Kapatid.
"Siguro ay dahil sa naging biktima ng cyberbullying 'yong kapatid niya kaya't mainit 'yong dugo niya sa mga bully." Tinaasan ko ng kilay si Addis Ababa. Hindi naman talaga ako interesado sa nakaraan ng isang tao dahil sa t'wing pinag-uusapan ang nakaraan ay may naalala ako't iikot na naman sa kanya ang mundo ko kahit pa hindi ko na siya nakikita.
Matagal na.
Ilang years na ba? Buong akala ko nga'y babalik siya pagka-graduate ng college subalit hindi na siya bumalik. Ni hindi ko nga alam kung babalik pa ba siya? At kung bumalik man siya'y alam ko namang hindi ako kasama sa mga dahilan niya. Baka nga gumanti din siya sa akin dahil hindi siya kasama sa mga naging dahilan ko para marating ang gusto n'yang mangyari para sa akin. Kahit pa noong una'y ginawa ko 'yon para sa kanya, dahil sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya.
Naalala ko pa nga dati, araw at gabi ko s'yang iniiyakan, hangga't naalala ko'y iniiyakan ko siya.
Hanggang sa magising na lamang akong wala na s'yang epekto sa akin at kung magkita man kami ngayon... Isa lang 'yong masisiguro kong mananaig sa akin. Galit! Galit na galit ako sa kanya, hindi lumilipas ang araw na hindi napapabilang ang salitang galit sa pamumuhay ko. Para bang nakakabit na ito sa aking puso't hindi na muling iibig pa sa iba dahil okupado nang galit.
Muli itong humigop ng kape. "Kamusta naman 'yong kapatid niya, binu-bully pa rin ba hanggang ngayon?" Nasamid ito sa aking tanong.
Kumuha ako ng tissue at inabot sa kanya. Pero mas nagulat pa siya sa aking inakto kaysa sa kanyang pagkasamid.
Hinawakan nito ang aking kamay. "Hindi ka ba nainitan?"
Pekeng ngumiti. "Syempre nainitan, kape kaya 'yan?" Pabiro kong sabi.
Subalit mas apektado pa ata siya sa aking pagrespond sa kapeng natapon subalit hindi ko ininda. Pwede ba 'yon? Alam kong mainit pero hindi ko 'yon dinibdib, mas dinidibdib ko pa nga 'yong pagpapaasa sa akin ni Floyd Montecarlo kaya ako naging ganito ngayon.
Ganito na ba talaga ako kamanhid?
"Nagtatanong lang naman ako. Ano bang mali sa tanong ko? " Umiling ito.
"I'm sorry." Siya mismo ang nagpunas sa napaso kong kamay dahil sa pagiging malikot niya nang masamid.
Hinila ko ito't hindi ako nagpa-apekto sa ipinapakita nitong kabutihan. Para saan pa? Isa siya sa mga humuhusga sa akin na isa akong cyberbully! 'Yon nga ang dahilan kung bakit siya nakikipagkaibigan e, ang alamin ang mga bagay na hindi na ako maapektuhan pa.
"Nagpakamatay siya."
Huh?
Takang tumingin. Itinuloy nito ang sasabihin. "Hindi. Pinatay siya at ang salarin... Online bullying."
Natahimik ako.
"Masama ang naging epekto nito sa kanyang kapatid. Araw-araw, gabi-gabi, hanggang sa pagtulog ay hindi siya tinatantanan ng mga cyberbully. Wala silang mga pake sa nararamdaman ng mga tao as long as they destroy her and damage the victims' reputation. Nakakabahala dahil lamang sa mga salitang nababasa nila thru social media, Naapektuhan ang personal nilang mga buhay. Mahirap maging isang biktima ng cyberbullying... Kaakibat nito ang katotohanang huhusgahan ka kahit hindi ka naman talaga nila kilala personally." Umiwas lamang ako ng tingin. Ayokong magpa-apekto. Hindi ako magpapa-apekto. "They take their own lives and freedom. At 'yong kaligtasan nila, nakasalalay na ngayon sa mga cyberbully. Honestly, no one deserves to feel worthless."
Kumirot ang aking puso. Na kahit magmanhid-mahindan pala ako'y hinding-hindi ko pa rin pala maloloko ang aking sarili. No one deserves to feel worthless, at anong gusto mong maramdaman ko? Magkaroon ng simpatya sa mga sinasabi mong bullying victim? Sinasabi mo lang 'yan sa akin dahil ako nga ang pinaghihinalaan niyo!

BINABASA MO ANG
Heart over Hate (2018)
HumorWell to be perfectly honest, In my humble opinion, of course without offending anyone who thinks differently from my point of view, but also by looking into this matter in a different perspective and without being condemning of one's views and by tr...