AMKG 15.4 (Fouth-Half)

1.1K 22 1
                                    

A/N: Chapter 15 parin po itong chapter na ito hinati hati ko lang para mas masaya :) Wala po sanang magagalit. Loveyou All :* Happy 12k+ reads :) Sana po suportahan niyo lang. 

JANE POV:

Nagising ako dahil pag-uusap na naririnig ko.

"Ano ba ikaw nalang kaya!" sabi nung babae.

"Ayoko nga baka maldita yan eh!" sagot naman nung isang lalaki.

"Ikaw na Red tutal kasundo mo naman yan dati eh" paliwanag nung isang lalaking nakasalamin habang pinagtutulakan yung isang lalaking cute.

Agad naman itong lumapit saakin, kaya nagkunwari akong tulog baka kasi sabihin nila chismosa ako

"Jane?" bulong nung lalaki saka ako hinay-hinay na niyuyug-yog. "Jane? Gising na" sabi nitong muli. Agad kung binuka ang mata kaya,kaya medyo napaatras siya. "Yan gising na siya"sabi niyang muli saka medyo lumayo saakin. Agad namang lumapit yung isang babae nilang kasama. MAGANDA siya at MAAMO ang kanyang mukha.

"Hi Jane!" bati saba'y ngiti saakin. Ano bang dapat kung isagot sakanya? Sabi saakin ni Mommy siya daw ang bestfriend ko except kay Aliyah. "Alam kung hindi mo na ako o kami nakikilala, pero handa kaming maging kaibigan mo kahit pa hindi man kami maalala. " dagdag pa niya, kung titingnan mo siya, halatang hindi siya nagsisinungaling.

"Thank you" yun nalamang ang aking naisagot, agad silang nagtakbuhan saakin. 

"Namiss namin si JANE !!!" Sigaw nilang sabay-sabay. 

"Paano? Hindi na ako makahinga!" pagbibiro ko kaya sabay-sabay silang nagalisan.

"Promise matatandaan mo rin kami." sabi nung isang lalaki.

"Hi I'm Ram" pagpapakilala nung isa.

"I'm Raz" sunod din nung isa pa.

"Im Rhean " sabi nung maganda.

"And I am Red" pagpapakilala nung gumigising saakin kanina. Ang cute nila.

"At ako si Jane Elizabeth Oineza" pagpapakilala kung pormal sakanila.

Sawakas nagkaroon nanaman ako ng mga bagong kaibigan, sana lang ay wag mangyari yung nangyari noon.




AINA POV:

Bakit ba hindi nila ako kayang mahalin? Bakit kailangan kong manlimos para lang mayroong mag-mahal saakin. Ginawa ko na ang lahat para mawala sa landas ko ang Jane na yan pero hanggang ngayon siya parin ang tinik sa buhay ko.

Oo mahal ko na si Jeron, mahal ko siya kasi alam kong iba siya at alam kong kami sa huli dahil ako ang fiance niya pero bakit hindi niya ako magawang mahalin?

"Ano mahal mo na siya?" malakas na sigaw saakin nitong bestfriend kong galing sa Canada.

"Oo eh! Mahal ko na ang gagong yun" sagot ko sakanya. Agad niya akong binatukan.

"Lasing kaba o Tanga lang?" tanong niya saakin na parang hindi naniniwala.

"I love him Princess, Mahal ko siya. Siya na talaga" paliwanag ko sakanya,pero natawa lang siya saakin.

"Alam mo Aina minsan ang tanga mo rin eh! Andyan naman si Sebastian na mahal ka pero ikaw naman nagmamahal ka ng mga lalaking hindi ka naman mahal!" sabi niya saakin.

"Eh sa ganun nga ang puso ko eh!" pahalang kong sagot sakanya.

"Pagiging tanga yan teh!" pangbabara niya.

Pagkatapos naming mag usap ay pinayuhan niya akong umuwi nalang daw dahil masyado na akong lasing. Kung pwede ko lang siyang mahalin ginawa ko na para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Si Sebastian ang lalaking mahal na mahal ako, siya yung lalaking karapat-dapat mahalin kaso wala akong magagawa kung hindi ko siya kayang mahalin. Siguro dadating din ang right girl para sa kanya.

Bzzt! Bzzt! Sino nanaman ba tong pesteng nagtext.

From: Princess

I saw him! Bumalik na siya Aina hindi ako pwedeng magkamali. His here! Nandito na si Sebastian!

Nandito na siya? Ano naman ang ginagawa niya dito?


























 May next half pa dito :) Vote lang ng Vote <3 

By the way sino nga ba si ARIYAH? PRINCESS? at si  SEBASTIAN? HAHAHA! Malalaman niyo na yan soon :)

Madami pang papasok na character.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon