Sorry.
Kapwa kami tumingin na may talim sa mga mata. Sa katagalang titig ko sa kanya'y nagdilim ang aking paningin at dinuraan siya.
Napasinghap ang lahat.
Pumikit lamang ito't yumuko. "So disgusting! Pwe!" At sa pag angat ng tingin nito'y muli na naman niya akong tiningnan... This time, kirot lamang ang nanaig. Pwede ko bang bawiin 'yong dinura ko? Mas disgusting 'yon!
Pinahid ko ang mga luhang hindi nararapat para sa kanya. Buong tapang na tumalikod sa kanya't humarap sa dalawang pulis. "Anong pwedeng ikaso sa akin dahil sa pandudura ko sa isang tao?" Gulat na gulat sila, sa sobrang gulat nila'y parehas silang hindi nakasagot sa aking tanong.
"CHARGES SHOULD BE LAID!" Sigaw ng matanda kasunod nang paghawak nito sa sariling batok. Dinaluhan naman ng ilang apo. "Kunin niyo ang kopya ng cctv nitong lugar na ito't ibibigay ko ang hinihingi niya para magkapatong-patong!"
"Hindi po, Lolo." Tuminghala sa apo. "Ipapa-delete po namin ang record ngayong araw."
"DELETE? ARE YOU STUPID, RED?!"
"Kahihiyon po ito ng apo niyo at hindi nang ibang tao, Lolo! Apo niyo! Si Floyd, dinuraan! Kahihiyan niya, kahihiyan din po natin!"
"KAILANGAN S'YANG MAKASUHAN!""Siya na po mismo ang nagsabi... Si Floyd ang may gawa sa kanya n'yan."
Hindi ako nagpa-apekto sa aking narinig. Sapat ng malaman na hindi lang ako 'yong masama rito.
Nahimasmasan ata ang Don. "Pwes, Huwag niyo s'yang paalisin." Pagsuko nito.
Uminit ang aking ulo. Pinaikot ito para magising sa bangungot na ito, Pero nandito pa rin ako! Ayokong makasama ng matagal ang mga taong ito, kumukulo ang dugo ko.
"I think..." Huminga ng malalim. "Lalabas mo na ako?"
Muling bumalik sa akin ang tingin nila.
"Nasu-suffocate ako sa lugar na ito." May pandidiri sa aking tono. Pinanatili ko ang angas sa aking mukha kaya't lahat ng nakaharang sa aking daraanan ay nagsipaghawian. Tumabi man, takot na takot sila sa desisyong aking napili... Sa mga mata nila, para bang pinaaalalahanan ka nilang maling tao ang kinalaban mo.
Kaayawan niyo ako, 'yon ang gusto kong mangyari.
Isa pang hingang malalim bago ihakbang ang mga paa, ayokong magtagal sa lugar na ito. Pakiramdam ko'y magkakasakit ako. Mainit! Nakakadagdag ng init ng ulo!
Nakakadalawang hakbang pa lamang ako'y muli na naman s'yang nagsalita. "Dito kalang," Mahinahon hindi kagaya ng kanina. "Mas panatag akong nandito ka." Napahinto ako sa pag hakbang, hindi dahil sa gusto kong marinig 'yong mga sasabihin niya kundi dahil muli na namang naglabasan ang aking mga luha sa dating tuyo kong mata. Painit ng painit ang talukap nito kaya't tuminghala ako, sa pagtinghala ko'y kumirot ang aking ulo. Nag join forces pa ata sila ng aking puso kaya't mas tumindi 'yong pagkunot ng aking noo.
Itinigil ko ang pagtinghala. Tumingin ng tuwid hanggang sa lahat sila'y bigla na lamang umuugong sa aking paningin. Natatakot ako sa aking nakikita kaya't muli akong pumikit. Sa pagtindi ng takot ko'y hindi ko na rin makontrol ang aking mga luha, patuloy ito sa pag agos.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...