Gentle and destructive.
Sino siya?
Sino ang babaeng 'yon?
Bakit mukha s'yang familliar?
Sino siya?! Malamig na trato ang natanggap ko mula sa kanya. Sunod-sunod na malalalim na hininga hanggang sa hindi ko na napigilan pa't nagbagsakan ang aking mga luha.
For the first time in my life, umiyak ako para sa pag ibig.
Nanlalabo man ang mata'y mabilis kong hinanap sa wall ni Floyd ang pangalan ni Saab pero wala! Sinong Saab 'yon? Bakit wala akong nakikitang Saab bukod sa naka-tag na Sabrina Samniego pero si Saab ang pinag-uusapan.
Pinindot ko ito't halos habulin ko ang aking hininga nang mahanap ko siya. Nahanap ko siya! 'Yong babaeng kinahuhumalingan ni Floyd ay s'yang kumakalat na babae ngayon na girlfriend kuno ng kuya n'yang basketbolista na si Amber Montecarlo. Malalalim na hininga't nanlalamig ang aking kamay habang tinitingnan ang mga DYOSANG larawan ni Sabrina Samniego.
Nagulat pa nga akong malaman na magkaibigan pa pala sila ni Chloe Mojico't halos pumantay ang beauty nila. Halos wala s'yang kapintasan! Napa-FUCK! na rin ako sa inggit.
Naninikip ang aking dibdib.
Ang ganda niya! Ang tangkad niya! Ang puti! Maliit ang mukha! Matangos! Hindi malapad ang noo! Para din s'yang dyosa't may inaalagaang pangalan pa! Isa s'yang modelo! Modelo, fuck! Ito 'yong mga tipo n'yang babae, Ganito 'yong mga tipo niya, fuck! Nakakababa ng confidence. Lahat ng wala ako'y tinataglay niya.
Bakit sa kanya pa?
Bakit parehas pa silang may gusto sa iisang babae?
Magkakilala ba sila ng personal? Paano kung oo? Paano kung mainlove siya kay Floyd gayong si Floyd ata 'yong pinakagwapo sa magkakapatid? P-Paano kung pumatol sa bata si Sabrina? Paano kung magkagustuhan sila sa isa't-isa?
Paano?
Kumikirot ang aking puso. Hindi ko pa man kumpirmado'y nauunawaan ko na 'yong sinabi ni Harare, na kahit boba pala ako'y hindi ako ligtas para hindi maintindigan kung paano tingnan nang isang umiibig ang kanyang iniibig.
Masakit pala!
Bakit po ganito kasakit 'yong first love? Baka naman hindi pa malalim 'to? Baka naman crush lang talaga 'yong nakikita ko sa kanya't 'yon lang 'yon? 'Yon lang pero bakit ako kinakain ng sistema na 'to? Pumapasok siya sa isip ko't paulit-ulit akong sinasaktan, paulit-ulit n'yang pinapaalala kung paano ako tratuhin ni Floyd kanina!
Hindi ako nakapagtimpi't inilabas ang aking galit, inggit, poot at sakit sa babaeng walang kamalay-malay sa aking pinagdadaanan, na kahit hindi ako sigurado kung mababasa niya ba ito'y nagbakasakali akong gumanti!
"Panget!" Kahit nakikitang higit pa siya sa depinisyon ko ng kagandahan. "Maputi lang iyan at makinis!"
"Mang-aagaw! Hindi mo deserving si Amber o kahit sino pa man sa mga Montecarlo!"

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...