Gusto.
Pasulyap-sulyap ang ginawa ko habang nagsusulat kami. Hindi na ito dumudugo pero may namuong maliit na dugo sa kanyang maliit na lips.
Umawang ito.
Natigilan ako. Pumikit muna bago muling humarap sa black board naming sinusulatan ng secretary. "Nakulangan ka ba sa kiss natin?" Sabi na e, Nahuli niya.
"Hindi ah!"
"Gulat na gulat ka... First kiss mo?" Nailang akong bigla sa kanya. "Sorry." Mahina n'yang sabi. Huwag mo nang ipaalala, please?
"Hindi mo kasalanan 'yon." Kasalanan ng tumawag sa akin! Kung hindi niya ako tinawag, Sa kanya sana mapupunta ang first kiss ko!
"Sorry kasi hindi 'yon ang first kiss ko." Napaangat ako ng tingin. Bumalik sa kanya na nasa harapan pa rin ang atensyon pero nakikipag usap sa akin ang diwa.
"Nag ka-girlfriend ka na ba?"
Ang gwapo-gwapo niya kaya't imposible na hindi siya nagkaroon ng girlfriend kahit isa.
"Wala pa."
"Accidental kiss?"
"Sa'yo ko lang naranasan 'yon." Namula ako sa pag amin niya.
"Ah. Wala kang girlfriend pero may girl bestfriend ka! Ah! Kuha ko na!" Pilit kinukumbinsi ang sarili.
"Maniniwala ka ba na ang first kiss ko ay galing sa cousin ko?" Hindi kaagad nai-proseso ng aking utak 'yong sinabi niya. Kunot-noong tumingin sa kanya na may pagtatanong, hanggang sa ipagpatuloy niya nga ang pagkwe-kwento na para bang open na kaagad siya sa akin sa maselang topic na ito. "Lahat ng klase ng kiss, naranasan ko. Walang halong malisya, just pure practice "
"Practice saan?"
"Acting." Pekeng ngiti.
"Nabanggit mo sa akin na dalawa lang kayo ng cousin mo. Siya ba 'yong tinutukoy mo?" Tumango ito.
Muling nagsulat pero nagpatuloy sa pagkwe-kwento. "Pangarap n'yang maging artista. At nang mabigyan siya ng chance, grinab niya. 'Yon nga lang? Ang ka-eksena niya nang time na 'yon ay matandang lalaki... Kontrabidang kabit kasi 'yong first role niya. Ayaw nilang mapunta sa kung kanino-kanino 'yong first kiss ni ate Clo, Hindi rin kasi siya friendly sa mga boys kaya sa akin siya pina-kiss nila mommy dahil ako lang 'yong lalaki sa buhay niya bukod sa daddy niya na nasa abroad."
Eww!
"Okay lang sa kanya?"
"Yup. Kini-kiss nga siya ng mommy niya sa lips noong bata siya e. Si tito din, iyon nga lang... Unfair sa side ko, tinanggalan kasi nila ako ng karapatang ibigay 'yong first kiss ko sa unang babaeng mamahalin ko."
Ah. Hindi na ako umimik. Baka saan pa mapunta, ako naman ang usisain niya. Kontento na ako sa ugnayan namin ngayon.
"Sigurado ka bang ayos lang sa'yo?"
Tinarayan ko siya. "Bakit ka ba tanong ng tanong kung ayos lang sa kanya, ha?"
Ngumisi ito nang nakakaloko. "Hindi niyo ba narinig?" Tumingin sa mga bakanteng seat na wala ng katao-tao. "Aabangan nila sa gate 'yong Floyd Montecarlo."
Nagtaasan ang aking mga balahibo.
Parehas kaming nagulat ni Zion. "WHAT?!"
"Nagtawag ng resbak sila pres, dapat kasi'y pina-guidance niyo nalang si kamag-anak ko kaysa 'yong ganito?"
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, bigla na lamang akong kumaripas ng takbo pababa ng hagdan. Halos magkapatid-patid ako sa bilis kong pagtakbo at sa huling dalawang baitang ay na isa ko lang imbis na dalawahan.
BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...