Kabanata 6

8 0 0
                                    

Kodigo.

Pinaningkitan ko ang aking mata para makita ang sinisilip nito. "Ano 'yan?" Luminga-linga sa paligid bago ibuklat ng malaki ang papel na itinatago.

Itinapat ito sa akin. "Kodigo."

Muli kong tiningnan ang kodigong sinasabi niya. May tanong doon na masyadong malalim dahil sa mga numbers at sa tingin ko'y hindi pa namin napapag-aralan kaya't nakapagtataka na magkakaroon siya ng kodigo gayong hindi naman namin tinatalakay sa ngayon.

"Kodigo saan?"

"Sa tanong na maaring itanong sa atin ng terror teacher natin." Lumunok ako't nagka-interes sa sinasabi nitong kodigo, na kahit titigan ko nang matagal ay hindi ko maiintindihan.

Isa din 'yan sa mga dahilan kung bakit ayokong pumasok. Hindi lang dahil sa iniiwasan ko si Zion, dahil matagal na akong nag ka-cutting kaya't hindi na bago 'yon sa akin. Sadya lang na ingredients siya kung bakit ayokong mag aral. Hindi mawawala 'yan. Sa isang classroom ay may isa kang classmate na hindi mo makakasundo. May mga plastic at mayroon ring sipsip sa guro. Speaking, hindi rin mawawala ang gurong kala mo'y laging may dalaw! Laging may masabi! Hindi nauubusan ng kasungitan sa katawan! Hahanapan ka nang butas, At higit sa lahat... Mamaliitin ka. Imbis na maging huwaran hindi lang dahil sa guro mo sila, they will also help you DOWN. Phew.

Hindi lahat ng guro'y nagiging huwaran.

Isa sa sampung estudyante'y may masamang karanasan sa isang guro, may masabing masama tungkol sa kanya at nagiging daan para hindi siya makalimutan ng estudyanteng 'yon. Makalimutan man nila ang mga naging estudyante nila dahil sa ilang libong dumating... Hinding-hindi sa taong ginawan nila ng masama.

"Alam mo kung paano?"

"Hindi e?" Kumunot ang noo. "Mahina ako sa pang genius na tanong?"

Tumango ako.

Dumating na ang pinakahinihintay naming guro. Err. No way! Gaya niya'y sumimangot rin ako.

Seryoso naman ang katabi ko kaya't hindi ko siya matanong tungkol sa kodigong sinasabi ni Dandreb. Hindi rin ako umaasa na masasagot niya 'yon dahil pang genius nga raw ang tanong na 'yon.

Pang genius raw, e pang matalino lang naman?

Ang atensyon nito'y nasa notebook na may nakasulat na Montecarlo. Naka-graffiti ito kaya't nawiwili s'yang titigan.

Sumingit ang kamay ni Dandreb sa gitna. "Ano?" Pabulong kong tanong habang ang katabi ko'y hindi siya pinansin.

Bumalik ang aking atensyon sa harapan kung nasaan ang aming gurong nagsusulat nang hindi namin maintindihan pero malayo sa topic na pino-problema ngayon ni Dandreb.

"Itanong mo kung paano?" Utos nito sa akin, Na pwede naman n'yang deritsuhin si Zion.

Umirap ako dahil alam n'yang hindi siya kikibuin nito dahil sa kawalang hiyaan niya.

"Paki-explain nga?"

Kumunot ang noo nito. Takang tumingin sa pirasong papel, Maya-maya'y nanlaki ang mata nito sa kakatitig sa tanong na 'yon.

"Ano 'to?"

"Kodigo daw?"

Tumango. "Ang talino nang nagsagot."

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon