Takot.
Umuusok ang aking ilong sa matinding galit. Natutunghayan ko ngayon ang ginagawang pambu-bully ng ilang hindi ko kilalang mga kalalakihan kay Dandreb. Hindi ko na napigilan pa ang pag dilim ng paningin, nag balik ang dating ako.
Kinuha ko ang isang bola't hinagis nang malakas sa ulo ng may hawak ngayon ng bola.
Napahawak siya sa ulo kaya't nagsilapitan sila sa kanya. "KAYO! HUMANDA KAYO SA AKINNNN!" Sigaw ko't pinagbabato sila ng bola.
Lahat sila'y nagsipaglayuan sa akin. Hindi ako tumigil, pinagpupulot ko 'yong kahit anong mapulot ko, ultimo sapatos na amoy daga'y binato ko. Nagsipag-angalan sila sa aking ginawa pero hindi nito kayang ibsan ang init na nararamdaman ko ngayon.
Kumukulo ang dugo ko!
Binu-bully nila ang boy bestfriend ko! Kitang-kita ng aking mga mata kung paano nila pinagbabato sa ulo ang aking kaibigan! At sa dami-dami ng pwede nilang tamaan ay sa ulo pa talaga?! Paano kung mag ka-damage? Ha? Hindi ko 'to matatanggap! Hindi ko 'to palalampasin! Lintik lang ang walang ganti! Lahat sila! Iisa-isahin ko!
Mabibigat na hakbang. Lahat sila'y nagsisipag-atrasan. Ang ilan pa nga'y napapatingin sa akin.
Galit ako!
Galit na galit!
Walang mapagpunan 'yong galit ko. Nagdidilim ito't gusto kong pilipitin 'yong mga bayag nila para hindi na madagdagan 'yong mga masasama sa mundo. Nanggigigil ako! Gusto ko silang patayin!
Takot na takot si Dandreb nang lumapit ito sa akin.
Nabahag ang aking puso... Takot siya! Takot na takot siya! Mas lalo akong nagagalit. Isa akong bully't hindi ko 'yon itinatanggi pero iba pala ang pakiramdam kapag ginantihan ka sa ibang paraan, sa paraang alam mong hindi mo kakayanin dahil masasaktan ka kasi kaibigan mo sila.
Hindi nakaligtas sa akin ang tumulong butil ng pawis. "N-Nagkakamali ka ng iniisip!" Nauutal at naiintindihan ko kung bakit... Takot siya. Takot na takot. Ayaw n'yang sisihin ko 'yong mga lalaking 'yan dahil nag aalala siya sa aking mapahamak ako o 'di kaya'y masangkot ako sa isyung kanyang kinasasangkutan. "M-Mali ka ng iniisip!"
"Naiintindihan ko, Dandreb." Ipinatong ang kamay sa balikat. Namutla itong lalo. "Isa kang mabuting kaibigan at susuklian ko 'yon."
"Hindi mo nga sabi ako naiintindihan e!"
Nanginginig na ito sa takot. Ngumiti ako. "Huwag kang matakot, 'di porket babae ako. Dati kaya akong bully!" Kinindatan ko ito.
Bigla akong niyakap sa harapan nilang lahat. "A-Ano bang ginagawa mo?!" Inilalayo ang mukha sa akin. "KAILANGAN TURUAN NG LEKSYON 'YANG MGA HAYOP NA 'YAN!"
Humigpit ang kapit niya. "Wala silang kinalaman dito, Bash!"
"ANONG WALA?!" Dinuro ko 'yong isa. "NAKITA KONG PINAGBABATO KA NILA NG BOLA KANINA!"
Inihulog ng tinuro ko ang bola't sumali sa umpukan nila. Nagbulong-bulungan sa isang tabi. My gas! Ako pa talaga ang gagawin nilang masama rito ha?! Kakapal ng mukha!
"HUMANDA KAYO SA AKIN! PAG AKO, NAKAALIS RITO... PAGKUKUNYATAN KO KAYO ISA-ISA!" Nakaka-abante na ako dahil sa galit. "HINDI KO KAYO TATANTANAN HANGGA'T HINDI AKO NAKAKAGANTI! TANDAAN NIYO 'YAN!"

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...