Karma.
Nakanguso habang papalabas ng aming building, halos lahat ng nakakakilala sa mukha ko'y ikino-konekta ako sa pagkakasangkot ko raw kuno sa isang myembro ng pamilya Sepe na kauuwi lang galing ibang bansa at hindi sila makapaniwala na makakasama ko, hindi lang isang beses, madalas kaming nai-ispatan.
'Yon din ang dahilan kung bakit ako hindi nakakapasok!
Hindi ako nakapasok dahil sumasama raw ako sa boyfriend kong mayaman!
Nakasimangot akong tumingin sa kanya. Hindi naman nawala ang pagtataray sa mukha nito. Sa halip ay pinabitbit ko sa kanya ang aking bag at walang kaangal-angal niya itong isinabit sa kanyang balikat.
Nauna akong maglakad patungo sa parking. "Sinesante ka?"
Binilisan ko pa lalo ang lakad habang siya'y nakasunod.
"Bakit raw?"
Saka lamang ako tumigil at sinabi 'yong mga bagay na hindi ko masabi-sabi kanina pa dahil inuunahan ako ng mga boss ko! Kesyo, puro pagbo-boyfriend ang inaatupag ko kahit alam ko naman daw na may trabaho, na mayabang na raw ako dahil hindi ko na kailangang mag trabaho sa oras na ikasal kami ni Floyd, like what the f!
"Hindi ko alam." Yumuko ako't nanlumo. "Hindi ko talaga alam, Floyd. I-IT expert kaya ako... Tapos... Tapos bigla na lamang nagbla-blangko 'yong isipan ko?"
"Nakalimutan mo?"
Maya-maya pa'y nagtubig nalang bigla ang aking mata. "Alam ko 'yon e, tapos, wala na akong maisip na kasunod. Alam mo ba 'yong feeling na bigla ka na lamang na bobo?" Kinagat ko ang aking kuko subalit inilayo niya lamang sa akin ang aking kamay.
Naiiyak akong tuminghala na baka madissapoint ko siya dahil ipinagmamalaki ko pa naman sa kanya na isa akong IT expert sa isang malaking kompanya at ngayon, dahil sa akin ay nagkaroon ng human error at hindi ang system. Ako mismo ang nagkulang! Ako ang mismo ang may kasalanan!
Sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Welcome back, Stupid linggit!" Sabay buka ng kanyang mga kamay para mag alok ng yakap.
Welcome back?! Ang alin? 'Yong kabobohan ko? Laitero talaga!
Napasinghap ako't inis na binalingan ang kanyang sasakyan. "Anong sasakyan 'to? Bakit ang panget-panget ng kulay niya?" Sabay sipa sa unahang gulong nito.
"Montero sport."
"Montero sport? Gagawin mo pa akong tanga?!"
"English term lang 'yong sinabi ko. Ano bang nasa isip mo, Montero car?" Uminit ang pisngi ko. "Sabi na e."
Tahimik akong pumasok sa loob. Pinandilatan ko siya ng mata dahil nakanganga lamang ito sa labas habang nakatingin sa akin. Pumikit akong may sama ng loob at hindi siya kinibo sa gitna ng byahe.
"Ang init ng ulo mo."
Hinilot ko ang aking sintido't napadilat. Akala ko'y nandito na kami subalit traffic pala kaya napagkamalan ko. Sa katitig ko sa labas ay nahagip ng aking mata ang mga makukulay na bilog, LALONG-LALO NA 'YONG PULA!
Ang makapal nitong kilay ay salubong na salubong at nakatingin sa akin ng masama.

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...