Leave.
Cyberbullying can be addressed under CIVIL LAW or CRIMINAL LAW based on the situation. - "Ang sarap mong sambunutan at ipa-gang bang sa sampung kabayo, Sabrina Samniego!" Despite the absence of physical contact or audible insults, Cyberbullying can be even more traumatizing than traditional forms of bullying.
---
Gusto talaga kita e. Gustong-gusto kita.
Laglag ang balikat habang patungo sa aking kwarto. Yumuko't itinago ang kalungkutan sa madilim na kwarto.
Ilang minuto ata akong nakatulala't magtatagal sana kung hindi pumasok si mama sa kwarto ko't nagyawyaw.
"Uuwi ka? Umuwi ka pa?!" Sarkastikong sermon nito. "Hindi ka nalang sana umuwi kung gutom ka rin lang?"
Napapikit ako ng duruin nito ang aking ulo.
"Nasaan na 'yong mga kaibigan mo? Ha? NASAAN? WALA! WALA SILANG PAMPAKAIN SA'YO! PURO KA NALANG BULAKBUL! PURO KA NALANG LOVE-LOVE NI HINDI KA PA NGA MARUNONG MAG SAING E!" Love? L-Love naman talaga ang iniinda ko ngayon kaya nga ako nasasaktan e! Pesting pag-ibig 'yan, kung saan ay isa ako sa mga pinalad na makalapit kay crush ay siya namang kaliit na pagkakataon para makuha siya! Pinapaikot ako ni love! Pinapaasa! Sinasaktan and at the same time, pinapasaya. Blessing in disguise ba ang pagmamahal na ito para mag aral ako ng matino? Ha? Ha? Pesting pag-ibig 'yan! "SA TINGIN MO BA'Y MAY TATANGGAP SA'YO? HA? PURO KA LANDI, IMBIS NA MAG ARAL! INUUNA MO 'YANG NARARAMDAMAN MO!"
Nagbagsakan na ang mga luha. Buong tapang akong tuminghala sa kanya kahit pa paulit-ulit niya akong minamaliit. "M-Mahal ko siya, Ma!"
"MAHAL! LETSENG BUHAY 'TO! TANGA KA BA? NAG IISIP KA BA?"
Tanga? Tanga nga ako't hindi ko 'yon itinatanggi, sadya lang na hindi niyo naiintindihan na pagmamahal na itong nararamdaman ko kahit sa murang edad pa lamang.
"MAHAL? MAHAL NA TAWAG MO DO'N? BAKIT MO NASABING MAHAL, E ANG BATA-BATA MO PA? HA? SA TINGIN MO'Y TATANGGAPIN KA NG PAMILYA NG LALAKI? WALANG TATANGGAP SA'YO DAHIL NENENG KA PALANG!" Isang sampal galing sa kanya.
Yeah. Sanay na ako. Pakiramdam ko'y walang nakakaintindi sa akin. Pakiramdam ko'y pinagkakaitan nila ako ng kalayaan! Bakit niyo ba ako pinake-kealaman?! Nagca-care kayo? My ass. Bawat galaw ko'y alam na alam niyo't wala atang sekreto sa buhay kong hindi niyo gusto! Lahat nalang ayaw! Pati sa pagpili ng lalaking mamahalin ay ayaw niyo rin! Barkada ko'y ayaw niyo rin, sino nalang ang tatanggap sa akin? Ha?! Bakit ba ang liit-liit ng tingin niyo sa akin?! Bakit niyo iniisip na maglalandi lang ako't mabubuntis ng maaga? Bakit niyo iniisip na hindi ako makakatapos ng pag aaral dahil lang sa pagbabarkada ko?
Hindi niyo ba naisip na kaya ako ganito'y baka nagre-rebelde na ako?
Nasasakal ako, Ma! Nasasakal ako't hindi ko inakalang ang paaralan lang pala ang s'yang kalayaan ko sa magpanghusga n'yong mga pananaw.
Gusto ko ring makapagtapos, Ma. Unti-unting kong narerealize na hindi dapat ako nag aaral dahil lang kay Floyd, gusto kong mag aral kasi gusto kong may marating! Gusto kong patunayan sa inyong mali ang iniisip niyo! At ito! Itong nararamdaman ko kay Floyd ang inspirasyon ko para magpatuloy.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...