Kabanata 5

6 0 0
                                    

Inlove ka nga. 

 

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, Harap-harapan n'yang sinabi sa amin na gusto niya si Amber Montecarlo, Na sa tingin ko'y wala namang malisya sa kanya at ako lang talaga 'yong berde ang pag iisip.

  

Oh my gosh! Akala ko talaga'y gay siya! Hindi ko maiwasang mainggit.

  

"Wow! Napaka-loyal mo."

  

Saka tumingin sa akin. Dahilan kung bakit muli na namang nagtapat ang aming mukha.

  

"Ahem!" Ubo ni Dandreb.

  

Ako na ang unang umiwas ng tingin.

  

Itinuloy ko ang pag inom. Gano'n din si Dandreb sa pagkain, Maliban kay Zion, na kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko pa rin ang titig. "Ahem. Matunaw 'yan." Napapikit ako.

"I admit na gusto ko si Amber Montecarlo. Kabahan ka kapag puro tungkol na sa'yo ang mga pinagpo-post ko?" Nanlaki ang mata ko.

Unawang naman ang kay Dandreb. Hindi ako kaagad nakabawi kaya't ginatungan ng lintik kong katabi, dapat! "Ayyiiieh! Keleg! Ga keleg" Diretso lunok ang ginawa ko.

  

Sasakalin ko talaga 'tong lintik na 'to.

 

"Pwede bang paki-explain sa amin ng sinabi mo na kabahan siya? Ibig sabihin ba nito'y hindi mo pa ina-admit sa 'yong sarili na gusto mo rin siya?" Ang sarap n'yang patayin.

Konti nalang at makakalimutan ko nang nasa school kami't mag mu-mukha itong murder place kung hindi siya titigil.

"I already did."

"Iyon naman pala e!" Takang tumingin kay Dandreb.

"Naintindihan mo?"

"Syempre, Hindi. Paki-intindi nga sa akin, Mojico. Alam mo na? Mahina ako sa love?" Love... Love? Are you sure? Ha? Mahina tayo sa english pero hindi ibig sabihin no'n ay mangmang na talaga tayo. Alam ko nga na ang tagalog ng time ay oras. Marunong akong mag bilang, magaling ako d'yan. Marunong akong tumingin ng oras. Iyon nga lang mahina ako sa reading comprehension.
 
"But she didn't."

  

Huh?

  

"Ano daw?"

"Aba malay ko! Kayong dalawa nag uusap e?" Tumayo ako. "Makaalis na nga."

"Mahal ka ba ni Amber Montecarlo kaya mo nasasabi 'yan?"

"Yup! Sinabi niya na mahal niya ang mga fans niya." Rinig kong usap nila bago ako tuluyang lumayo.

  

Ang inaasahan kong malas na araw ay nag bago.

  

"MONTECARLO~"

Parang slow motion ang nangyari nang makita ang pinakamagandang lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Kagaya ni Zion, pumantay din ang tangkad nito. Maging ang kulay ng balat nila'y naglalaban kung sino ba ang mas maputi. Salubong ang kilay nito kaya't hindi ko din inaasahang magaya, Pero hindi ko nagawa ga'yong parang effortless lang 'yong sa kanya sa kapal ba naman ng kilay niya na bumagay talaga sa kanya.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon