Kabanata 9

4 0 0
                                    

Tinawag.

"Oy! Bakit hindi ata tungkol kay Bash ang mga pinagpo-post mo?" Huh?

Muli na naman kaming pinagtinginan ng mga kapitbahay dahil sabay-sabay kaming papasok, Na kahit wala sila'y kaya ko namang mag cutting mag isa, 'yan tuloy ay hindi ko magawa. Tss.

Huminto si Zion kaya't napahinto din ako. Busy siya sa cellphone kaya't sinilip ko ito kahit pa hirap na hirap ako dahil sa katangkaran niya.

Is it a rumour or what? Is it true that 2017 PBA MVP Amber Sepe Montecarlo has a girlfriend?

Iyan 'yong post na unang bumungad sa akin ng bisitahin ko ang kanyang account noon.

"Hindi pa ako nagpo-post ng bago..." Pag amin niya.

Naniniwala ako do'n dahil wala naman talaga s'yang naipo-post pa, na s'yang nakapagtataka? 'Yong tanging issue lamang about kay Amber ang huling post niya't mukhang binabagabag pa rin siya no'n.

"Amber has fallen inlove, the best thing that i want to hear but I always knew he were going to hurt us. His fans."

Nagtaasan ang aking balahibo dahil sa kanyang sinambit. Ewan ko ba? Kinikilabutan ako sa t'wing nag fa-fanboy siya kay Amber Montecarlo. Hindi ko kasi maiwasang hindi magbigay ng malisya dahil kitang-kita mo talaga sa kanyang apektado siya.

Mapapatanong ka na lamang na kung sino bang mas matimbang sa puso niya, Ako o si Amber?

Masyado s'yang baliw kay Amber! Dapat ba akong kabahan na hindi kpop boyband ang kinahuhumalingan niya? Buti nalang talaga't may girlfriend 'tong si Amber at straight naman siya dahil kung hindi'y mas maraming masasaktan na babae kapag nalaman nilang mas matimbang sa puso niya ang pusong humahanga sa kapwa niya lalaki kaysa sa babae.

"Hindi ba nila naisip na may sariling buhay din si Amber sa likod ng camera? Pwede s'yang magkagusto sa kahit sinong babae! E ano ngayon kung mainlove siya kay Sabrina Samaniego? Malay nila, it is not admiration but love." May lungkot sa kanyang boses.

Nahabag ang aking puso. Naiiyak ako dahil napaka-supportive n'yang fanboy. Ultimo love interest ni Amber Montecarlo ay suportado niya. Iyon nga lang... Hindi man lang siya nabigyan ng chance na magpakilala kay Amber.

"May karibal ka na ngayon sa puso ni Amber Montecarlo?"

Seryoso ang mukha nito't walang balak na makipagbiruan kay Dandreb. Pinatahimik ko si Dandreb sa pamamagitan ng tingin. Tumango-tango ito't tumahimik nga.

"Where is the trust in him these days?"

Ilang hakbang nalang sa aming classroom ay may humakot ng aking atensyon. Habang papalapit sa kanya'y nanliliit ako sa aking sarili. Gustuhin ko mang titigan ito ng matagal ay nasisilaw ako, nasisilaw ako dahil sa kaputian niya! Sa presensya niya! Hindi gaya ng maaaring iparamdam ni Zion, kaya n'yang paingayin ang aking puso na walang kahirap-hirap.

Humawak ako sa aking dibdib dahil sa labis nitong pag pintig.

Kakaiba?

Baka naman kinakabahan lang?

"Montecarlo?" Rinig naming tawag sa kanya ni Dandreb.

Siya 'yon! Siya 'yong Montecarlo'ng matalino na taga section 1! Siya 'yong Montecarlo na naaalala ko't siya din 'yong Montecarlo'ng sumisira ng aking huwisyo sa unang beses palang naming pagkikita.

"Montecarlo din siya?" Litong tanong ni Zion.

"Oo, Montecarlo 'yan! Ka apelyido ko lang at hindi ako sigurado kung malayong kamag-anak? Malay mo, kamag-anak ko pala?" Napasinghap ako. Ang layo ng genes ha? Mukha lamang s'yang katulong habang mukhang boss naman 'yong isa.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon