Kabanata 31

2 0 0
                                    

Feelings fade away.

"Mag e-exam ka kasama ng iba pang mga honors students." Ma'am.

Hindi ako kumibo. Just go with the flow kumbaga. Kung ito ang dapat na mangyari'y ito ang dapat mangyari. Sapat na ang kaalamang makakasama ko si Floyd sa iisang room kung saan ay kasama pa ang ibang mga matatalino... At lahat kami'y maglalaban-laban.

Inaantay ko na lamang 'yong moment na isasampal ko sa kanyang pagmumukha na kaya ko palang pumantay sa mga gaya nilang higher sections at may naipagmalaki nang mga medalya.

"Bash!" Tel Aviv.

Kumakaway ito ngayon sa akin. Sa halip, Bumaba pa ang aking tingin. Si Floyd ay tahimik na nanonood sa mga nagba-basketball kung saan ay kalaban ang aming section. Nakapatong sa binti ang siko't seryosong nanonood.

Ngumiti ako.

Muling nagpalinga-linga at naghanap ng bakanteng upuan subalit sumigaw ulit ito. "Dito ka na sa tabi ni Floyd!" Saka lamang napatingin sa gawi ko si Floyd dahil narinig niya ang pangalan niya.

Maging ang ilan naming kaklase'y sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ba't gusto mo 'yang Floyd Montecarlo?" Aakmang susugod, na nahuli ni Floyd kaya't umayos sila ng upo. "Tanga ba 'yan?! Alam niya na ngang gustong-gusto mo 'yong boyfriend niya tapos yayayain ka pa? Sapakin na ba namin?"

"Chill!" Natawa ako. Seryosong tumingin sa kanila. "Mas tanga ako kaysa sa kanya."

Umawang ang mga bibig nila't walang nagawa nang lumapit na nga ako sa sinasabi nilang tanga.

Ngumuso ito. "Galit sila sa akin?"

"Oo."

Kumunot ang noo ni Floyd. "E ikaw?"

"Hindi." Umangat ang labi nito pero hindi ko hahayaang ako ang uuwing talunan ngayon. "...Mas galit ako sa'yo." Pumikit siya na animo'y may iniindang sakit. Sa pagdilat niya'y muling bumalik sa dating ayos.

Pumulupot ang kamay ng kasintahan at bumulong-bulong kay Floyd.

Hindi ko na lamang pinansin pa at nanood na lamang kagaya ng ginagawa niya. Ang manahimik kahit sa loob-loob ko'y may hidwaan sa aming dalawa, na bawat kibot lamang nang isa sa amin ay maapektuhan na kami.

Noon palang ay may dating na talaga siya sa akin pero hindi ko kailanman inisip na magkakadating din pala ako sa kanya? Hindi sinasadyang naupuan niya ang aking skirt, Nakita niya na subalit ngumisi lamang ito na parang nang aasar kaya't hinayaan ko na lamang. Wala din naman akong pupuntahan e?

Nakita ko sa malayo si Zion, patungo sa pwesto ko.

Sinubukan kong hilahin ang inupuan n'yang bahagi ng skirt ko subalit matatalim na tingin lamang kay Zion ang ibinibigay niya.

"Dumating ka!" Ngumiti ang mata nito.

Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa! Mapapahiya ako! O maaring isa lamang sa amin ang mapahiya? Tumingin ako sa mata ni Floyd, ayoko talagang mapahiya siya. Ayoko! Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na galit ako sa kanya, iba naman ang isinisigaw ng aking isipan.

Puno ako ng galit sa puso pero nandito pa rin 'yong pagpipigil. Ayoko s'yang saktan. Ayoko s'yang paglaruan. Ayokong gawin 'yong mga bagay na kayang-kaya n'yang gawin sa akin. Nasanay akong iparamdam sa kanya na deserving siya sa mga bagay na nararapat sa kanya.

"Napansin ko kasing nakaka-shoot ka sa t'wing chine-cheer kita e?" Ngumiti ako sa kanya, Nahiya naman siya sa aking banat.

Totoo 'yon. Isang beses ay nahuli ko s'yang nagpra-practice mag isa at noong mismong nalaman n'yang nanonood ako'y saka lamang siya naka-shoot.

Rinig ko ang ilang sigaw ng mga nanonood rin.

"Ayyiieeh! Bagay sila!"

"Sagutin mo na kasi linggit, Huwag ka nang umasa sa taken na!"

"Kailangan kasi balanse! Ang matangkad ay para sa pandak at ang matalino'y para dapat sa bobo! Bwahahahaha!"

Mas lalo akong natawa sa mga naririnig. Nang makabawi'y kumunot ang noo ko nang mapunang parehas na nasa akin ang atensyon nila.

Awkward ang sunod kong ngiti.

Pinaypayan ang mukha gamit ang kamay ko dahil sa atensyong iginagawad nila sa akin. Hindi ko na alam kung saan o kanino ko pa ba ibabaling ang atensyon kaya't bumagsak na lamang sa ibaba.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang marinig si Tel na masayang kumausap kay Zion. "Iche-cheer rin kita!"

"Hindi ko kailangan. Baka malasin pa ako."

Nagulat ako sa pagsagot ni Zion. Sa halip na sa kanya tumingin ay sa gawi sana ni Tel na naharangan ng ulo ni Floyd. Nanuyo ang aking lalamunan nang samaan ako nito ng tingin, na kung tutuusin ay si Zion ang bumastos sa girlfriend niya at hindi ako!

Tumingin sa kanyang mata.

Marahil ay iniisip n'yang inutusan ko si Zion na pakitunguhan ng ganoon ang girlfriend niya? O pwede ring hindi ko nga sinabi subalit may alam si Zion sa nangyayari ngayon sa amin kaya't iniisip n'yang gumaganti si Zion... At si Tel ang ginagamit para gumanti sa kanya.

Umiling lamang ako't hindi na nilinis pa ang aking sarili.

Para saan pa?

Kailan niya ba ako pinakinggan?

"Bash... " Naagaw ni Zion ang atensyon ko. Sabay hagis ng ginamit n'yang panyo. "Huwag mong ibigay kahit kanino... Lalong-lalo na sa mga desperate fangirls KO." May yabang nitong sabi. Sa halip na mandiri dahil sa pawis, Humigpit ang kapit ko ro'n.

Naghanap ang aking mata sa sinasabi n'yang fangirls para may mapagka-abalahan at naisip ko kaagad ang mga dating kaibigan.

Sa kabilang bahagi...

Dinuduro ako't narinig ko pa ngang sabi na, Traydor. Tss.

Pagkatapos kong bumuntong hininga'y palihim kong sinulyapan si Floyd. Kaharap na ngayon ang girlfriend. "Gano'n ba 'yong mga tipo mo? Badboy?"

Huh?

"Gano'n ka rin naman ha, Floyd?"

"I always knew right from the very start. Hindi kita pagbabawalang magkagusto sa iba dahil alam ko namang hinding-hindi ka rin niya magugustuhan."

"We always enjoy the chase but feelings fade away when ignored, Cinderella man. Okay lang 'yon! Marami pa naman akong ipakikilala sa'yo e." Sa huli'y sumilay ang ngiti sa labi ni Tel. Ganoon din kay Floyd.

Nagkaintindihan na kaagad sila sa bagay na 'yon? Ang sarap mo namang maging boyfriend, Floyd. Hindi mo sinasakal at binibigyan ng kalayaan ang iyong girlfriend na magkagusto pa sa iba, Dahil para sa'yo... Para sayo'y may tiwala ka sa kanya. Parehas nilang pinagkakatiwalaan ang isa't-isa, to the point na maging sandamakmak man ang mga crushes ni Tel Aviv. Alam n'yang siya pa rin.

Inayos nito ang tumakas na hibla ni Aviv. Ouch bes. Sana'y hindi na lamang ako umupo pa dito. Sana pala'y mas pinahiya pa ni Zion si Tel para mas masakit 'yong nararamdaman niya kaysa sa akin? Tinigilan ko na kasing umasang mararanasan ko rin 'yan, sadya lang na naiingit ako nang malamang may ganito palang side si Floyd. Ang swerte mo talaga, Aviv! Napakaswerte mo!

Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ko ang tingin nito sa akin.

"Feelings fade away, Huh?"

Nag iinit ang talukap ng aking mata.

Gayunpaman ay pinaalahanan ang aking sarili na may pride ka pa, huwag na huwag kang lilingon dahil masasaktan ka lang.

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon