Masakit ang ulo.
"Si Floyd Montecarlo ba hanap mo?" Nanlaki ang mata ko.
Naghagikgikan ang ilang seniors dahil sa aking reaksyon. Para bang natutuwa sila sa aking mumunting pagkapahiya.
Ang isa'y tumuro sa malayong building pero nakaharap sa amin. "Doon ang tambayan ng mga matatalino." Kumunot ang noo ko't napatanong sa isip kung bakit doon e hindi naman namin building 'yon?
"Ang laki-laki po no'n. Saan ko naman po siya hahanapin do'n?" Lumakas ang hagikgikan nila.
"Girl, ano ka ba? Syempre sa library!"
Nang makuha'y tumango-tango ako. "Mahina." Kompliment ng isa pa. Pumalakpak pa sa iba n'yang kasama. "Pero bilib ako sa tapang mo, halos lahat ata'y may gusto kay Floyd Montecarlo pero ikaw lang 'tong naglakas ng loob para halikan siya."
Neheheye eke. My gas.
"At sa harap pa talaga ng lahat." Enebe! Mainit ang aking pisngi ng magpaalam ako sa kanila.
Halos buong school ata'y alam na ang pagkagusto ko kay Floyd kaya't karamihan sa kanila'y napapansin na rin ako. May ilang magtititili sa floor na kanilang kinatatayuan at sisigaw ng... "Idol! Whoa!"
Hindi lang 'yon. "Support!"
Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil kahit ang ilang guro na nakakakilala sa akin ay tinutukso ako. Imbis na ako ang unang bumati'y sila pa talaga ang unang mang aasar sa akin
"Oh, Miss creepy... Nasa library ata si Floyd Montecarlo." Sabay kindat.
Bakit alam nilang nasa library si Floyd at ako lang ata ang hindi nakakaalam?
"Creepy patata po talaga, Ma'am?"
"Ang creepy-creepy mo naman kasing bata ka?" Ginulo lamang nito ang aking buhok. "Takot pa rin sila sa'yo?" Ngumuso na parang may itinuturo kaya't napatingin din ako, bago tuluyan s'yang makaalis. Doon... Sa mismong court din, naroon sila't dinuro ang sariling mata bago itinutok sa akin, hanggang sa mag actions na puputulin 'yong ulo... Sa ibang sabi, lagot ako sa kanila.
Parang natatakot ako? Tss.
Aakma akong susugod nang mag atrasan sila. See? Sila ang mas takot sa akin! Nasa akin pa rin ang huling halakhak at tinungo na nga ang daan patungo sa library.
Tahimik ang floor na 'yon dahil katabi lamang 'yon ng library. Bawat ingay na maririnig mo'y mabilis na masisita dahil talagang ipinagbabawal sa floor na ito ang maingay.
Nakangisi akong umupo sa kanyang tapat. Hindi ito nagbukas ng mata, sa halip ay napahilot sintido ito't para bang may iniindang sakit. Tinitigan ko siya habang ang makapal na kilay ay salubong. Maging ang ilong ay matangos at 'yong lips... Napatakip ako ng bibig. Kinikilig na naman ako sa simpleng pagtitig lamang sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong eksena na magkadikit 'yong lips namin. Ang totoo nga n'yan ay nilagyan ko ng glue ang lips ko't pinalibot sa shapes nito. 'Yon nga lang, hindi nga nabasa no'ng mag toothbrush ako, tinangay ata ng natuyong glue ang naiwan ng lips niya. "Sana pala'y nilamutak ko 'yong lips ko bago lagyan?" Wala sa sarili kong tanong.
Agad akong tumahimik, hindi dahil sa katahimikan ng library kundi dahil kay Floyd.
Agaran itong dumilat at mas lalo pang nag arko ang makapal nitong kilay na may kasamang kulubot. "Damn." Muling pumikit.
Sinubukan kong hawakan ang ulo nito nang muli s'yang dumilat at umiwas.
"Mind your own business, masakit ang ulo ko." Tumango-tango ako.
Inaasahan kong palalayasin niya ako sa pwesto ko o kaya'y lilipat siya ng pwesto, Kasi nga 'di ba... Gano'n 'yong galawan ng mga gustong habulin? Pero hindi nangyari.
Bumaba ang tingin ko sa binabasa niya. Medicine. Gusto n'yang maging doctor?
Ah. Kaya siguro siya napapahilot ng sintido para mawala o maibsan ang sakit no'n. Tumango-tango ako't inilabas na lamang ang aking cellphone dahil wala akong balak magbasa.
Sakto namang may isang post na nakahakot ng aking atensyon kaya't napatakip uli ako sa bibig.
Nahuli ko ang salubong n'yang kilay na may pagtatanong subalit nagpatuloy sa pagbabasa.
Pfft! Natatawa ako sa post na 'to. Ewan ko ba... Gustuhin ko mang i-copy paste sa aking facebook wall... Gusto kong mai-experience in real life, i mean, gusto kong i-test sa totoong buhay kung bebenta din na siya? Itinago ko ang cellphone. Buo na ang aking pasya na gayahin 'yong post sa facebook pero sa totoong senaryo na. Nagpalumbaba ako, pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maitago ang aking pagtawa ng palihim. Namimilipit ako sa tawa't hindi sa kilig.
Inis itong tumingin sa akin at isinarado ang libro.
Bumulong ako. "Masakit ulo mo 'di ba?"
"At bingi ka na pala ngayon? Hininaan ang boses. "Kasasabi ko lang kanina, so please? Don't be annoying. Can't you see that I'm studying and here you are... Pestering me."
"Unti lang 'yong sinabi ko, ang dami mo nang sinabi?" Ngumuso.
Bumuntong hininga't muling ibinuklat ang libro. "Para bang hinihiwa?" Pfft! Hindi niya ako pinansin. Mahina akong humagikgik kaya't napatingin muli ito sa akin. Inis na inis man ay nananatiling tikom ang bibig niya.
Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sabay angat ng kamay para maitago ang bulungan namin sa ibang nag aaral din. "Ako din!"
Umigting ang panga nito sa galit at inilapit sa akin ang mukha. "Ang sakit mo sa ulo. Kahit isang araw lang... Isang araw lang Bash Tucson ay tantanan mo naman ako?" Waaah! Binigkas niya ang pangalan ko sa harapan ko't bigla na lamang nagtayuan ang aking balahibo. Dahil lang sa pagtawag niya'y kinakain na talaga ako ng sistema.
Taka itong tumingin. Nawala ang pagtataray ng kilay. "Bakit?" Pormal na tanong.Hindi mahina, hindi rin malakas. Sakto lang pero hindi ata pwede sa library kaya't napatingin sa amin 'yong iba, sabay baling sa binabasang libro nang umayos ako ng upo.
"Masakit din ulo mo?" Hindi pa din siya umuupo."Hindi!" Nahihiya kong sigaw na nakahakot talaga ng atensyon ng ilan. "Hindi ba't masakit ang ulo mo? Para ba s'yang hinihiwa?"
Tumango ito't namula dahil sa pagkapahiya. "Ako din!" Nagtaka sabay baling ulit sa kanila, nagsimulang mataranta. "May masakit din sa akin... Pero hindi ulo!" Nakikinig man ay sa iba ang tingin nito kaya't inisip kong epic fail ang moves na ito't mapapasama pa siya dahil dito niya napiling mag aral dahil sa katahimik.
"Ha?" Ibinalik sa akin ang tingin.
Rinig na rinig ko na rin ang mabibigat na paghakbang ng librarian. Bago pa man siya makalapit ay pumikit ako't isinigaw ang gusto kong mangyari, pero hindi ko pinag-isipan ng mabuti! "Ako din! 'Yong hiwa ko, Masakit! Parang inu-ulo!"
Katahimikan ang sunod kong narinig mula sa kanila.
Dahan-dahan idinilat ang mga mata. Nakanganga ang bibig nito habang gulat na gulat naman ang sa librarian. Sinubukan ko lang naman na i-copy paste 'yong post e, hindi ko naman alam na papatok at bebenta.
"BWAHAHAHAHA!" Nagtawanan silang lahat.... Maliban lang kay Floyd na ngayon ay dumidilim na ang mukha.
I'm dead! Mas takot pa nga ako sa kanya kaysa sa mga ungas na 'yon e! Huhuhu!

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...