Kabanata 4

5 0 0
                                    

Apelyido.
   

Nakikita ko na ang building ng aming school dahit nakatapat ako sa bintana. Hindi ako nagbigay nang kahit anong ingay o kahit ano pa man, naglalaro kasi sa aking isipan na mag ka-cutting nga ako ngayong araw at wala akong planong pumasok ngayon.... Mamaya'y maisipan niya pang hingiin 'yong panty ko?

  

Ano?

 

Papasok ako na walang panty?

  

At kung sakaling pumasok man ako'y may dahilan na ako para sakalin si Dandreb~

  

"Bash! " Tawag niya.

Nagpanggap akong hindi ko na siya naririnig dahil sa layo ko sa kanya. Mabigat ang bawat hakbang ko dahil wala naman talaga akong planong pumasok e, mag ka-cutting nga kasi ako e. Bakit ko pa kasi piniling pumasok?Pwede namang papasukin ko siya't saka ako kumaripas ng takbo? Pero ang nag i-idolo sa akin ay concious sa edukasyon kaysa sa grado? Ni wala nga s'yang pake na siya 'yong bukambibig noong nakaraang linggo dahil hindi pa raw huli't pwede pa s'yang lumipat kaysa sa patapon naming klase. Sa sobrang baba ng tingin nila sa section namin, Gano'n na rin kababa ang tingin nila sa amin.

  

Ano?

  

Wala na ba kaming halaga?

  

Mas mahalaga ba talaga ang grades sa kanila?

  

Mga oras na tinitimbang ko ang grado at edukasyon, sa t'wing mababa kasi ang score ko'y sinasabi ng ilan na tumigil na lamang sa pag aaral dahil wala namang natutunan, hindi mapapakinabangan! Ang sarap isampal gamit ang matigas kong kamay sa makakapal din nilang pisngi. Kaya nga nag aaral ay para matuto! Very wrong talaga 'yang paniniwala na para saan pa kung hindi naman magagamit?

  

Tsk. Libre lang namang mag aral ha?

  

"Bash Tucson!" At isa pa 'yan! Isa siya sa ikina-iinit ng ulo ko!
 

Bakit niya ba ako sinusundan?

  

Alam kong may gusto siya sa akin pero hindi niya kailangang ipahalata!

  

"Bakit nga pala gusto ni Zion sa last section?" Parinig ng ilan.

"Nasa last section ata 'yong nililigawan niya?"

  

Ligaw?!

  

'Yan ang hindi mangyayari. Hangga't maari'y Iiwasan ko! Iiwasan ko siya! Waaah! Hinahabol niya na ako!

  

"Bash... May nakalimutan ka!"

"ANO?!"

Malalaking hakbang ang ginawa ko. Mas lalo akong nataranta nang nasa likuran ko na ito. "May nakalimutan ka nga."

"Ano nga?" Nakakapikon ha. "Sabihin mo na!"

"Seryoso ka?" Napuno na ako kaya't huminto ako. Huminto din ito, dahilan kung bakit muntikan na kaming magkahalikan. Shit! Muntik na 'yon, madadagdagan 'yong masasakal ko n'yan.

  

Namula ito.

  

Mabuti nalang at matangkad siya kaya't sa itaas ang tingin niya samantalang nakatapat ko naman ang dibdib nito.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon