Kabanata 29

6 0 0
                                    

Bagsak ako.

 

Sinabi ko na nga ba e! Paasa ka e! Paasa ka! Malalalim na buntong hininga't nagdilim ang aking mata.
 

"Hoy! Umalis ka d'yan!"

"Jusko po! 'Yong babae o!"

Pinakinggan ang inggay ng paligid kung may pake pa ba sila sa isang gaya ko? Habang nakapikit ay patuloy sa pag agos ang aking mga luha. Iyak ako ng iyak sa isang malawak subalit madilim na daan... Hanggang sa may humila sa akin sa kadiliman.

Unti-unti kong idinilat. Nasilaw ako. "Okay ka lang ba?"

  

Bakit siya mag aalala?

  

Maging ito'y bumuntong hininga. "Anong ginagawa mo? Nagpapakamatay ka ba? Hindi ka ba nasaktan?" Walang preno n'yang tanong. Sa halip na mag thank you ay sinuklian ko ito ng matulis na tingin. Kumunot ang noo nito't hindi pa rin nawala ang ganda.

Tumunog ang cellphone niya, Sinagot ang tawag. "Hello? Floyd?" Kumirot ang aking puso. Sana'y hinayaan niya na lamang ako kaysa 'yong ganito? 'Yong mas ipinapamukha niya pa sa aking nakuha niya 'yong taong gusto kong makuha sa lahat. "Naalala mo ba 'yong maliit na babae na humalik sa'yo noong may misa? Oo, Siya nga! Muntik na kasi s'yang masagasaan? Pumunta ka muna dito?" Tumango-tango ito't sinabi ang address.

Habang abala ito't naglakad ako palayo sa kanya, Pinigilan niya pa rin ako. "Huwag ka raw umalis sabi ni Floyd?" Tiningnan ko ang nakahawak nitong kamay sa aking braso. Wala sa sariling umiling.

  

Taka sa aking ikinikilos.

  

Isa muling luha ang nahulog. "K-Kailangan kong umalis..." Maging ako'y nasaktan dahil sa hina ng aking boses.

"Hintayin muna natin si Floyd, einabi niya sa aking huwag na huwag kang paalisin kahit na anong mangyari?"

Maayos kong inalis ang kamay nito. "Hindi talaga pwede."

"At bakit hindi pwede?"

  

Nag isip ng ilang minuto. Maging ito'y nata-tanga sa aking pagdadahilan.

  

"Kasi baka siya na naman 'yong umalis." Umawang ang labi nito't mas lalo pang kumunot.

Tumalikod ako't muling naglakad. Naglakad na wala sa sarili. Malalim na nag isip na kung sino pa 'yong taong hindi ko ine-expect na mag ca-care sa akin ay siya pa, siya pa na tunay na dahilan ng aking kalungkutan.

   

Rinig ko ang pag busina ng sasakyan sa likuran pero hindi ko ito pinansin. Yumuko habang naglalakad. Hanggang sa ang sasakyang 'yon ay nakipagsabayan  na rin sa aking paglalakad.

  

Isa pang busina, hanggang sa sunod-sunod ang nag ingay.

  

Hindi ako nag angat ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

  

Malayo-layo na rin ang aking nalalakad nang may isang taong humila sa akin kaya't napaharap ako sa kanya. Naalog ang aking utak at gulat na tuminghala sa kanya.

   

"Sakay!" Utos niya.

Kinagat ko ang ibabang labi't hindi sumagot. Nakita kong lumabas din si Tel Aviv at lumapit sa amin. Kinalas niya ang madiing pagkakahawak ni Floyd sa akin.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon