Top 1.
Mabibigat na yapak ang aking pinakawawalan. Ang sabi ko'y hindi ko na siya hahabulin pa pero heto ako't parang batang umiiyak sa kanyang likuran. Mas lalong lumakas ang pag iyak ko dahil hindi ko siya mahabol. Ang sabi nila'y mabilis raw ako tumakbo, e bakit ngayon? Bakit ang bagal-bagal ko ata tumakbo ngayon?
Hindi ko siya mahabol.
"F-Floyd!" Paos kong tawag.
Huminto ito na hindi humaharap sa akin.
Sinubukan ko muling tumakbo subalit bigla na lamang nag collapse ang aking hita.
Lumakas ang hikbi ko't hindi ko talaga intensyong mag paawa pa sa kanya. Hindi ko ito sinadya, Maniwala ka? Sinubukan kong tumayo subalit uminda lamang ako ng kirot. Marahil ay dahil sa kahahabol ko sa kanya't ngayon lamang bumigay.
"Floyd..." Mahina kong tawag.
"STOP PESTERING ME!" Nanginig ang balikat nito't makukumpirma kong dahil lamang 'yon sa galit. "Hindi pa ba sapat sa 'yong ako na nga 'yong palaging umaalis!" Muling kumirot ang aking puso. 'Yon na nga 'yong masama e! Palagi ka nalang umaalis! Kahit na ako 'yong nag aargabyado sayo'y ikaw nalang palagi 'yong umaalis. Lalo mo lamang pinaparamdam sa akin na ayaw mo talaga sa akin.
"A-Ako nalang 'yong aalis! Huwag kang umalis, Pakiusap?" Natatakot akong umalis ka, Floyd. "Ako nalang 'yong aalis! K-Kung ayaw mo akong makita'y hindi ako magpapakita! Hindi ako mang-iistorbo, Promise! H-Huwag ka lang umalis? A-Ako n-nalang ang a-alis?" K-Kasi hindi ko kakayanin! Hindi ko kaya. Masisiraan ako ng bait. Kung 'yon ang gusto mo'y hindi ako manggugulo sa'yo? Hindi ako magpapakita? Huwag mo lang gawin sa'kin 'to? Huwag mo lang iparamdam sa akin na aalis ka dahil 'yon ang pinaka ayokong mangyari sa lahat.
Inasahan kong lilingun siya pero hindi! Hindi siya lumingon! Ilang beses niya na bang pinaramdam sa akin na wala talaga akong halaga sa buhay niya? Hindi ko na mabilang, P-pero kung saka-sakaling ma-incounter ko ulit ang pangyayaring ito'y malinaw siguro s'yang magbabalik-tanaw sa aking isipan.
Pinagana ang makina ng sasakyan at wala akong nagawa kundi panoorin ang pag-alis nito.
Imbis na dumiretso sa bahay ay dumiretso ako sa computer shop. Dali-daling nag log-in sa sariling account at pinutakte ng mga hindi kaaya-ayang salita si Sabrina Samniego. Puro masasakit na salita ang namumuo sa aking isipan ngayon. Alam kong mali! Alam ko subalit wala ako sa matinong huwisyo ngayon. Gusto kong may mapaglagyaan ng galit! Nag uumapaw ako sa galit at hindi sapat ang pag iyak lang. Iiyak ako pero nandito pa rin 'yong bigat sa pakiramdam, gusto kong ilabas! Ilalabas ko't hangga't kaya ko dahil kung hindi ko ito ilalabas ay sasabog nalang ako bigla.
Nanlalabo ang mata at nang magbagsakan ito'y saka lamang ako nahimasmasan at muling binasa ang mga tinipa.
"Malandi ka, Sabrina Samniego! Ang baho ng bilat mo!"
"Kapag nakita ko 'tong babaeng ito'y hahagisan ko 'to ng asido!"
"Tusukan ng turnilyo sa pwet at i-barbeque ng buhay!"
Ew!
"Ito na ba 'yon? E naligo lang naman 'yan ng kojic e! Baka mas maputi pa nga 'yong pwet ko sa kanya e?!"

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...