Kabanata 36

6 0 0
                                    

Numb and heartless.

"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo?" Pinantayan ko ng galit ang tinging ibinibigay niya sa akin.

Taas babang sumagot sa kanyang tanong. "Ako ang cyberbully ni Sabrina Samniego, happy?" Nang aasar kong pag amin.

Ang matapang na mukha'y nagpapakita na ngayon ng kahinaan dahil sa kanyang namumulang mata. Hindi ako natinag, ni hindi nga siya nakaramdam ng simpatya sa akin e? Alam kong nasasaktan na siya ngayon. Gusto niyo bang dagdagan ko pa?

"Inaamin ko nang ako nga ang no. 1 cyberbully ni Sabrina Samniego. Kung gusto mo'y i-record mo pa?" Maangas kong paghahamon.

Ganito ako kasama.

"Ang tanga-tanga niyo."

Umiwas ito ng tingin at napahilamos sa sariling mukha. Namutla naman si Addis dahil sa aking kapangahasan.

"Gusto mong marinig 'yong mga katarantaduhan ko? Kung ano-anong mga masasakit na salita ang mga ibinato ko kay Sabrina kahit hindi ko siya kilala. Malandi! Mang-aagaw! Inggetera! Bitch, sa tagalog pokpok! Pakantot! Sana'y pumangit siya! Sana'y ma-rape siya! Sana'y mawala na lang siya!" Malalim na paghinga. Ngayon na lamang din bumalik 'yong galit na inipon ko, kaya't pasabog na rin ako ngayon din. Konting-konti na lang at sasabog na...

Kung hindi ko ito ilalabas, mas magiging masama pa ako.

Kailangan ko itong ilabas. Hindi ko 'to kakayanin. Ikamamatay ko 'tong sakit sa puso na ito. Hindi na ako 'yong dating ako! Wala na 'yong dating makulit at malambing na Bash! Binago niya ako! Ang pagmamahal ko sa kanya ang nagpabago sa akin. How can i spread more love kung mismong ang pagmamahal ang nag pasama sa akin? I-I only offer hatred. I... I suddenly turned horrible and didn't care who I hurt.

"At alam mo 'yong nakakaloka sa lahat?" Pekeng humalakhak. Plastic mo, Bash. "Inatras na ni Amber Montecarlo 'yong kaso ko!"

Pulang-pula na ang mata nang muli itong tumingin sa akin.

"At proud na proud ka pa talaga?" Pumiyok ito.

Walang buhay, pero humihinga. Sa loob nang ilang taon. Tumigas na rin ata pati ang aking bungo. Namuhay akong puno ng poot sa mga bagay na lubos kong ibinigay noong kabataan ko pa lamang. Inubos nila 'yong pagmamahal ko't pinalitan ng something na nagbibigay ng dahilan sa akin para magpatuloy kahit pa wala nang silbi ang aking buhay. K-Kung tutuusin ay matagal na sana akong patay, pinatay niya ang puso ko para magmahal muli't magbigay pag asa sa akin para mabuhay, mabuhay dahil tumitibok ang aking puso dahil may bagong tao sa likod nito. Pero hindi ko na 'yon maramdaman! 'Yong pagbilis ng tibok nito dahil nand'yan si crush... Wala. W-Wala na. Hindi na siya muling nabuhay pa. "Hindi ba't ito na 'yong matagal n'yong hinihintay?" Isinama ang tumakas na buhok at isinuklay kasama ang iba pa. "Ang umamin ako sa aking mga kasala---" Isang sampal ang nagpatahimik sa akin.

Tumabingi ang aking mukha at panandaliang nabingi ang aking tainga. Pumikit lamang ako dahil sa binitawang impact no'n, na para bang naaalog rin pati ang aking utak dahil sa bigat ng kanyang kamay, Sa lalim no'n, ganoon rin kalalim ang galit na aking binuhay sa kanya.

"OO!"

Dumilat na parang walang nangyari.

Nakita ko ang labis na pagbanat ng leeg nito dahil sa matinding galit na sumabog.

At susunod na rin ako.

"OO! MATAGAL KONG HININTAY ANG PAGKAKATAON NA ITO! SA SOBRANG TAGAL MONG UMAMIN, PINAGPLA-PLANUHAN NA NGA KITANG BARILIN E!" Mata sa mata. Galit sa galit. Ang pinagkaiba lang... Hindi ako nasaktan sa kanyang mga nasabi.

Naapektuhan ako pero hindi ako nasaktan. Naapektuhan dahil malapit na rin akong sumabog.

"Lintik lang ang walang ganti!" Sumugod ako't pumagitna sa amin si Addis.

Ang malaking bulto nito ang sagabal sa amin.

"Damn, Horizonte! Hindi mo dapat siya sinampal!" Pilit pinalalahanan si Belo. "May batas tayo para sa mga gaya nilang nagkasala, ano ba?! Umayos kayo!"

Hinagis ko ang itinatagong cellphone sa lupa. Patunay na titigil na ako sa pambu-bully. Hindi ako nakaramdam ng panghihinayang sa cellphone na 'yon, Ayoko na. The best way to stop cyber bullying in my opinion, is to close everything down. Accounts! Stop using e-mails! Ano pa ba? Block the calls and text messages! Hindi ba nila naisip 'yon? Tanga-tangahan lang? It's your choice what you read online!

Tumigil ito sa pagsugod. "Ano bang kalokohan 'tong ginagawa niyo?!"

"TABI!" Akala ko'y titigil na siya pero hindi.

"Handa ka na rin ba sa pwede kong ikaso sa'yo?"

Tumalim lalo ang mata niya. "Sisiguraduhin kong maipapakulong kitang hayop ka! Handa na akong makulong basta't may maipakulong lang ako kahit isa sa populasyon n'yong mga cyberbully! " Hinagis ang baril na nakaipit sa baywang. "IPAPARAMDAM KO SA'YO 'YONG SAKIT NA NARANASAN KO! IPAPARANAS KO SA'YO ANG PAKIRAMDAM NA MAG-ISA!"

"TUMIGIL NA KAYONG DALAWA, TAMA NA!"

"MATAGAL NA AKONG MAG-ISA! Sawang-sawa na rin ako sa buhay ko. Samahan mo nalang kaya ako sa bilangguan?"

"Sige ba, tara?"

"Oh, tara!"

Sumugod nga ito sa akin at nasapol kaagad ako ng kamao nito sa bandang cheekbone. Lamang siya dahil pulis siya, kasama 'to sa trabaho niya.

"MASU-SUSPEND KA, HORIZONTE! HINDI LANG 'YON, MAARI KA PANG MASISANTE! TUMIGIL NA KAYONG DALAWA!"

Dinuro niya si Addis. "Away babae lang 'to, Huwag kang aawat! Makakatikim ka rin sa akin?!"

Habang nagsasalita siya'y sinambunutan ko siya, bigla niya naman akong nasipa. Tumilapon ako't 'di sinasadyang mapahiga.

Nagdilim ang aking paningin ng ilang minuto.

Sa pagdilat ko'y pinagsasampal na ako ni Addis. Umuuyog ang aking paligid kaya't muli akong pumikit. "Ms. Tucson? Belo! Anong ginawa mo sa kanya? M-May dugo! D-Dugo!"

Sa muling pagdilat, Namumutlang mukha ni Ms. Horizonte ang nakatapat ko.

May tumutulong luha sa kanyang mata. Pumikit ako't muling dumilat. "H-Hindi ko dapat 'to ginawa? N-Nadala lang ako ng galit ko! Hindi ko sinasadya, Maniwala ka? A-Anong g-gagawin ko? Hindi ko s-sinasadya!"

Hinawakan ko ang nanginginig nitong kamay.

Tumingin siya sa akin. Nahihilo pa rin kaya't ang isang mata lang ang bukas.

"Nag aalala ka sa akin?"

Iyak pa rin ito ng iyak.

"Hindi dapat kita sinaktan?" Hinawakan ang aking kamay. "Dadalhin ka namin sa hospital!"

Ang init ng kamay niya. Nakakataba ng puso. Napuno man ng luha niya at laway ang aking kamay, gustong-gusto ko 'yong higpit ng pagkaka-kapit niya sa aking kamay.

"I'm sorry, Ms. Tucson. Dinawit kita sa galit ko sa mga cyberbully! Pinangungunahan ako ng galit ko't hindi ko man lang inisip na hindi lahat ng cyberbully ay deserve sa pagtratong ipinaramdam ko sa'yo, I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Unti-unting umangat ang aking kamay na tumapat sa aking mata.

"Bakit ang dali lang sa 'yong umiyak kahit hindi mo naman talaga ako gusto?"

Natigilan sila pareho. May benda't nagamot na rin ang aking ulo.

Tumingin ako sa nagsasalitang si Addis. "Sa loob ng ilang taong pagmatyag namin sa'yo... Ni minsan ay hindi ka pa namin nakitang umiyak?" Kumirot ang aking puso. Kirot lang pero walang luhang lumabas. "Kahit noong mawalan ka nang magulang ay hindi ka man lang umiyak? Ni... Isa? "

Pumikit ako.

"K-Kaya ako natatakot sa aking sarili..." Inaantay ang pagbagsakan ng mga luha pero wala pa rin. "I became numb and heartless."

At kapalit sa katalinuhang natanggap ko.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon