Heart

8 0 0
                                    

Hindi man tayo ang itinadhana para sa isa't-isa. Natikman naman natin ang isa't-isa.

Ps. Virgin pa ako.


"Kuya! " Naka-post sa isang page and someone i know tagged me. Nakapatong ang kamay nito sa karatulang gawa sa kahoy, obviously for fun and likes.

Virgin, My ass.

At kung hindi ako nagkakamali'y sa Pilipinas 'yan.

Bakit niya naman ako iniwan?

At saang lupalop naman 'yan ng bansa? I'm not familliar with the places anymore, sa tao'y pwede pa? Pero sa lugar? Hindi ako gala.

"Dad?"

"Yes, Son."

"Nakauwi na po d'yan si kuya Henry, Dad." Katahimikan sa kabilang linya. "... At iniwan niya po ako dito?"

Inaasahan ko ang bagay na gusto kong marinig mula sa kanya pero iba ang isinagot niya. "Stay there." Stay here and there's no way to take that back. "Hangga't hindi ka pa nakakatapos ay d'yan kalang. Naiintindihan mo ba bunso?" Tumango-tango ako. Palagi naman akong walang karapatang tumanggi.

Maraming times na pakiramdam ko'y napre-pressure ako para makakuha ng mataas na marka. Hindi man nila hilingin, Alam kong mas may pake pa siya sa grades ko. Hindi ako pwedeng bumaba, hindi pwede dahil madi-dissapoint siya. Maayadong mataas ang expectations niya sa akin, to the point na gusto n'yang lamangan ko si kuya Aj, dahil si kuya Aj'y single dad, hindi niya mapapakinabangan dahil comitted na sa pag aalaga ng nag iisa n'yang anak. De hamak na mas malawak ang oras ko para sa mga kagustuhan niya.

Kailangan ko ba talagang may patunayan?

Sana'y sa umpisa palang ay in-enjoy ko ang pag aaral kaysa sa katangahang ginagawa ko pa rin hanggang ngayon... Ang panatilihin mataas ang mga grades.

Ano kayang mangyayari kung sa umpisa palang ay bagsak na ako? Hindi siguro sila mag e-expect ng malaki 'no? Edi sana'y nakakahabol ako sa takbo ng mga milennials ngayon? Be a party goer, magwalwal hanggang mag umaga. Mga bagay na gusto kong gawin pero alam kong mali.

Yeah. Mali na nga gagawin ko pa ba?

Nakakapagod din palang maging good boy.

Parang paulit-ulit na lamang.

Hindi na ako masaya't may mga times din na hiniling ko'y sana... Sana'y nagkasakit na lamang pala ako para mas kapani-paniwala ang mga mababa kong grades. People don't even begin to blink an eye of caring. I'm sick of sitting back and not taking action. Gone is the obedient boy they knew, replaced by a brooding, secretive man.

"Huwag mong sabihin sa amin na gusto mo 'yan, Bash?"


I didn't know what would happen but someone tempted me, I allowed her to tempt me!

Even if it's all for show, Kahit isang beses lang, I will break my own rules.

"Listen. If you'll succeed... I will be yours, Deal?"

"S-Seryoso ka?"

"Alam ko namang hindi mo kaya kasi boba ka!"

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon