Kabanata 1

13 0 0
                                    

Can be fun.
   

"Tucson... Sa tabi ni Montecarlo." Tumango ako't lumapit sa upuang 'yon.

Tininghala ako nang maitim kong seatmate mula ngayon. "Lalaki ka ba?" Pamimilosopo niya.

Tumingin ako sa aming guro. "Anong ginagawa mo d'yan? Antayin mong tawagin ka?" Kinagat ko ang ibabang labi nang muling tawagin ang aking pangalan. "Tucson, Bash! Tucson!"

Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay. "Ma'am?" Muli itong tumingin na may irita sa mukha.

"Tucson! Absent?"

"Ma'am!" Lumalim ang paghinga ko dahil sa pagkakapahiya. "Ako po 'yon, Ma'am."

"Babae ka?" Tinarayan lamang ako nito't siya naman ang napahiya.

Dapat lang. Ano siya, hello? Okay. Madalas akong mapasama sa pangalan ng mga lalaki't nakakasama talaga nang loob 'yon lalo na't puro akong babae. Nakasanayan nalang siguro kaya't tanggap ko ang pagkakamaling ito. Isa sa mga hindi ko makakalimutang katangahan ay 'yong nagkaroon ng achievement test kung saan ay ako lamang ang bukod tanging babae dahil sa pag aakalang isa akong lalaki.

  

Pangalan lang naman ha! Ang hard nila sa akin.

  

"Hey boy, kaano-ano mo si Amber Montecarlo?"

"Taga payong niya ako habang nag ba-basketball." Pilosopong sagot niya. "Kahit nga may laro, nakasunod ako. Pfft!"

"Magkano sahod mo?"

"Autograph at hugs sa idol mo." Sinuntok ko ang braso niya nang mahina. "Feeling close."

"Wala kang muscle."

Sabay irap. Anong akala niya sa akin, idol ko 'yon? Ni wala nga akong hilig sa basketball e. Akala niya siguro'y mauuto niya ako. Tanga lang ang magpapauto sa kanya.

   

"Mojico."

"Ma'am!" Napatingin kaming lahat sa nag taas ng kamay. Angat na angat ito sa lahat dahil sa kanyang katangkaran. Pero ang humakot ng aming atensyon ay ang kanyang kaputian na dinaig pa ang kaputian nang artistang si Chloe Mojico.

"Sa likod ni Montecarlo."

Ang mga bago kong kaklase'y hindi maalis ang tingin sa kanya. May something sa kanyang mag e-enganyo sa 'yong sundan siya ng tingin hanggang sa makaupo.

  

Muling nagtawag.

  

Pang dalawahan ang helera nang aming upuan kaya't nasa likuran siya ni Montecarlo habang nasa harapan naman siya ng bisugo kong katabi.

"Hi!" Nagulat ito sa aking pagbati.
 

Nanlaki mata nito.

  

Bakit gulat na gulat siya? "Panget ba ako?"

Namula ito't muling tumingin sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang pang-babae n'yang pilikmata na binagayan ng makapal na kilay, mas gwapo pala siya sa malapitan. Ni wala ngang pores? Kutis artista ang lalaking 'to.

"No"

"So maganda ako?"

Hindi nakaligtas sa akin ang pag iwas nito ng tingin. "Yeah" Mahinang sumagot sa akin kaya't pinukpok ko ang desk niya na tanging kami lamang ang makakapuna.

"Kaano-ano mo si Chloe Mojico?"

Sa sinabi ko'y nagkaroon siya ng interes. "Cousin."

"Talaga? Buti ka pa, kamag-anak mo si Chloe Mojico.... Itong katabi ko katulong nila Amber Montecarlo!" Sabay hawak sa balikat ng katabi.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon