Kabanata 43

9 0 0
                                    

Heart.
     
 

Umangat ang aking kilay habang pinapanood ang kalandian ni Mr. Floyd Montecarlo sa isang guest rito sa hotel. Kung mag usap nga ang dalawa'y para bang kilalang-kilala nila ang isa't-isa dahil may pahipo-hipo pa sa t'yan ng babaeng maganda, matangkad at sa tingin ko'y matalino. Alam na alam ko 'yan, ganyang-ganyan ang mga tipo niya. Simple pero nakababali ng leeg ng mga kalalakihang gaya niya. Fuck!

Umiwas ako ng tingin at pinahid ang isang luhang nagpabasa ng aking pisngi. Ilang taon akong naging manhid at ngayong bumalik siya'y saka naman naglabasan na animo'y naipon lamang sa aking mata't napuno kaya't tumagas. Isa pang mainit na luha ang tumakas bago siya mapatingin sa akin.

Kumunot ang noo nito sa malayo't hindi inaalis sa akin ang tingin. I became this one hell of a girl who's still stuck on her past love because people in my past made me feel i am not enough. I would rather distance myself from him, even if i have to lose him. Itinatak ko sa aking sarili na hindi na ako aasa pa sa kanya't uunahing buhuin ang aking sarili ngayon. Ilang taon ko 'tong kinimkim, ilan taon akong nanliit sa aking sarili. Pinaniwalaan ang sa tingin kong nakikita ng mundo sa akin... Nothing. Bumalik ang angas sa aking mukha't ipinakita sa kanya nang harap-harapan ang disgusto sa aking mukha. Ilang minuto ata akong nakatulala sa kanya bago bumalik sa tunay na mundo.

  

Tumalikod na lamang ako't dumaan sa isa pang labasan nitong hotel.

  

"I. Hate. You. Montecarlo." Bulong ko sa aking sarili.
  
Mabigat ang paa kong palabas sa lobby nitong hotel. Papalapit pa lamang sa glass door ay dama ko na ang tingin ng ilang mga may class na tao sa akin. Mas lalo akong nanliit sa tingin nilang mga mapanghusga't nagkaroon ako ng pursige para makaalis sa kulob na hotel na ito. Nasu-suffocate ako't hindi ko ata kayang huminga pa ng matagal rito.

  

Pakiramdam ko'y hiram lang ang lahat.

  

Pakiramdam ko'y hindi ako welcome.

  

Yumuko ako't hindi tumingin ng maayos sa daraaanan. Itinago sa buhok kung gaano ako ka-miserable.
 
  

Hindi ako mapakali.

  

Mula pa noon, hindi na ako naging payapa. Gusto ko nang katahimikan sa puso't isip. Pagod na akong mag-isip na hindi ako nararapat sa lahat. Kahit pa 'yong atensyong ibinibigay nila, Pakiramdam ko'y hindi ko 'yon deserve... Dahil ang mga gaya ko'y pinapaasa lamang.
 
  

Hindi dapat ako narito.

  

Halos takbuhin ko ang pintuan nang bigla na lamang may bumangga sa akin.

  

"Ay, Dambuhala!" Naiiyak akong tuminghala.

Sinamaan nila akong lahat ng tingin. Mula sa gwapong kuya hanggang sa bunso sa kanilang tatlo, walang tapon.

"Maliit ka lang!" Pare-parehas nilang sabi sa akin. E sa dambuhala talaga sila e. Kasalanan ko bang maliit ako't huminto sa paglaki?!

"Sorry na po mga kuya? G-Gusto ko na pong makalabas!" Muling yumuko't humakbang nang may mahabang binti ang humarang sa aking daraanan.

Sinundan ko ito't nalaglag ang panga sa kagwapuhan ni Amber Montecarlo. "B-Bakit po?" Nagsalubong ang makapal nitong kilay. Namangha ako dahil best asset talaga nilang magkakapatid ang kilay na 'yan bukod sa matangos na ilong at kutis koryanong balat. Nababakla ako't hindi naitago ang pagkamangha ng umigting ang panga nito't bumaling sa aking likuran.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon