Kabanata 23

2 0 0
                                    

Picture.
   

Inalis nito ang tumakas na hibla't isinabit sa tainga. Maging ako'y hindi na rin naiwasan pa ang pag awang ng bibig, dahil lahat ng mumunting galaw ni Chloe'y sumisigaw ng pagkaDYOSA niya.

Pinaharap ako ni Dandreb sa kanya. "Bakit hindi mo sinabi sa aking pinsan pala ni Zion si Chloe Mojico?!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinabi niya ng first day." Napanganga ito... Mas malaki kaysa sa iginawad niya kay Chloe.

"HINDI NGA? ANAK NG! AKALA KO'Y NAGJO-JOKE LANG DIN SIYA?!" 'Yon nga din ang akala ko e?

Sabay kaming tumingin sa kay Zion. Pabalik na ito sa amin at hindi maiwasang panoorin rin namin ang galaw nito. Hindi nalalayo ang pagkakapareho nila! At kung isa kang lalaki'y hindi rin malabong mamangha sila kay Zion, lalo pa't hindi nalalayo ang features nila. Para s'yang girl version ni Chloe Mojico!

  

Ngumiti ako ng makalapit sa amin. Kita sa ilan naming kaklase ang inggit sa kanilang mga mata.

  

"Gusto mo bang si ate Clo nalang din ang kumuha ng card mo?" Namula ako't mabilis na umiling.

Inaasahan kong ipipilit niya pero napaawang na naman ang aking bibig dahil namula rin ito. Hindi kami nagkaintindihan! Naiintindihan ko kung bakit siya namumula, 'yon nga lang, hindi gaya nang affection na kaya kong ibigay sa kanya 'yong ibinibigay niya sa akin.

Humawak sa balikat si Dandreb. Mabilis na napangiwi si Zion at mabilis ring umiwas. May nagbalik na alaala sa akin at nalungkot ako sa nakita sa kanyang mukha.

  

Gano'n na gano'n din ba 'yong nararamdaman ni Floyd kanina nang humawak ako sa balikat niya?

  

Ang puso kong inlove ay kumirot.

  

Diring-diri siya. Diring-diri din ba sa akin si Floyd? Iba pala ang dating kapag nasaksihan mismo ng harapan "Ano?!" Iritado ang mukha.

"Sorry!" Umiwas ako ng tingin at iwinaksi ang nasa isip.

Muling tuminghala sa kanilang dalawa. "Dapat lang." Mahinahon subalit may bahid ng pait.

"Sorry... Kasi mas type ko ang pinsan mo! Bwahahahaha!"

   

Iniwanan niya kami. Sumilay ang ngiti sa labi ni Zion at umiling. Maging ako'y nadala na rin ng ngiti niya.

  

Autograph dito, autograph doon. Picture dito, picture doon. Pagkatapos ng lahat ng 'yon ay saka lamang nagkaroon ng pagkakataon si Zion na kausapin ang pinsan. Sabay silang napatingin sa akin kaya't napaayos ako ng upo.

Ang mataray na mukha ni Chloe'y papalapit na. Hindi ko nga alam kung deserve ko bang lapitan ng artista gayong siya dapat ang nilalapitan? Naiilang akong ngumiti.

  

Ilang segundong pag ngiti'y hindi niya ako sinuklian.

  

Itinikom ko na lamang ang bibig ko.

  

Humarang si Zion sa aking harapan. "You're road, Ate Clo. You're road."

"Hoy! Linyahan ko 'yan ha!"

Muli kong sinilip. Nawala ang pagtataray sa mukha ni Chloe. Ang Chloe Mojico'ng nakikita ko ngayon ang s'yang hindi alam ng mundo. No. 1 kontrabida ng henerasyon ngayon at sinong mag aakala na kikiligin siya sa amin ngayon?

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon