Ayan tuloy, nasasagad ko pasensya niyo. Hindi buo ang araw kong hindi kayo naaasar. Anyway, bawat galaw ko'y kabisadong-kabisado niyo rin lang. Another venue for the next time."

"Trabaho namin 'to!"

"And you can't stop me not to speak up!" Tinaasan ko sila ng boses. "Wala kayong ibedensya na may kinalaman nga ako sa trabaho niyo?"

"Isang pagkakamali lang! Argh!"

Muli ulit s'yang tumingin at sa halip na pagbawalan ay tumabi ako. Senenyasan silang lumapit sa screen ng ginagamit kong computer.

Lumapit naman ang kasama n'yang pulis.

"Usisain niyo ulit kung gusto niyo? Nanonood lang ako ng lakorn." Inip kong sabi.

"Hindi na kailangan." Pag pigil ni Belo Horizonte sa kasama. "Isang pagkakamali mo lang,"

"Gano'n pa rin naman ang lalabas. Wala pa rin kayong makukuha na makakapagpatunay na ako nga 'yong no. 1 cyberbully ni Sabrina Samniego."

"Isa lang ang malinaw. Matalino ka, Bash Tucson. Ginagamit mo 'yang katalinuhan mo para utakan kami. Pero ito ang tatandaan mo?" Tumingin sa kanyang mata na may pagbabanta. Binura ko ang mga pwedeng maging ebidensya at sisiw nalang 'yon. "Hindi kita titigilan!"

Umiling ang kasama nito't nauna nang lumabas. Pagod na pagod na rin ako sa panggigipit niya sa akin. Ayokong pinagbabantaan ako dahil mas nagiging agresibo ang aking pag-iisip at nakakagawa ako ng masama para lamang mailabas 'yong mga hinanakit.

"Baka gusto mong tingnan 'yong last post ko about Cyberbullying nang magkaalam?"

Ngumisi ito.

"Nagkaroon ka ba ng paki about cyberbullying? Inaamin mo na ba sa aming isa ka ngang cyber... Bully?"

"Am i? Untraceable, sis." Nawala ang ngisi niya.

Maangas rin akong tumapat sa kanya. Mas lalo s'yang nainis sa inaasal ko.

"Cyber or not. It's not the bullying that matters but how we react to the bullying that matters." Ngumisi ako. "Tandaan mo 'yan?"

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon