Kabanata 48

4 0 0
                                    

You are enough.
   
  

Nakangiti habang umiiyak, 'yon din siguro ang mangyayari sa akin sa oras na ikasal kami ni Floyd. Nakatingin sa taong nasa harapan dahil alam kong sa bandang huli... Ang taong mahal ko naman ang s'yang maghihintay sa akin habang naglalakad ako sa aisle.

"Something that they couldn't get pass, but you did." Imbis na sa bride, sa kanya napunta ang aking atensyon.

Seryoso itong nakatingin ngayon sa akin. At dahil sa sinabi niya'y nabahag ang aking puso. Ang malinaw na imahe ni Floyd sa aking harapan ay unti-unting lumabo dahil sa mga likidong nakabara, pumikit ako't sunod-sunod 'yong naglalaglagan. Pakiramdam ko'y naiintindihan ko si Tel sa pagkakataong ito dahil may mga bagay pala na hindi lahat ng idinudulot ng pag iyak ay sakit. Masaya ako! Masayang umiiyak. Honestly, sa sobrang pag iyak ko'y para akong batang paslit na pinaiyak ng kanyang kuya kaya't inaalo ako sa nakakamanghang pangyayari.

"Cute!" Binasa ko ang aking labi't nalasahan ang alat doon dahil na rin sa luhang tumutulo.

Gusto kong yumuko dahil sa hiya pero hindi ko magawa dahil 'yong taong pinapangarap ko ngayon ay nasa aking harapan. Pinapakalma ako habang ang palad ay marahang hinahaplos ang aking ulo.

  

Pumikit ako ng maramdaman ang kabila nitong kamay na pinupunasan ang aking mga luha.

 

Napahawak na lamang ako sa sweater na suot niya't ginusot ito. "T-Talaga, C-Cute ako?"

Ang pagsusuplado'y hindi nawala bago humalakhak sa aking harapan na tanging ako at 'yong limang power rangers lang ang makakarinig. Para 'yong musika sa aking pandinig at nagkaroon ng lyrics ng sagutin niya ang aking tanong.

"Yeah. You're so cute. Para kang batang gusgusin." Sa halip na itulak dahil sa inis, Hinila ko ang suot nitong sweater at hinalikan siya na tinugunan niya naman.

"Oh my gosh!"

Wala na akong pakialam sa mundo. Si Floyd mismo, Siya lang 'yong mundo ko!

  

"Ilayo niyo si liit kay Floyd, Hindi sila pwede! Mukha silang mag ama!"

  
Hinihingal akong humiwalay at sinamaan sila ng tingin.

  

Bakas pa rin sa mga mukha ang pagkamangha. "Ano 'to? Anong gusto n'yong iparating ha? Na may pag asa pa dahil nakuha ni Bash 'yong ultimate crush niya, ganern?"

  

Nahihiya akong bumaling kay Floyd. Umawang lamang ang labi nito't parang ang sarap tuloy halikan muli.

  

"Itigil 'yong kasa---Hmmmp!" Nataranta ako't bigla kong tinakpan 'yong bibig ni Buencamino, apelyido niya. Isa rin sa mga makapangyarihang pamilya sa bansa. Sa pagkakaalam ko'y mortal na kaaway ng pamilya Sepe. Hindi nga lang ako sure kung may ideya si Rivo sa hidwaan ng pamilya.

Nakaramdam ako ng kaba subalit saglit lang din. Saglit lang dahil naramdaman ko ang mahigpit na pagkakayakap ni Floyd sa aking baywang para hindi ako tuluyang mahulog. Literal na pagkahulog ang maaring mangyari sa akin at hindi ko talaga inaasahan sa lahat na sasagipin niya ako, Like, 'di ba? Madalas akong na fa-fall sa kanya ngunit ni minsan ay hindi niya ako sinalo? Ngayon palang! Phew, hugot.

  

Napalunok ako't kitang-kita sa mukha nito ang takot para sa akin.

  

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon