Ikaw 'yon.
Copy.
Ang sakit n'yan, naranasan ko 'yan. Mapait ang buhay namin noon, talagang hindi ko maano, talagang hirap kami syempre, pero bilib pa rin ako kay mama sa gitna ng pait, smile pa rin siya, do'n ko nakita na dapat hindi nega. Kasi kahit anong pait ng buhay, kaya 'tong pasarapin. Parang nescafe creamy white. Ito lang ang may nestle milk, walang pait. Tinanggal namin 'yong pait para makabangon kami. Ikaw? Para kanino ka bumabangon?
Paste.
And last... Post.
Inaasahan ko ang notifications tungkol sa Nescafe creamy white pero ang nag pagising ng diwa ko'y ang notification na friend na raw kami ni Floyd Sepe Montecarlo.
How?
How?! Akala ko'y hindi na siya tatanggap pa? Thank God, Nag add a friend ako at nang mag post siya na magbabawas siya ng friends, ginrab ko ang opportunity na 'yon para pumalit sa mga nilinis n'yang social friends. Tingnan mo nga naman, social friend na rin kami. Ngising tagumpay.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng maisipan kong pumunta sa messager. Napatili ako. Active now! My gas! My gas! Open siya! Waaahh! Malakas ang loob kong tumili dahil ako lamang ang naiwan sa room namin.
"Hi crush! 😍"
Seen.
"A-Attend ka rin ng misa?" Kasi 'yong mga kaklase ko'y nasa baba na...
Isinandal ko ang likod sa upuan at ipinatong ang paa sa isa pang upuan. Inaantay kung sasagot ba siya? Tinitigan ang huli kong mensahe, mas okay na kasi 'yong sineen kaysa naman wala talaga. Ibig sabihin ay wala s'yang balak na basahin man lang 'yong mensahe ko.
Isa pa'y hindi ako umaasa. Mas mabuti na ito kaysa naman i-block niya ako 'no?
Inilapag ko na sa desk ang cellphone ng tumunog ito. Kumunot ang noo ko't lumabas ang bilog na galing kay Floyd Montecarlo. Namilog din ang mata ko na mas malaki pa sa bilog ng messenger, bago pa man ako makatili'y tinakpan ko ang aking bibig.
Ilang minutong paghinto ng mundo... Pinagmasdan ang bilog.
Anong pakiramdam na ikaw naman ang i-seen? Joke! Joke lang! Inaasahan ko kasing ise-seen niya lang ako subalit nag reply siya! Kumalabog ang puso ko't excited na binasa ang mensahe niya.
"Tanga! Ikaw nalang mag isa sa buong floor!"
Hard.
Kinagat ang ibabang labi. Gano'n pa man, kinikilig pa rin ako. Kasi naman e... Kahit hard ang reply niya'y nag effort pa rin s'yang mag reply. Buti pa ako ni replyan ni crush, e si Mich ng araw gabi, HINDI! 'I. Am. Busy.' Lang daw ang hinihintay niya'y hindi pa mai-reply?! Buti pa 'tong crush ko... Nagreply.
"Hoy!" Anak ng!
Nataranta akong tumayo. Napatingin sa pinto kung saan ay rinig kong may sinita ang isang lalaking guro sa kabilang seksyon, bago ang seksyon namin. Marahil ay nagtago rin gaya ko.
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...