JERON POV:
Ano bang masarap gawin pag walang pasok? Matulog? nakakasawa narin yun,kumain? wag nalang. Wala din kaming training ngayon, may sakit daw kasi si Coach.
"TOL!!" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses na yun, sino pa ba ang tatawag saakin ng ganyan kundi ang aking magaling na tropa na si Red.
"Ano nanamang ginagawa mo dito?"pabiro kung tanong sakanya sa lahat kasi ng barkada ko siya lang ang pumupunta dito sa bahay ng walang paalam.
"Wow pare nakakasakit kana!" sagot nito sabay simangot.
"Ang OA muna parang nagtanong lang!" paliwanag ko naman sakanya.
"Hindi na kita maintindihan!" Pagdradrama nito saakin na akala mo bata.
"Umuwi ka na nga lang istorbo ka lang sa buhay kong payapa." pangaasar ko nanaman sakanya.
"Ito naman hindi na mabiro, alam kung bored ka kaya ako pumunta dito. Tara mag mall nalang tayo" pagaaya niya, sabagay bored nga talaga ako.
"Bahala ka!" sagot ko nalang.
Kanina pa kami dito sa mall pero hanggang ngayon hindi namin alam kung saan kami pupunta. Ito ang pinakayaw ko salahat yung pupunta kami sa isang lugar na walang plano, mabuti nalang sana kung kompleto kami.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
Halos ilang oras na kaming nakatayo dito sa gitna ng mall.
"Chill lang pare!" sagot nito na akala kung may hinihintay.
"Bahala ka! Mauna na ako!" pagpapaalamko sakanya at agad tumalikod ng
BOGSSSH!!
Kung minamalas ka nga naman oh natapunan pa ako ng frappe talaga nga naman.
"Ano ba!" singhal saakin ni ....... Jane
"Okay ka lang?" tanong ni Red sakanya, yang babaeng yan pa talaga ang tinanong instead of me.
"Hoy! Hindi ka man lang ba magsosorry?" pagtataray niya saakin. Hanggang dito ba naman umaabot ang katarayan niya.
"Bakit naman ako magsosorry sayo?" tanong ko rin sakanya,alamkong maldita siya pero kahit lalaki ako hindi ako magpapatalo.
"Aba'y! *tinuro niya ako* Kaano-ano mo ba ito?" tanong niya kay Red.
"Ah sorry Jane! Hindi naman niya sinasadya!"
Fucked! sino ba siya sa akala niya?
"Hey you! Kung gusto mong makaalis dito say sorry to me! " pagmamaldita niya ulit.
"Hindi sayo itong daan, ang lawak ng mall na ito hindi tayo magkakabanggaan kung sa ibang direksyon ka dumaan" paliwanag ko sakanya, pero parang wala ding epekto ang ginawa ko.
"Unang una hindi ko sinasabing akin ang daang ito, pangalawa wala kang karapatang pag bawalan ako dumaan sa ibang direksyon at pangatlo ano namang pakialam mo kung dito ko gusto dumaan. " pangangatwiran niya.
"Ewan ko sayo! Saan kaba pinaglihi at halos lahat ng paliwanag ko may ibabara ka?" pagmamaktol kung tanong sakanya.
"Who do you think you are para malaman yun? Okay sige hindi ko na hinihinging magsorry ka saakin, basta umalis ka na sa harap ko!" utos nito sabay itinulak ako. Hindi lang pala siya maldita eh ubod din ng Yabang.
Bago pa man siya makalayo nagsalita na akong muli.
"Kung hindi mo babaguhin yang ugali mo! Wala ng magtatangkang manligaw sayo!" sigaw ko kaya napatahimik siya.
Agad itong lumingon at sumagot
"Hindi ko kailangan ang mga yan, I can live without them!" sagot niya at tyaka nagpatuloy na maglakad.
JANE POV:
Andito ako ngayon sa mall, nandito daw kasi si Rhea kaya imemeet ko na siya rito
"Ano ba!" singhal ko, kung minamalas ka nga naman.
"Okay ka lang?" tanong saakin ni Teka diba si Red ito, at sino naman itong kasama niya..
"Hoy! Hindi ka man lang ba magsosorry?" pagtataray ko sakanya, siya na nga itong nakbunggo hindi pa nagsosorry.
"Bakit naman ako magsosorry sayo?" tanong niya saakin na halatang walang balak mag sorry, sayang gwapo pa man din sana siya wala lang modo.
"Aba'y! *tinuro ko siya* Kaano-ano mo ba ito?" tanong ko kay Red
"Ah sorry Mavy! Hindi naman niya sinasadya!" pagsusumamo ni Red.
"Hey you! Kung gusto mong makaalis dito say sorry to me! " pagmamaldita kung muli sakanya.
"Hindi sayo itong daan, ang lawak ng mall na ito hindi tayo magkakabanggaan kung sa ibang deriksyon ka dumaan"paliwanag niya saakin.
"Unang una hindi ko sinasabing akin ang daang ito, pangalawa wala kang karapatang pag bawalan ako dumaan sa ibang deriksyon at pangatlo ano namang pakialam mo kung dito ko gusto dumaan. " pangangatwiran ko naman tutal dito naman ako magaling bakit hindi ko nalang ipakita sakanya.
"Ewan ko sayo! Saan kaba pinaglihi at halos lahat ng paliwanag ko may ibabara ka?" pagmamaktol niya saakin.i cant deny it his cute.
"Who do you think you are para malaman yun.! Okay sige hindi ko na hinihinging magsorry ka saakin, basta umalis ka na sa harap ko!" utos ko sakanya, pati ba naman paglilihi ng mama aalamin niya
Bago pa man ako makalayo ay nagsalita siyang muli
"Kung hindi mo babaguhin yang ugali mo! Wala ng magtatangkang manligaw sayo!" sigaw niya saakin. Napatawa nalang ako sa sinabi niya, actually hindi lang siya ang nagsabi niyan saakin, and I swear sanay na sanay na ako diyan
Agad akong lumingon with poise.
"Hindi ko kailangan ang mga yan, I can lived without them!" sagot ko sakanya, bago tumalikod. Simula ng iwan niya ako, I dont think gusto ko pa ulit magmahal. Like what I've said I can live without them anong feeling nila pagkain sila.
Sa life meron tayong mga choices and I chose to be single and live without boys, ano bang dala nila? Puro pasakit dahil sa mga panloloko nila. Saka na ako magmamahal kapag alam ko nang handa na akong masaktan para sa taong mamahalin ko pang habang buhay. And I think choosing the one who will hurt you is also a choice.
Wala na akong sa mood kaya hindi ko na hinanap si Rhean umuwi nalang ako.
PS: The name of Jane's bestfriend is Rhean as well, please to dont get confused. Thanks
BINABASA MO ANG
Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)
Teen FictionUnfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)