Kabanata 26

4 0 0
                                    

Cyberbullying.
  

"Hindi naman kasi ako gaya niyo na kailangang may patunayan?" Dandreb.

Pumikit ako't nagmurmur sa gilid. Inalala ang aking mga pinag-aralan, At masasabi ko na lamang sa aking sarili na handa na nga ako sa test na gagawin ngayong araw.

Masasabi kong healty ang aking katawan pero hindi ako sigurado kung healthy din ba ang aking isipan dahil hindi ko itatangging pinipilit kong matuto, to the point na hindi na ako umuuwi ng bahay, at madalas ay nag gro-group study.

Dahilan rin kung bakit ang mga kamag-anak ko'y hinuhusgahan akong pariwara dahil hindi talaga ako madalas naglalagi sa bahay.

  

Nang muling maalala'y hinanda ko na ang aking sarili.

  

Huminahon sa paghinga't sa pagbukas ng mata ko'y bigla akong namangha sa mga lumabas na tanong. Kagat labi habang pinipigilang sumabog sa saya, lahat ng aking mga pinag-aralan ay lumabas sa test! Iba pala ang pakiramdam kapag alam mo ang sagot dahil pinag-aralan mo! Ibang-iba! Kani-Kaninang umaga nga lang ay pini-pressure ko ang aking sarili... Tapos ngayon...

  

Ngumiti ako ng pagkalaki-laki. Ngumiti rin si Zion sa akin.

  

Ang ngiti nito'y totoo kaya't mas lalong gumaan ang aking pakiramdam. Bago magsimula ang klase'y kinakain ako ng mga negative possibilities at ngayon... Nakakahinga na ako ng maluwag!

THE AFTERMATH OF THE TRIBUNAL’S DECISION



Ang dali! Super dali! Ito pala ang pakiramdam na may alam ako, nakaraang pag aaral ko'y hindi ko pa nararanasan ito... Lahat ay bago sa akin. Ang dali lang pala! Hindi naman pala mahirap mag aral? Sa umpisa lamang ay mapre-pressure ka dahil may goal kang dapat makuha pero kapag kaharap muna ang test, mas nae-excite ka pa ngang mag sagot.

   

WHAT IT IS NOT: The Martial Law is a dictatorial and tyrannical power of the President.

  

WHAT IT IS: A power granted and controlled by the Constitution that may be stopped by the President, the Congress, or the Supreme Court when appropriate.

  

And done! I'm done! Ako pa ang nauna.

  

"Thank you." I mouthed. Umiling lamang ito't nagpatuloy sa pagsagot.

  

Masaya akong lumabas ng aming classroom at mabilis na tinakbo ang highest section sa lahat, Section 1.

  

Halos puno pa sila't nage-exam pa ang halos lahat. Hinanap ng aking mata si Floyd sa umpukan ng mga ulo pero wala? Ang ilang tapos nga'y nagtutulog-tulugan pa, at kahit buhok lamang nito'y kilalang-kilala ko na kaya't hindi ako maaring magkamali na wala nga siya rito.

  

Baka lumabas na?

  

Tama, tama. Baka nga tapos na s'yang mag exam.

  

Masaya akong lumabas ng aming building at hinanap siya kung saan-saan pa... Pero wala? Nasaan na siya?
  

Heart over Hate (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon